Chapter XXXII

11 3 0
                                    

Kreme's P.O.V.

"Alam mo Kreme, ganyan talaga ang insecure. Patama sa twitter, fb page, ig. Daming alam, mag-deodorant lang hindi."

"Well, I'm not bothered at all. Sanay naman na ko sa mga ganyan e."

"Dapat lang na hindi ka magpa-apekto. Ang pangit pa man din ng tabas ng dila ng babaeng yun. Kagaya ng muka nya, we all know na hirap lagi mga make-up artist at photographer sa kanya."

Hindi na ko umimik sa opinyon ni Ate Aria. Patuloy lang siya sa pag-ayos ng buhok ko habang hinihintay namin dito sa dressing room ang cue ng staff.

"Kung gano kabaho ang kili-kili ganun din ang kanyang budhi." Napatawa at palakpak pa si Ate.

"Ma-tweet nga yun mamaya."

After a while, sinabihan na din ako na mag stand-by sa likod ng stage.

"Good luck." Saad ni Ate bago ako pumosisyon.

"Kreme Kaila! Krema Kaila!"
"Wooooooh!"
"We love you Kreme!"

Rinig kong hiyawan dito sa backstage. I smiled. Sinensyasan na ko na kailangan ko nang pumasok.

Years of experience I had performing didn't let me get over of the same nervousness.

Lumapad lalo ang ngiti ko paglabas at nagsimula nang kumanta at maglakad sa gitna.

"I know what I came to do and that ain't gonna change."

Nagsimula na din ako sumayaw at sinabayan ang back up ko.

"Let's find a light inside our universe now. Where ain't nobody keep on holding us down..."

I changed my facial expression, from smiling to giving a feirce at seductive look.

"Focus... focus on me. Focus... focus on me."

Habang sumasayaw, hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako sa nahagip ng paningin ko. He's cheering my name at may banner pa talaga siyang dala.

Katabi niya yung isang camera-man sa gilid ng stage.

I wish I could say the lyrics of this song to him.

"I know you're hoping that I'll react. I know your hoping I'm looking back."

Naglakad ako sa runway ng stage papunta sa center stage.

I saw a glimpse of his smile while waving at me.

"Focus... focus on me."

I posed after the song ended and winked at the camera. Then bowed as I hear the crowd cheering.

"Wow! Partner, look at that seductive smile. Focus by Ariana Grande."

"Yeah! Kaya nga partner, swerte natin tayo ang host ngayon. HAHA."

"Let us all congratulate Ms. Kreme Kaila Kandingan for receiving a platinum award of her latest album entitled Hyped!"

Tumabi sakin yung dalawang mcees of this show pagkatapos bumeso. At inabot sakin yung award. Something's missing. Ewan kung sinadya bang walang bouquet, but I guess may surprise na magbibigay sakin nun mamaya.

"Congratulations Kreme. Hakot award ka talaga lagi." Pagbibiro ni Kuya Roby.

"You know Rob, nakaka-proud talaga si Kreme kasi, aside from being a really great talent and receiving so much awards from here and there, she stays humble." Sabi naman ni Ate Gretchen.

Naghiyawan naman ang mga tao. Ngumiti lang ako.

"Hindi naman." Sagot ko.

"Oh di ba? She's really humble. Anyway, you look stunning on your outfit. Ari G talaga ang dating with matching cat ears."

Beautiful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon