Chapter 33:
"SORRY!!" nagsusumigaw si Carlo habang nakatanaw sa malayo..
Anne's POV
Biglang humangin ng malakas.. Pero hindi ko iyon pinansin.
"Aunt! Ano po ba talagang nangyari sakanya?"
"Anne didiritsahin na kita."
"Ano po yon Aunt Mellisa?"
"May Leukemia si Carlo. Gusto nyang basahin ko sayo ang sinulat nya para lang sayo.."
"L-Lukemia?? H-hindi po totoo yan!! Ang lakas pa nga po nya nung nandito sya--"
"Dahil gusto nyang ipakitang malakas sya sa paningin mo.. 'Gabby, paki abot ako nung letter.." may tinawag si aunt sa kabilang linya.
"Ito po.."
"Anne.. Gusto nya tong ipabasa sakin para marinig mo ang mga gusto nyang sabihin sayo habang- habang buhay p-pa sya." hikbi ng hikbi si Aunt.
"P-po? B-buhay? Ano po bang sinasabi nyo, mabubuhay pa po sya. Malakas po si Carlo.." pinilit kung siglahan ang pagsasalita ng di nya mahalatang nanghihina na ako sa kinatatayuan ko ngayon...
Nanlalambot ang katawan ko sa mga nalaman ko... Kasabay ng malamig na hanging papalapit sakin, lumapit at nagpaikot ikot sa paanan ko si Silvester..
"S-silvester... S-si C-carlo..." kasabay ng pagpatak ng mga luha ko sa mata ay para bang niyayakap ako ng malamig na hangin na kanina ko pang nararamdaman..
"Anne... M-may taning na ang buhay ng a-anak ko.."
"Hindi po yan totoo..." hindi ko na kaya.. Hindi na ako makahinga.. Gusto ko syang makita.. Gusto ko syang alagaan.. Gusto ko syang makasama.. P-pero paano? Paano ngayon malayo sya!
Ba't di nalang nya sinabi?? BAKIT?!
"Aunt! Kailan pa po ninyo nalaman na may sakit sya.."
"Matagal na Anne.. napagamot na namin sya kaya ang akala namin wala na.. Pero- pero nang mga panahon na nalaman nyang di na kami nagkakasundo ng papa nya.. Dun na nag umpisang nanghina ang katawan nya at dun namin nalaman.. Stage 4 na ang lukemia nya. Naiisipan naming mag migrate para ipagamot ang sakit nya.." huminga ng malalim si Aunt. "Pero di nya nagawang sabihin sayo ang totoo sa pag aakalang magagamot sya dito at mababalikan ka nya, Anne."
"L-lukemia? May t-taning? Aunt.. Napakaimposeble naman po.. Hindi ko po sya nakitaan ng kahit anong--" bigla kung naalala.. Isang beses na pumasok ako sa c.r di ko naman sinasadya. Nakita ko syang umuubo.. Nakita ng dalawang mata ko ang pulang likidong inilabas nya, pero binaliwala ko yon ng sabihin nyang 'wala lang yon.. Yun pala- yun pala may masakit na sakanya.. Nakakainis lang! Nakakainis lang na sinikrito nya sakin ang lahat ng to.. Nung una yong pagiging lalaki nya.. Tapos ngayon- ngayon. May sakit pala sya!! Nakakainis lang at di ko sya maaalagaan..
"Nakakainis ka! Nakakainis ka Carlo!!!!" hinimas ko ang ulo ni Silvester at sinigawan ko sya.. Napaupo ako sa damuhan.. Lumapit sakin si Silvester at pilit dinidikit ang katawan nya sakin.. Kasabay nun ang malamig na hanging yumakap sakin..
"Carlo.." sambit ko ng maramdaman kung parang may bumubulong sa may tainga ko..
"Sorry...." nanayo ang balahibo ko.. H-hindi! Hindi ka pweding mawala.. Diba sabi mo magkikita pa tayo? Diba babalikan mo pa ako? Pero.. Pero bakit ganito...
"A-anne? Still there??" natauhan ako ng biglang magsalita ulit si Aunt Mellisa.
"Anne may sulat para sayong ginawa si Carlo two weeks ago.. Nakita ko lang ito na nakapatong sa study table nya. Kung saan nakita namin syang walang malay..." I-ibig sabihin... Nung time na tumawag sya sakin nung nakaraan dalawang linggo--
BINABASA MO ANG
I'm your Slave
Teen FictionPano kung ang isang nerd na babae ay magkaroon ng slave? Hindi lang basta basta na slave... Dahil ang Slave na ito ang tanging nasusunod. ^_^ -++-++-++- ^_^ Be a Fan! Vote Comment naman pag nagustuhan.. haha ^^V THANKS in ADVANCE