Chapter XXVII

14 2 0
                                    

LG's P.O.V.

"Anong sabi mo? Anong ibig sabihin ng--"

"We're done talking, Logan. Now leave."

Naguguluhan pa rin ako dun sa 'taken for granted' na linya niya. What is she talking about?

"I said leave." Mariing pagkakasabi niya. Ramdam ko ang galit sa muka niya.

Galit, panghihinayang, at sakit.

Nakaluhod pa rin ako sa harap niya at lutang na nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung ano yung gusto niyang iparating.

"Ayaw mo umalis? Fine. Ikaw na tumira dito kung gusto mo." Tsaka siya umalis sa harap ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umalis. Ayoko munang umuwi. Wala din naman akong gagawin ngayon. Pero san naman ako pupunta? Wala na kong madadamayan ngayon. Ayokong mastress sila Mama. Matatanda na sila.

Nakalabas na ko ng subdivision nila nang hindi ko namamalayan.

Sobrang lutang ang utak ko ngayon. Nagda-drive lang ako nang hindi alam kung san pupunta.

So this is how it fells like to be taken for granted.

Taken for granted. Yeah, I understand she felt that because of what I did. Pero ang nakakagulo ng isipan ay yung sinabi niya na 'naintindihan niya na kung bakit mas pinili ni singkit na maging busy'.

Ang alam ko hindi niya pinili yun, plano na talaga ni Sam yun. Siguro kilalang kilala na ni Kreme si Sam para masabi niya na pinili nga niya yun, dahil base sa mga kilos ni singkit, gagawa at gagawa talaga yun ng paraan mapakita niya lang na andyan siya para kay Kreme.

Does she mean, she took him for granted?

Like how I treated her?

Did I really took her for granted?

As far as I remember, I took Claire for granted. And Kreme was just there to comfort me, aside from that we have bonds, mas nauna ko siyang nakilala kesa kay singkit, at mas marami kaming alam sa isa't isa kahit hindi kami laging magkasama.

At isa na dun ay yung tungkol samin ni Flaire.

Habang nagdadrive, napapahinto ako dahil sa traffic. Natyempohan naman na nakatapat ako ngayon sa building ng kabilang network.

Nawala ako sa pag iisip tungkol kay Kreme dahil nakita ko yung malaking muka nung fiance ni Flaire doon. Pamilyar talaga yang muka niya e, sa bagay, baka matagal nang artista to ngayon ko lang nakilala kaya ganun.

Hindi masakit kapag naaalala kong ikakasal na si Flaire. Bakit? Ba't ganto? Dapat nasasaktan ako dahil ikakasal na siya sa ibang lalake. Naalala ko pa yung bangungot ko na ako pa yung best man. The fuck lang. Pero ang nagpapabigat talaga ng damdamin ko ngayon e yung sitwasyon namin ni Kreme.

Have I felt out of love?

And did I accidentally fell inlove with Kreme?

Or am I just selfish?

"Bullshit! I'm really worthless!" Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa frustration at nahampas ang manibela ko.

Buti na lang talaga at wala akong trabaho ngayon. Kung tutuusin ang liit liit ng problema ko kumpara sa ibang tao, pero pakiramdam ko pasan ko talaga ang problema sa buong mundo ngayon.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na din pala ako. Hinayaan ko lang na tumulo nang tumulo ang mga ito.

"Oh, panyo. Wag mo munang ipangpupunas yan hangga't hindi pa naaubos ang luha mo. Umiyak ka lang ng umiyak hanggang mapagod yang mga mata mo."

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon