Chapter XVII

15 3 0
                                    

LG's P.O.V.

Flairey<3: Are you alright? :( I'm worried. Do you want me to come over?

Gusto kong mapangiti sa text niya pero hindi ko magawa. Sa wakas, okay na kami. Pero, parang may kakaiba. Parang may mali.

Napailing ako sa iniisip ko.

Ako: Asa set ako Flairey, next time na lang siguro. Okay lang ako. Kila Sam pa ako umuuwi kasi may get together ang banda. Hope you understand.

Pagka-type ko nun, sinend ko na kagad. Agad naman nagvibrate ang phone ko dahil sa tawag niya. Hindi ko sinagot.

What is happening to me? Bakit ganto? I was supposed to be happy, kasi finally! My dream girl is really back. Pinaghalong bigla at saya nung pinakaunang pag-uusap namin. Bumalik yung dating sigla niya, pero hindi na ganun yung epekto sa akin ng mga ngiti niya.

At dapat hindi ko siya natitiis. Wth. Hindi ko in-open up sa kanya yung nalaman kong pagkikita nila ni Kreme dito sa Manila. Ayokong uminit ulo niya kung maaalala yung nangyari.

"Bro, shot mo na. Ano ba to, mas mabilis pa uminom sayo si Kreme." Inabot sakin ni Lewis yung basong puno ng beer na puro yelo.

Asa garden lang kami nila Sam. Oo, nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko alam kung pano ko nakakayang gawin sa kanya yun. Pang-apat na araw na namin dito.

Kahapon nagbasketball lang kami, tapos binisita yung pagawaan ng mga alak nila Kreme, sinamahan namin si Sam, ang sabi niya kailangan niya ng info para sa soon business niya. 18 palang siya pero ang mature niya na mag isip. Sa bagay, ako nga 17, tapos gwapo lang, sobrang gwapo nga lang.

"Mabilis nga, knockdown naman agad."

"Paanong hindi makakatulog e laging pagod yan. Halata sa eyebags nya yung puyat oh." Saad naman ni Blue.

"Sa tv laging natatakpan yan, magaling talaga sya kasi parang ang saya saya nya talaga kahit hindi naman." Si Lewis.

"Ang payat payat na nga nya e." Himalang pagkukumento ni Eric. Walang imik si Sam na tulala lang sa isang tabi.

Pansin ko medyo nagiging close lalo tong si Sam at Kreme.

"I-akyat nyo na kaya to nang makapagpahinga ng maayos." Sabi ko.

"Hoy Sam! Buhatin mo na papunta sa kwarto mo, bilis!" Utos ko pa.

"Ok." At dahan dahan niyang binuhat si Kreme.

"Baka matumba kayo bigla ha, dahan dahan sa hagdan, baka gumulong kayo." HAHA. OA naman ni Lewis.

Tinignan naming apat yung dalawang paalis. At nung napansin na paakyat na sila...

"Huy, LG. Sila na ba? Bakit sobrang close na nila, hatid sundo pa ni Sam si Kreme. Tsaka, imbes na si Lewis bumugbog sayo dati, naawa na sya sayo kasi malala na yung blackeye na binigay sayo ni Sam." Pag-iintriga sakin ni Blue.

Nagkibit balikat na lang ako.

"Bakit di sila ang tanungin mo Asul, kesa pag usapan natin sila pag nakatalikod sila."

Kinabukasan, wala na kaming ibang ginawa kundi mag foodtrip at movie marathon, tas pag gabi iinom. Ganun ang eksena hanggang sa nung umuwi na yung tatlo sa probinsya.

Kailangan ko na talaga mag gym. Hindi naman ako conscious sa katawan ko kaso kailangan to sa trabaho. Lalo at nasabihan na din ako dati ng manager ko.

"Kamusta ang bakasyon kila Sam? Did you have fun?" sabi sakin ni Flaire at binigay yung sandwich at juice na ginawa niya kani-kanina. Asa sala kami ng bahay namin, dito ako dumiretso hindi sa condo, at andito na daw siya bago pa ako makauwi sabi ni Mama.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon