Chapter XLVI

24 3 0
                                    

Logan's P.O.V.

"Ma, hindi ba siya dumating nung tulog ako?" Inayos ko ang pagkakaupo ko at humikab pagkatapos tanungin si Mama.

Umiling siya bilang sagot.

"Dadating din siya 'nak. Kumain ka na." Inabot ko iyong pagkain na hinanda nila. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita.

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Alam kong hindi nun maibabalik yung mga nangyari at hindi mawawala yung sakit na naipadama ko sa kanya nun.

Kailangang kailangan ko siya. Kaso, hirap na hirap na siya dahil sakin.

Lalo pa't iba ibang issue pala ang hinaharap niya nang dahil sakin.

"Good morning, Tita." Napahinto ako sa pagnguya nang narinig kong may pumasok. Bumagsak lang ang mga balikat ko dahil sa nakita ko. Akala ko siya na.

"Ang aga mo naman ngayon." Sabi ko sa bisita.

"Hindi ko na kasi mahaharap mamaya, that's why I'm here right now. I need to work at Grandma's company." Maarteng sagot niya sakin. Umupo siya sa gilid ko tsaka hinawi ang kanyang buhok.

Nabigo lang din ako. Pero hindi ko pa rin hinihinto yung pag-asa ko na dumalaw siya ulit. Alam kong namimiss niya na ko. Yun pa. Sino bang makakatiis sa kapogian ko?

"Uuwi na muna ako, anak." Paalam ni Mama. "Andiyan lang sa labas si Liam, kaya okay lang kung papasok ka na agad sa trabaho mo hija. Alis na muna ako." Tsaka rin ngumiti si Mama sa bisita at lumabas. 

Siguro ay hindi nga talaga ganun kadali na makalimot sa mga salita. Mukhang nagtatampo pa rin sila sakin. Nasaktan ko sila. Paano kaya ako makakabawi neto?

"Hhmmm. Still expecting her?" Hindi ko siya pinansin at binalik ang atensyo ko sa pagkain.

"Oh, well... I guess, you're not in the mood." May kinuha siya sa shoulder bag niya. "Here."

Kinuha ko ang envelope na binigay niya.

Gonzalez-delos Angeles Nuptial

"Nagpunta na si Vander dito, right? He requested you to be his best man. Sa akin niya na pinaabot yan dahil, probably they're busy about organizing their wedding."

"Salamat Claire."

"No worries. Gotta go. Ciao." Bumeso siya sakin tsaka umalis.

Kinabukasan nung napagtaasan ko ng boses si Kreme bumisita siya. Sa kanya lang ako naglabas ng saloobin. Mapilit siya e. Hindi ko na din kasi kasundo si Liam simula nung nalaman niya ang nasabi ko kay Mama. Humingi ako ng paumanhin pero hindi yun sapat. Nagalit din si Papa.

Magdadalawang linggo na ding hindi nakakabisita si Kreme. Ano na kayang ginagawa niya ngayon?

Nagtanong na ko sa halos lahat ng kakilala namin. Ate Aria, Ate Xy, Tita Kia, Tito Kenji, Sam, kahit kay Lewis at Blue, kina Nay Josie. Sa lahat. Pero wala silang binabanggit sakin.

Alam kong ayaw lang niyang sabihin nila sakin kung asan siya pero nakakaumay na. Halatang iniiwasan niya na talaga ako.

"Anak dahan dahan lang." Hindi ako sanay na yan din ang tawag sakin ni Tito Red. Hindi ko pa rin matanggap na siya yung totoong ama ko.

Nakahawak ako sa braso niya at inaalalayan ako ngayon papuntang banyo ng kwarto.

Nagsimula na kong maglakad ng walang saklay simula nung isang araw. Umiyak pa si Mama. Pero parang napalayo ng kaonti ang loob nila sakin dahil napapadalas din ang pagbisita ni Tito Red.

"Sa susunod pa naman na buwan ang kasal. Makakapaglakad ka na nun." Naka-suit ulit siya ngayon. Busy siya pero naharap niya pa rin ako. Eh si Kreme kaya?

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon