Chapter XL

22 3 0
                                    

Logan's P.O.V.

"Gonzalez brothers?! Akala ko magka-apelyido lang talaga kayo! I've met your family Logan hindi siya kasama doon and wala ni isang picture niya ang asa bahay niyo." Sabi agad ni Ate Xy pagkasarang-pagkasara ng pinto ng office.

Alam ko Ate Xy, nakakagulat di ba? Paano ko ba talaga naging kapatid 'to? Nakakabingi ang katahimikan dito nang hindi ko nasagot si Ate Xy. Yung tunog lang ng aircon ang naririnig.

Tinignan ko si Ate Aria na gulat din, may ideya naman na kami tungkol dito pero hindi pa rin naman ako makapaniwala na totoo yun.

Ganun din si Sam. Si Kreme naman parang nalilito. Shet. Naguumpisa na magpawis yung palad ko. Sana hindi siya ma-turn off. Pasmado ako e.

"What the hell..." pabulong na sabi ni Ate Xy.

Pero bakit naman kaya alam ni Ma'am Chen ang tungkol dun? Nagpa-imbestiga siya? O hinala niya lang yun tapos binanggit niya lang kanina dahil pinagtritripan niya kami? Grabe namang trip yun kung sakali.

"Mr. Vander, totoo ba yun?" Nakatingin lang sakin si Vander at hindi pinansin ang tanong ni Ate Xy. Ang tahimik pa rin. Lumipas ang ilang minuto.

"Magusap-usap na nga lang kayo, yun lang naman ang kailangan niyo e, hindi na dapat kami magbantay dito. Malalaman din namin ang totoo. Halika na Aria." Hinila ni Ate Xy si Ate Aria kahit na parang lutang pa rin siya.

Pagkasarado ng pintuan umakmang aalis na din si Vander.

"Locked. Tss." Bumalik sya sa inupuan nya sa tapat namin.

Si Sam nakatayo pa rin malapit sa pinto. Wala pa rin akong masabi hanggang ngayon dun sa binitawang mga salita ni Ma'am Chen. Tama pala yung hinala ko. Pero paano? Bakit? Ano ba talagang nangyare noon? Gonzalez din naman si Papa.

"Are you okay?" Nabigla naman ako sa pagtatanong ni Kreme. Ninerbyos ata ako sa nalaman ko. Nag-aalala yung itsura niya.

"Yeah. I'm fine, ikaw?" Ngumiti lang siya sakin tsaka tumango.

Dead silence.

"Totoo ba yun?" Hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas ng loob ko para magtanong kay Vander.

"Kahit naman totoo 'yun, alam kong hindi ka sasama samin. Which is a good thing for me." Nakakaasar talaga yung ngisi niya. Ang yabang masyado ng dating.

"Why do you hate Logan so much?" Tanong ni Kreme. Nakikinig lang si singkit, nakatayo pa din, hindi ba siya nangangalay?

Lalong lumapad yung ngisi ni Vander.

"You asked the wrong question. Hindi mo magugustuhan ang sagot diyan."

"Just answer it." Nairita na rin ata si Kreme sa pananalita netong Vander.

"Our relationship is stable, but then someone is continuosly sending gifts, flowers, and letters to Flaire. And even a scrapbook! Or should I say, crap book? Someone named Logan Grey Gonzalez."

"Ilang ulit ko ba sasabihin na hindi ako yun." Paulit-ulit tong lalakeng to e.

"Ha! May iba pa bang Logan Grey na kakilala si Flaire? Bakit kasi hindi mo na lang aminin na hindi ka maka-move on? Gago ka din e. I told you to stop bugging us. Pero hindi ka nagpatinag."

"Hindi nga sabi ako yun."

Nagpipigil siyang manuntok. Galit na galit siya sakin, kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Hey..." bulong sakin ni Kreme.

"I trust you." Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya.

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon