Chapter IV

25 3 0
                                    

LG's P.O.V.

Naglalakad ako ngayon pauwi galing basketball court, malapit samin. Naglaro ako mag isa. Badtrip eh. Naguguluhan talaga ako.

Oo, mas pinili kong tumira kay Nay Loreng, siya yung pinakamatagal na naging kasambahay nila Mommy. Hindi ko tunay na kapatid si Leo, patay na yung tatay niya. Yung bahay na tinitirhan namin, dati dun naka lugar yung park kung san ko unang nakilala si Flaire. Ngayon naging kabahayan na.

Siguro nga sobrang dami ko nang nasayang na oras at panahon, mga sacrifices para lang makita ulit siya.

Kaso, kahit gustuhin kong magising sa katotohanan, tsaka naman ako nabigyan ng pag-asa sa matagal kong pinapantasya. Ang corny ko...

Yung naramdaman ko nung bata pa kami, at naramdaman ko nung nakita ko ulit siya, walang pagbabago.

At dahil dun, naniniwala ako na siya talaga yun.

Hindi pa talaga ako nagkakasyota, pero hindi naman ako inosente pagdating sa ganyan. Nasubukan ko na rin makipag fling sa ibang babae, pero sa chat o text lang. Tapos pag nagsawa yung babae kapipilit sakin makipagkita, hindi na magpaparamdam.

Pero sa huli, siya pa rin yung naiisip ko, bago ako matulog at tuwing magigising ako.

Pagdating ko sa bahay, nagpahinga ako, tas nagshower. Magoonline sana ako ng may napansin ako sa study table ko. Isang envelope. Lumabas saglit ako ng kwarto,"Nay! Kanino galing to?".

"Aba malay ko, tanungin mo si Leo." psh, busy na naman sila magcomputer.

"Hoy, alam mo kung kanino galing to?" busy rin sa psp niya.

"Hindi ko alam, nakita ko lang kaninang umaga sa harap ng pintuan yan, pagka alis mo. Bakit di mo basahin?" ni hindi man lang lumingon sakin. Bastos talaga.

Hindi ko na lang siya sinagot. Habang pabalik ng kwarto binuksan ko yung sulat o kung anuman to.

To: Grey

Yun lang napansin kong nakasulat sa envelope, walang From. Maliit lang siya. Tapos sa loob may note.

Meet me at Galileo Park. 10 pm.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung dahil sa excitement. Madalas na kong makatanggap ng gantong klaseng card, minsan may kasama pa ngang kiss mark yung note eh. Pero kadalasan, Logan o LG ang tawag sakin. Tapos may xoxo pang nakalagay.

Bigla kong naisip yung mukha ni Flaire.

Ang bagal ng oras. Naiinip ako.

Tss, makapagbasa na nga lang.

Arghh, boring. Maglalaro na lang ako.

Badtrip, bobo yung nakasama ko, mahirap magbuhat. Talo tuloy. Makapag-ol na nga lang.

Ang daming nagmemessage sa chatbox ko kahit nakaoffline ako. Makapagpalit nga muna ng DP.

Eric Fabia and 51 others like your profile picture. 1 minute ago.

Haha, iba talaga pag gwapo.

Teka masearch nga profile niya.

Flaire Delos Angeles

Tss, bakit wala? Baka iba username niya. Matanong nga minsan. Sana kausapin niya rin ako.

Ahy, tama. Mamaya pag nagkita kami, itatanong ko.

Anong oras na ba? 6:34 pm. Bakit ang tagal??! Nabibwisit na ko ha. Makaligo na nga lang.

Pagkalabas ko ng kwarto,"Pft! Bwahahahahaha" ang lakas ng tawa nung mag ina. Napansin kong hawak ni Leo yung IPad habang tumatawa sila ng wagas.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon