Chapter XLI

31 3 0
                                    

Logan's P.O.V.

Kamusta na kaya siya? Trinatrato pa rin ba siya ng maayos? Kumain na kaya siya? Tinext ko naman na si Ate Aria na damihan yung bibilhing pagkain para kay Kreme.

Wala pang dalawang oras na nagkalayo kami nami-miss ko na agad siya.

Ang saya ko lang masyado. Yung babaeng lagi kong iniisip, na hindi ko akalain mamahalin ko ng ganto ka-sobra ay mahal din pala ako.

Totoo ata yung sabi nila na, the best love story is when you fall inlove with the most unexpected person at the most unexpected time.

Alam ko naman na dadating yung oras na 'to, sadyang napaka-bait lang ni Lord dahil binigay niya agad yung hiling ko. Inexpect ko na to hindi dahil kampante ako sa itsura ko, well aside from that, na pogi ako, gagawin ko talaga lahat ng makakaya ko para mapasakin siya.

Alam ko namang makikita niya sakin yung 'sincerity'.

Nawala ako sa pag-iisip ko kay Kreme nang nag-ring yung phone ko.

"Hello Liam--"

"We're heading home. Nang nalaman ni Mama na nakabalik ka na nagpumilit na siyang umuwi-- BUNSOOOOOO, pinag-alala mo yung pretty Mama mo. Huhuhuhu."

"I'm sorry Ma."

"Miss na miss ka na namin baby damulag. Pauwi na kami."

"May gusto po ba kayong ipabili? Anything--"

"Naku, wala na anak. Bilisan mo na lang sa pag-uwi at miss na miss na kita baby damulag."

"Sige Ma. Ingat kayo. Kasama ko po pala si Kuya Nard."

"Sige anak, ingat ka din ha. Bye."

"Bye Ma, I love you."

Mukhang hindi na narinig ni Mama yung huli kong sinabi dahil namatay na yung linya. Problema ni Liam?

Naghanap na lang ako ng u-turn para makabalik na rin sa bahay.

"Grabe talaga yung traffic. Dito ata talaga mahahanap ang forever."

Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Kuya Nard.

"Kaya nga Kuya, matulog na po muna kayo at mahaba-haba pa ang byahe natin."

"Sigurado ka? Bakit ba ayaw mo kong mag-drive? Pagod ka rin naman."

"Ayos lang ako Kuya, ikaw halatadong puyat ka pa. Magpahinga na po muna kayo diyan."

"Sige, basta gisingin mo ko pag may kailangan ka sakin."

Tinanguan ko lang si Kuya Nard. Hindi ko alam kung anong pinagawa sa kanila at bakit puyat na puyat sila pero kailangan din nila ng tulog kaya ako na ang nagprisintang magmaneho.

Sinabihan ko lang sila kanina na humiwalay sakin pag asa ospital na dahil baka dumugin din si Kuya kung sakali.

To Kreme:

'How's work? 'Wag masyadong magpagod ha, na-ilabas na daw si Mama. Pabalik na kong bahay. Text me when you're not busy. I love you Katipunan.💟'

Text ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ramdam na ramdam ko bawat sandali yung cloud nine na sinasabi ng iba. Ang gaan gaan sa pakiramdam.

Nakangiti na naman ako na parang tanga. Ganto naman talaga pag-inlove.

And somehow this is not the way I planned it. I didn't think I need someone right now.

"Then there was you."

Sinabayan ko yung kanta na pinapatugtog ko sa ipod. Dinownload ko 'to nung sinabi sakin ni Kreme kung ano yung title nung kinanta niya nung asa probinsya kami.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon