Chapter III

25 3 0
                                    


LG's P.O.V.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nagyari. Ang OA ko na talaga.

Sabado. Tinatamad ako. Wala akong ganang kumilos.

Naguguluhan na naman ako.

Oo, nashoot nga niya yung bola. Pero, bakit ganun? Imbes na matuwa ako kasi napatunayan niya sa lahat na lalake siya, eh kabaliktaran nun yung nararamdaman ko. Nalulungkot ako.

Siguro dahil may part sa isip ko na hindi tanggap yung nangyari. Na hindi tanggap na lalake sya? Pero bakit?

Argggghhh. Sa gwapo kong to? Mababakla ako???! Eh kkavvdja$*@((*$*##jjjahaiqllabdbf-$-1-$/$@99$;$ghsjakgjbfdfja.

IMPOSIBLE.

"Nak, maligo at magtoothbrush ka na jan, amoy kita hanggang dito sa sala." sigaw ni Nay Loreng. Ang OA ha.

Bumangon na ko. Siguro kailangan ko lang na, balewalain yung nangyari.

Pagkatapos mag-ayos, pupunta ako ngayon kila Eric. Nagpaalam naman na ko kay Nanay. Nagmotor lang ako papunta sa kanila. Medyo malayo kasi samin bahay nila eh. Obvious naman di ba.

"Oh, problema mo?" bungad sakin ni Eric habang seryosong naglalaro ng dota 2.

Mag-isa nya ngayon. "Sila auntie, asan??"

"Wag mong ibahin ang usapan."

"Tss. Asan nga mga tao dito sa bahay niyo?"

"Hindi mo ba ko nakikita ha??"

"Bobo." sabi ko na lang.

"Nag-grocery at namasyal silang lahat, nagpaiwan ako kasi tinatamad ako. Nasagot ko na yung tanong mo."

Napansin ko na nag quit mission na siya, tapos pinatay niya muna yung monitor ng desktop nila. Pumunta saglit siya sa kusina.

Inabot ko yung gitara na nakakalat sa sofa nila. Tinuruan ako nila Eric magfinger style sa gitara kaya kahit di ako kumanta, pwede akong tumugtog.

Bumalik siya ng may dalang beer in can. Tss. Ang aga ha.

Binuksan niya yung isa at uminom. Kumuha lang ako at binuksan ko, pero tinitigan ko lang yung beer.

"Siya ba yun??" biglang sabi ni Eric. "Siya ba yung Flaire na tinutukoy mo??"

Hindi ako nakasagot. Tinititigan ko lang yung latang hawak ko.

"Bro, 5 years old ka palang nun. Sigurado ka ba?? Ni hindi mo nga alam yung last name nun eh."

Napangiti ako. Naalala ko ulit.

Naglalaro yung mga bata sa paligid ko, ako naman kumakain ng ice cream habang may hawak na lobo sa kabilang kamay ko. Nasa swing ako, hinihintay kong balikan ako ni Mommy.

Tapos biglang may tumabi sakin na isang babae, umupo siya sa kabilang swing. Ang cute cute niya. Mukha siyang manika. Mahaba ang buhok at may bangs, hindi siya maputi hindi rin siya maitim. Ang ganda ganda niya.

Nagduduyan lang siya ng bigla niya kong kausapin. "Bakit mag-isa mo lang dito??" ang ganda ng boses niya.

"A-ah, hinihintay ko si Mommy ko, sabi niya may kukunin lang daw siya sa car namin,ikaw? Bakit mag-isa mo?"

"Binilhan saglit ako nila Kuya ng Ice cream kasi sabi ko gusto ko nun eh. Ayun sila oh." nakangiti niyang tinuro yung isang lalake na kasing laki ko kasama yung isang babae na nakasuot na pang-maid tapos lumingon dito yung lalake at kumaway, kinawayan din niya ito.

Ang ganda ng ngiti niya. Ang saya saya niyang tignan.

"Nagsschool ka na ba?" biglang tanong niya sakin.

"Oo, sa St. Andrew Academy ako nagsstudy. Ikaw??"

"Ahmm, si Mama ang nagteteach sakin ngayon, tapos sabi nila, sa ibang bansa na daw kami pagaaralin." ang cute ng pagkakasabi niya, medyo bulol pa siya.

"Pero sabi ni Kuya, gusto niya dyan magstudy pag nag grow up na kami." dugtong niya, tapos tinuro niya yung school sa tabi ng park. Ligaya National High School.

"Hindi ba public school yan? Bakit diyan niyo gusto?"

"We want to explore and discover things together, hindi ko alam kay Kuya, basta kung asan siya, dun ako." nakangiting sabi niya.

Dumating na yung Kuya at Yaya niya, "Kuya, look, I met a new friend." masayang sabi niya dun sa lalake. Tapos inabot sa kanya yung ice cream na pinabili niya.

"Hello po." I smiled at them.

"Ang bait talaga ng Baby Flaire namin, may friend agad siya oh." sabay pisil nung lalake sa pisngi niya.

Flaire.

"Sige, mauna na kami ha. Next time ulit. Goodbye Grey." nakangiti pa rin siya habang nagpapaalam. "Promise me, you'll wait for me ha." at nilahad niya yung pinky finger niya.

"Yeah, I promise."at nakipag pinky promise ako. And then she kissed my cheeck. Dali dali siyang tumakbo pa alis after nun.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa makasakay na sila sa kotse nila at makaalis.

She knows my name.

Nakaname tag pa pala ako.

"Tsk. Tsk. Nadali na."

Napabalik ako sa katinuan ng marinig si Eric.

"Dude, todo effort kang maghanap ng Flaire sa school natin, tapos ngayon na meron na, lalake naman."

Hindi ako sumagot.

"Kung yang Flaire pa rin na yan ang dahilan kung bakit hindi ka nagsyosyota, aba eh p*tangina naman oh. Ang bobo mo"

Siguro nga tama sya, ang bobo ko.

"Iniwan mo totoong pamilya mo para lang sa isang babae na nakilala mo 10 YEARS AGO. Sobrang tagal na nun. Tingin mo naaalala ka pa nun?"

"Tingin mo ba, kilala ka pa nun? Na tulad mo hinahanap ka rin niya? Ang dami mo nang sinakripisyo, halos buong pamumuhay mo na ang sinayang mo para lang sa wala."

"Pare, siyam na buwan na lang gagraduate na tayo. Sana naman magising ka na sa katotohanan."

"Bakit di mo subukan ibaling sa iba yung atensyon mo? Sa dami ba naman ng nagkakagusto sayo, hindi ka na mahihirapan."

Napatingin ako sa kanya,"Nangako ako."

"Na hihintayin mo siya? Eh asan na siya ngayon? Hindi ba parang ang tanga naman masyado, ang babata niyo pa nun eh. Malay mo ang ibig niyang sabihin eh, hintayin mo siya para maglaro kayo dun sa park, hindi para sa pag-ibig."

"Tsaka sa generation natin ngayon, hindi na uso yang destiny, love at first sight, meant to be, na yan."

"Palibhasa kasi wala ka sa posisyon ko." sagot ko.

"Tss, kung ako sayo, mas pipiliin kong mamuhay sa kung ano talaga yung para sakin. Hindi yung kakalimutan lahat, para sa isang pambatang pangako."

Linapag ko sa mesa yung beer na hawak ko, at tumayo."Mauna na ko."

"Bahala ka. Ang tigas ng ulo mo. Hindi ko alam kung ilang beses na kitang sinabihan, wala na kong magagawa, sarado talaga yang isip mo."

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon