Chapter 24

3 0 0
                                    

Chapter 24

Anne POV

Kanina pa akong mulat at di makatulog. Kanina padin akong paikot ikot sa higaan ko. Kanina pa akong di mapakali. Kanina pang ayaw maalis sa utak ko ang mga nangyayari!

"AKIN KA LANG!"

"AKIN KA LANG!"

"AKIN KA LANG!"

"Wahhh!! Patulugin mo naman ako!" maya mayang kumatok si nanay.

"Anong nangyari anak?"

"Wala po nay.. Bakit po gising pa kayo?"

"Ay! Hinihintay ko pa ang tatay mong umuwi.. May kukuhanin lang daw syang gamit sa kubo."

"Ganon po ba? Oh sige po matutulog--" napatingen kami ni Nanay sa pinto. May katawanan kasi si tatay papasok sa bahay.

"Dapat kanina ka pang pumasok, Iho. Mukhang nilamok ka na sa labas kung di pa kita nakita."

"Ayos lang po. Nay magandang gabi po.." at nagmano sya.

"A-akala ko umalis kana kaninang pagpasok ko?"

"Hindi. Gusto ko lang talagang magpahangin sana dun sa duyan mo. Eh nakita ako ni tatay. Wag kang mag alala uuwi din agad ako.." bakit parang ang lamig nang pakikipag usap nya sakin.

"Ganon ba? Nay pasok na po--"

"Naku! Naku! Ikaw ang may bisita. Ikaw ang umasikaso sa kanya't matutulog na kami ng tatay mo.. Oh, Iho wag ka nang umuwi't maghahating gabi na. Baka mapaano ka pa sa daan. Oh, paano maiwan ko na muna kayo mga anak.."

"P-pero nay!"

"Wala ng pero pero Anne.. Bisita mo Asikasuhin mo. Iho duon ka nalang matulog sa kwarto ng panganay ko."

"Ah.. Sige po nay." buti pa pag si nanay ang kausap nya ngumingiti sya pero sakin NoReaction! Nakapoker Face lang sya.. Nakakalungkot naman..

"Anong gusto mo? Juice, tubig o Kape??"

"IKAW..."

"H-ha?"

"I mean.. IKAW nang bahala sa gusto mung IBIGay."

"Ahhh... Sandali lang ha?" aalis na sana ako sa harap nya nang bigla nya akong hawakan sa kamay kaya napahinto ako..

"B-bakit??"

"Ww-wala. Wala!"

"Okey." at pumunta na ako sa kusina at kumuhang tubig at pitsel.. At binigyan ko sya ng isang basong tubig.

"Oh.. Magtubig ka nalang.." kinuha nya iyon at ininum.. Pero habang nainum.. Nakatitig lang sya ng diretso sa mga mata ko.

"Oh..." binalik na nya sakin ang baso.. Kagaya ng kanina.. Hinawakan nanaman nya ang kamay ko.

"Bakit nga?" alam kong may gusto syang sabihin eh.. Ayaw nalang akong diretsyahin!

"Sa sunday free ka??" nakapoker face padin syang nakatitig sakin..

"Ahmm.. O-oo, bakit?"

"Samahan mo ko. May DATE TAYO." bakit pa? Eh, may fiancee na sya diba? Ba't di nalang yun ang yayain nya at saka di ba sya nun hinahanap?

"P-pero may f--"

"Whether you like or you like? Understand??" still! N.R parin at ang lamig ng boses nya.

"We still have 1 month and 1 week left.. Sa loob ng mga araw na yan.. Sakin at sakin ka lang sasama. I'll be your Slave but you can command me if I allow you. Understand?" ha? Pwedi ko syang utusan kung gusto nya? Ano yon? Ang labo naman ng taong to..

"May magagawa pa ba ako?" napayuko nalang ako, sa naiisip ko. Bakit nya ba ginagawa to? Habang patagal ng patagal ko syang nakakasama lalo lang akong nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon eh..

"So napipilitan ka lang?" umiling ako at aktong babalik na sa kwarto ko ng bigla nya akong hilain at niyakap.

"Anne please let me show you what I feel.. Please learn to understand why am I like this.. Anne your so numb to feel what I want you to feel." di ko sya maintindihan. Tinutulak ko sya pero ayaw nya akong bitawan. "Please ahayaan mo muna akong yakapin ka.."

"Cholo... Yan ang di ko maintindihan sayo. Palagi mong pinaparamdam sakin ang mga bagay na akala ko totoo. Cholo ayaw kong umasa sa wala. Kaya please bitawan mo na ako.." nararamdaman ko ang bawat paghinga nya sa may leeg ko. Halos tumingkayad na ako sa higpit ng yakap nya.

"Anne.. Ayokong sabihin gusto kung maramdaman mo.. Anne.." di ko sya maintindihan? Inayos ko ang salamin ko at pinilit kung makawala sa yakap nya at hinawakan sya sa balikat..

"Cholo... Diba 'kaibigan naman kita? Pwedi mo namang sabihin sakin kung ano yang nararamdaman mo eh.. Nandito lang ako handang makinig.." habang nagsasalita ako.. Iba syang makatingen sakin. Ibang iba sa tingen nya kaninang no reaction. Ngayon makikita mo nang nasasaktan sya.

"Anne.. Im starting to ---"

'Ring! Ring! Ring!'

"Sh*t!" narinig ko pang sabi nya nang tumunog ang cellphone nya.

"Moms calling.. Just wait for a minute okey?" tumango nalang ako bilang tugon.

Cholo POV

"Oh?" wala sa mood kung tanong

"Where are you, Son?"

"NoneOfYourBusiness! Okey? Bye-"

"Darling! You should respect who I am.. I am your mother so teach your self how to respect me! By the way.. Chastine is here.. Waiting for you, darling. You should go back here--"

"I.DONT.CARE! Sino ba kasing wala sa katinuang nag- iisip na papakasalan ko ang babaeng yan.. Diba ikaw naman may gusto magpakasal, edi pakasalan mo sya. Tsk! Bye!"

Toot! Toot! Toot!

Tsk! Sino ba kasing nagpauso ng arrange marriage nayan! Kaya gusto ko nang lumayas sa bahay namin eh.. Bibili nalang ako nang sarili kung bahay yung simple lang okey nang di malaki basta kumpleto ang pamilya..

Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita kung nakaupo si Anne sa mahabang sofa.

"Anne-" tulog na pala.. Tinaggal ko ang suot nyang salamin at nilagay sa maliit na lamesa katabi ng sofa..

Tinitigan ko syang maigi..

"I love you, Anne." matagal ko nang gustong sabihin but then palaging may humahadlang...

Habang himbing na himbing syang natutulog hinagkan ko sya't pinakatitigan ng husto..

"Di ko na kayang mawala ka pa sakin.. Kaya sisiguraduhin kung mamahalin mo din ako.. Anne." dahan dahan ko syang kinarga at pinasok sa kwarto nya.. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ng isang babae.. Ibinaba ko sya sa higaan nya at kiumutan.

Inikot ko ang paningin sa loob ng silid nya.. Nice! Katulad lang din nang kay kuya John ang pinagkaiba lang ay ang mga gamit.

Napunta ako sa study table nya nakita ko ang family picture nilang masaya.. Pero nainis ako ng makita ang mukha ni Carlo katabi nya lang ay si Anne at muakhang masaya talaga sila..

Pero di ako susuko. Hihigitan ko ang mga bagay na ginagawa ni Carlo para sakanya.. Ako naman ngayon ang magpapasaya sa kanya.
Itinaub ko ang frame.. Tsk! Papaltan ko yan ng Picture namin ni Anne!

-----

Hola!! Parang kailan lang ang daming galit kay Carlo.. Pero ngayon. Kung angkinin nyo sya.. Ide INYO na!! Hahaha.. Just kidding..

GodBlessUs...


------

Thanks for readings ^^V

                   <3---Vote---<3
              <3---Comment---<3
                 <3---Be A Fan--<3

---(*^_^*)V  "THANK YOU"  (*^_^*)V---

I'm your SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon