Chapter XLII

35 3 0
                                    

Logan's P.O.V.

"Hi. Good morning. Hindi kita ginising ha." Naalimpungatan ako sa naramdaman kong halik sa noo ko.

Kinusot ko yung mata ko at tinanggal yung mga muta ko. Nakakahiya naman sa magandang babae na kaharap ko ngayon.

Asa langit na ba ako? Para kasing asa paraiso ako dahil siya kaagad ang nasilayan sa pag gising ko, medyo magulong nakapusod ang kanyang buhok at may mga naiwang hibla sa harap ng mukha niya.

Ang ganda niya talaga.

Nakakabighani masyado yung mga mata niya.

Those brown eyes that I always loved to look at.

"Huy... napatitig ka bigla. Iniisip mo na yung agahan noh? Bangon na, alam ko gutom ka na."

Hindi ko alam kung asan kami, nanaginip ba ko? Mukha namang hindi. At kung panaginip lang 'to, ayoko nang magising.

Ang sarap kasi sa pakiramdam, ang saya saya at ang gaan. Pwede kayang ganto na lang lagi? Ganto na lang habambuhay.

"Ano bang iniisip mo? Tapos, ayaw mo pa magsalita... 'wag ka mag-alala sanay na ko sa hininga mo tuwing umaga." Tumawa siya ng bahagya sa huli niyang sinabi. Napangiti ako, I really love her a lot. Sobrang swerte ko para malaman na pareho lang kami ng nararamdaman.

"I love you..." nagtitigan kami ng ilang sandali pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang yun.

Mga salitang gusto kong ipadama at patunayan sa kaniya kailan at saan man.

Hinaplos niya ang pisngi ko habang nakangiti, yung ngiti na alam kong hindi peke kagaya ng pinapakita niya sa iba. Yung ngiti na tanging sa akin niya lang naibibigay.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin tsaka ako hinalikan sa noo. Napapikit ako dahil sa sayang nadama ko. Andito na naman yung pakiramdam na parang natatae na kinikikiti sa loob ng tyan.

Ang laki ng ngiti ko habang nakadampi yung labi niya sa noo ko. Sumunod niyang hinalikan yung ilong ko. Mas lalo atang nag-init ang paligid. Bakit ang init ng pisngi ko?

Inaabangan ko yung susunod niyang halik nang natapos yung mahinang hagikgik niya sa pagkakahalik sa ilong ko.

"I love you, Logan... please, wake up."

May tumulo sa mukha ko nung narinig kong sabihin niya sakin yun, halos bulong na lang ang pagkasabi niya nun. Minulat ko ulit yung mga mata ko. Medyo mabigat yung mga ito kaya dahan dahan ko lang silang naibuka ng tuluyan.

Bakit nag-iba yung paligid? Hindi na ganun kalambot yung hinihigaan ko katulad kanina na parang lumulutang lang ako.

Tumayo sa pagkakaupo sa kama yung babae kanina na asa tabi ko.

Hinahabol ko yung hininga ko. Wala naman akong hika. Sunod sunod na malalalim na hininga ang binuga ko. At kasabay nun ang pag-ingay ng mga tao na kasama ko kung asan man ako.

"He's awake!"
"Ma, tatawagin ko lang yung doctor."
"Thank God nagising ka na."
"Pa, bumili ka ng pagkain niya dali!"
"Logan, bunso, namiss ka namin."

Kasabay ng ingay nila dito ay ang ingay din sa labas. Bakit parang nagkakagulo?

May mga lumapit saakin na nurse.

"Gusto mo bang umupo ng bahagya? I-aangat ko lang saglit to ng konti." Tinanguan ko lang siya. Yung isa naman ay kinuhanan ako ng BP sa kaliwang braso ko.

Sa kaunting pag-angat ng higaan ko, ay napagmasdan ko ang kinaroroonan ko ngayon. May mga nakatusok sa katawan ko.

"Baby damulag!--- huhuhuhu. Pinag-alala mo kami ng masyado, lalo na ang magandang Mama mo. Namiss ka talaga namin, anak. Huhuhu."

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon