Chapter II

48 3 0
                                    

LG's P.O.V.

Magwato-two weeks palang ang school year. Sa ngayon wala pa namang inaannounce si Sam na event.

Lunch break, tapos na kami kumain. Andito kami sa labas ng room, sa mga bench. Tambay, jam, yabangan. Tumutugtog lang ako ng biglang sabi ni Eric,

"Uy si Flaire oh, tara yayain natin dito."

Napatitig na lang ako.

"Flaire!" tawag sa kanya nila Sam.

Siniko ako ni Blue, barkada din namin. "Pre, lalake ba yan??"

"Oo, bakit??"

"Ang lambot naman niyang tignan. Ang liit pa niya." singit ni Lewis.

"Mukha siyang babae." sabi naman ni Kreme.

"Kaya nga eh." yun na lang nasabi ko.

"Halika dito, jam tayo." sabi ni Sam.

Tinignan lang siya ni Flaire at pumasok na sa room.

"Bro, ang sakit nun ah. Kahit sabihin mong lalake ka, napahiya ka dun." sabi ni Eric kay Sam.

"Hayaan nyo na lang." nakangiting sagot ni Sam.

Ganyan yan lagi, kahit napapahiya, nasasaktan, naaasar, nakangiti lang.

Magkakaklase kaming anim. Pero kaming dalawa ni Eric ang pinakamatagal na magkakilala sa grupo, nabuo kami dahil kami ang mga miyembro ng banda dito sa school namin.

Si Blue Hernandez, may itsura kaya chickboy, pero alam niya ang limitations. Average sa academics, pero magaling talaga yan sa Music. Keyboardist. Siya lang marunong samin magviolin.

Si Kreme Kaila Kandingan, KKK, katipunan tawag namin sa kanya minsan. Morena pa. Prinsesa namin yan sa banda. Vocalist. Matalino. Hindi tulad ng iba, okay lang sa kanya na mag isa siyang babae kasama kaming mga kabanda nya. Member din siya ng Cheering Squad ng school namin.

Si Lewis Angel Velasco, Lav, Love ang tawag sa kanya ng lahat. Pero iisa lang ang tanging pinayagan nyang tumawag sa kanya ng Angel, si Kreme, girlfriend niya. Maputi siya. May itsura din. Lead guitarist. Average din sa acad. Tapos siya ang pambato namin sa Photojournalism.

Si Sam Sung, may lahing Koreano kaya singkit. Ang ganda ng pangalan niya noh. Kahit siya ang president ng SSC, drummer sya ng banda at member sya ng napakaraming grupo, sobrang humble ng lokong yan. At wala siyang pake sa sasabihin ng iba kahit minsan pasaway siya at may inaalagaan siyang reputasyon. Kaya nga nakakapagtaka na iniwan siya nung "bh4by k0" niya.

Si Ericxon Fabia, basagulero, maloko, may bisyo yan, at ang maganda lang sakanya? Sense of humor. Masayahin sya, pero alam ko kung ano yung pinagdadaanan ng unggoy na yan. Siya base guitarist ng banda. May gusto rin yan kay Lucy,(kaklase namin) yung nililigawan ni Leo, isang taon lang agwat namin ng kapatid ko. Wala akong kinakampihan.

At ako, Lead vocalist ng banda, Gwapo, Pogi, Gwapo, Pogi at Gwapo. Ang maganda sa grupo, kahit saang instrumento mo ilugar, kaya naming tugtugin. Except kay Kreme, hindi nya matutunan magdrums.

"Pero eto napansin ko ha..." Panimula ni Kreme,"ni minsan, wala pa talagang pinakilala satin si Logan na babae."

Eto na naman tayo.

"Kaya nga, dude, wag mong sabihin na type mo si Kaila kasi akin lang siya." sabi ni Lewis sabay akbay kay Kreme.

"Hindi noh. Tss." sagot ko.

"Oh, baka naman hindi ka makaamin sakin ha, LG. Hindi tayo talo." sabat ni blue.

Gago. I mouthed to him.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon