Chapter XI

18 3 0
                                    

LG's P.O.V.

"Congrats sa atin at Cheeeeeers!!!" Ang ingay ni Kreme. Asa resthouse nila kami. Nagcecelebrate dahil unti unti nang nakikilala ang banda namin. Hindi lang sa probinsya namin, pati na rin sa ibang lugar. At ang daming offer na gig sa amin.

"Wooohhhhhhhh!!!!" Sabay sabay kaming naghiyawan. Masaya kaming lahat pero alam kong problemado si Kreme. Ewan ko ba dun, lagi syang nag aayang uminom. Libre nya naman kaya walang problema sa amin. Haha.

Nagkakatuwaan kami. Asaran. Kulitan. Kantahan. Habang tumutugtog pa minsan sila Lewis. Nagkaka-ilangan silang mag ex pero ang importante nagkakabonding pa rin naman kami.

Kasama din namin yung iba naming kaklase, sila Addison, Monica, yung kambal na Tope at Kris at iba pang barkada at schoolmate.

"Congrats din sa bagong magsing-irog na sina Lucy at Eric!! Finally, may na-gayuma kang unggoy ka! hahaaha" may tama na ata tong si Kreme. Bahala sya dyan.

"Cheers ulit!!! hahaaha" maarteng sigaw ni Monica.

"Painumin nyo ng marami si Logan nang mapa-amin na natin sya!" Sabi naman ni Tanya. At nagtawanan ulit sila. Ang gulo nila.

"Bahala na nga pala kayo kung san nyo gusto matulog, nasa sainyo yan kung gusto nyong gumawa ng milagro Eric. Hahahaahaahhaha" nababaliw na ata tong si Kreme.

"Wag mo nga sirain plano ko, wala kayong tiwala sa diskarte ko e" at kumindat pa kay Lucy ang mokong.

"Wag mo kaming gagapangin Logan ha." Dugtong nya.

"Gago." Yun na lang nasabi ko dahil alam kong aasarin na naman nila ako.

"Sana lagi palang broken hearted si Kreme. HAHAHA." Sabi ni Blue. Natigilan ang lahat sa sinabi nya.

"Joke. hehe" at nagpeace sign pa sya. Mapapaface palm ka nalang sa kaengotan ng isang to.

Inabot kami ng madaling araw sa katuwaan na nangyari. Ako na lang yung gising kasi halos lahat sila ay nalasing, akala naman nila umiinom talaga ako. Iced tea lang ang akin, kakulay ng brandy kaya hindi halata.

Lumabas na muna ako para magpahangin. Tumingala ako. Ang ganda ng stars.

Naalala ko tuloy ulit sya.

Asa garden kami ng bahay nila. Nagpaalam kami na magtetent na lang kami dito para maranasan namin mag camping-kuno.

Nakahiga kami habang nakatingin sya sa langit.

"Ang ganda..." hindi maulap at malalim na din ang gabi kaya sobrang dami ng star.

Nakatitig lang ako sa kanya,"Oo, napakaganda."

Napansin ko ang tumulong luha sa mata nya. Nataranta ako.

"Anong problema?" Tumagilid ako paharap sa kanya.

"Wala, masaya lang ako." Umiling sya at ngumiti pero hindi nya ako tinignan.

"Sana ganto palagi." Saad nya.

"Pwede namang ganto tayo palagi e, wala namang kaso sa akin yun." Nakangiti ako habang sinasabi yun. Gusto ko syang yakapin kaso baka isipin niyang manyak ako.

"Alam ko. Kaso hindi talaga pwede..."

Natigil ako sa pag iisip ng alaala dahil may narinig akong nag bubulungan sa labas ng gate ng resthouse. Oo, ganun kaingay yung bulungan nila.

"Does he knows about this?" Boses ni Sam yun a. Makikitsismis muna ako.

"Maybe. Soon. I dunno." Si Kreme yun. Akala ko wasted to. Sa bagay, ikaw ba naman magkapamilya na alak ang negosyo.

"Yeah I'm adopted, pero it doesn't mean that they have to manipulate my life." Ano?! tama ba yung narinig ko? Gusto ko nang umalis kaso kaibigan ko din sila e. Hindi ko din alam kung bakit ako interesado.

"Are you the one whose gonna tell him? You know him, he always feel betrayed when you keep secrets from him." Sinilip ko sila dahan dahan para di nila maramdaman ang presensya ko. Umiinom pa rin pala sila, beer in can.

Masama na tong nangyayari. Kulang nalang turukan ng dextrose si Kreme na alak ang nakalagay.

Sino ba yung pinag uusapan nila? Inaantok na ko, nilalamok pako. Maka alis na nga lang. Hahakbang na sana ako palayo kaso...

"Logan will not probably agree, of course, we know how much crazy he is about her."

Nabigla ako. Agree of what? May nililihim sila sakin, sigurado ako dun. That "her" is definitely Flaire.

"I'll let his family. Baka magalit lang siya sa kanila kung sa akin pa manggagaling iyon."

Kailangan ko silang kumprontahin. Magpapatay malisya akong lalapit sa kanila at magkukunwaring magpapahangin at maglalakad lakad lang.

Lumabas ako ng gate at nasilayan ko silang nakaupo sa isang planter habang may tatlong empty beer in can na nakakalat sa gilid nila.

Napatingin sila sakin at dahil magaling umarte si Kreme,"So, you we're saying that Miko's bestfriend and girlfriend are cheating on him? Why didn't he noticed that?" At agad siyang bumaling kay Sam.

"Yeah, just help me cheer him up. Upo ka dito LG." Alok sakin ni Sam,"Beer?"

"No thanks, gusto ko lang magpahangin."

"You should help us with our plan. We need to show Miko that the world is not that cruel just because he has been betrayed by his most trusted persons." Sabi sakin ni Kreme.

"Gusto mong tumulong kay Miko pero sarili mo hindi mo matulungan?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Anong ibig --"

"Ano bang kailangan ko malaman?--"

"Woah, easy LG. May narinig ka bang pinag-uusapan namin?"

"Tss, just tell me the truth. Kung ayaw mo Kreme ikaw na lang magkwento Sam."

"I don't have the right bro. Sorry. I should leave you two."

"H-hoy!" At bago ko pa sya mahabol ay papasok na siya sa resthouse. Ang bilis naman nun.

"Good night Logan." Papasok na rin pala si Kreme. What the.

Hinabol ko sya. Mabilis ko syang naabutan kaso nung sobrang lapit na ko sa kanya bigla syang humarap dahilan para magtama ang aming mga labi.

*click* nasilaw ako sa biglaang liwanag.

Fuck. Huli na nang narealize kong flash pala ng camera yun.

Tumakbo kagad papasok ng resthouse yung nakakita ng insidente, hinabol ko kaso pagkapasok ko walang bakas ng taong kakapasok lang bago ako.

Mabubugbog ko kung sino man yun.

Babalikan ko si Kreme. Pagka ikot ko paharap sa pintuan para maka labas ay saktong salubong ko sa suntok nya.

"Shit!" Napaatras ako ng konti at napahawak ako sa labi kong may dugo.

Nakita ko na lang ang itsura ni Kreme na galit na galit at hindi na ko pinansin habang mabilis na umakyat sa kwarto nila.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon