Chapter 19

5 0 0
                                    

Chapter 19

Anne POV

2 days na ang nakalipas nang umalis si Carlo.. Nung umuwi kami nagtatakbo ako sa kwarto ko at kinuha ang picture namin ni Carlo.. Huhuhu T__T wala na akong kaibigan.. I mean ganito talaga ako pagmay umaalis dito sa bahay lalo na't mga mahal ko sa buhay.. Pero kasi ang sakit at ang sikip na nang dibdib ko.. Mamimiss ko talaga sya..
"Carlo... Alam mo? Ang t*ng* mo lang. Kung kailan aalis ka na dun mo lang sinabi ang totoo.. Ang sakit eh, ang laki ng parte mo dito sa dibdib ko tapos ganon ganon mo nalang kukunin.. Tsk! Ganyan naman talaga kayong mga 'lalaki! Paasa!" kinakausap ko ang litrato nya ngayon.. Pakiramdam ko nga nababaliw na ako.

"Anak! Pumarito ka na at mukhang uulan na!" tawag ni nanay sakin mula dito sa mini tree house ko. Nandito kasi ako ngayon sa duyan.

"Opo, nay. Pauwi na po ako.." hay! Sana nandito parin sya..

Naglakad ako papasok sa may bakod. Nakita ko yong sprinkler na ginamit nyang props na kunwari ay ulan. Hay! Namimis na agad kita 2 days ka palang namang umalis.

"Oh nak? Saan ka pupunta? Kumain ka muna dito.."

"Tay busog pa po ako. Mauna nalang po kayo ni nanay. Sige po datutulog lang po ako.."

"Sige anak. Kumain ka nalang dito pag nagugutom ka na ha.."

"Opo nay."

Umupo ako sa sa kama ko.. Naalala ko nanaman nong sapilitan nya akong gustong palabasin dito sa kwarto ko tapos sinakop nya lahat ang higaan ko para di ako makahiga ulit. Tsk! Carlo naman eh..

Tumayo ako at pumunta sa study table ko.. Umupo ako sa upuan ko dun.. Naalala ko din dati, ewan ko kung anong oras na yon. Pero sigurado akong hating gabi na. Nakita ko sya dito binalewala ko yon kasi busy sya.. Parang may sinusulat na kung ano.. Tsk! Carlo naman kasi eh!!

Tatayo na sana ako kaso sumabit sa pako yong suot kung jersey short sa upuan ko kaya napayuko ako para tanggalin sana yon pero may nakita akong Royal blue na envelop. Baka kay Carlo to.. May nakalagay kasing

To: Anne
From: Carl

Binuksan ko at may nakita pa akong mantsa na parang nabasa yong letra.

Tatlong patak ng luha.. :'(

'First of all Hi! Alam ko kasing wala na ako dyan pag nabasa mo to. Hahaha, ang corny kasi kapag ako mismo ang nagbigay ng personal nakaka- awkward!

Anne diba ngayon alam mo nang di talaga ako gay.. At alam mo nadin na MAHAL NA MAHAL KITA not as a friend but a LOVE OF MY LIFE. Alam kung nakocornihan ka pero yon talaga ang totoo.. Naaalala mo ba nung 10 palang tayo? The day na nagtapat ka na gusto mo ko.. Ang totoo nyan 'Crush na talaga kita nuon but then akala ko that time your just playing with me.. Sino ba namang hindi iisipin yon eh, bago ka nagtapat sakin pinagbihis mo ko ng damit ni Snow White then menake-upan mo pa ako nang pang clown.. Tsk! I regret that I told you na di kita gusto cause the truth is I LOVE YOU ANNE! Alam kong huli na pero, okey nadin to. We're still more than friend pa rin naman. Cause I'm your BESTFRIEND.. And don't forget to call me if may kailangan ka or magsabi ng problema ha! I'm always there by your side kahit na sobrang layo ko talaga.. Gusto ko lang ding malaman mo na 'pinag aralan ko talagang mag make-up cause I know na di ka marunong.. Hahaha! Barako ka ata eh! Just kidding.. Pero seriously, don't cry for the person who's not worth for your tear! Maybe if nandyan pako, pagnakita ko sya.. Susuntukin ko sya.. Para malaman nyang napaka 'precious mo para paiyakin nalang ng ganoon.. Sorry kung nakinig ako sa usapan nyo nong babae kanina.. Di ko lang talaga mapigilan yong sarili ko, lalo na nang makita kong 'napaiyak ka nya.. Tsk! Please always remember na hindi dapat iyakan ang taong walang kwenta.. Mag-iingat ka palagi ha. Pati please, wag ka namang 'lampa! Wala na ako dyan para saluhin ka! Okey.. I love you, Anne.. <3<3<3

Time check: 2:30 in the morning.. And pasinsya kana kung nangialam ako sa gamit mo..

Ps. Pasinsya kana kung naubos ko ang halfbond ng papel mo. Hahaha, di ko kasi alam kung paano magpapaalam sayo. Basta tandaan do nandito lang si Carlo kung kailangan mo. Love you.. <3

Napangiti ako sa nabasa ko.. Ang OA naman nito.. Kala mo naman, di na kami magkikita?

Ows? Eh ano namang ginawa ko? Wala.. Kundi ang umiyak! Tsk! Pero napapangiti ako na nageffort syang gumising ng madaling araw para lang isulat ang novel nya. Hahaha! Ang corny..

' I pray for all your love
Girl, our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me---'

Tinignan ko kung sino ang tumawag 'Unknown number.. Tsk! Akala ko naman kung sino! E-end ko na sana kaso namatay na sya ng kusa.. Then nakarecieve ako ng message.

From: 'unknown number

Hey! It's me.. Just answer my call. ^^V Carlo's calling you right away.. Hehe..

A-ano to sa sobrang pakamiss ko nagiimagine nadin ako? Tsk!

"H-hello--"

"Anne! My bebeLoves! Thanks god I hear your voice! I'm so glad you answer my call? How many times did I try to call you, but your phone is disgusting! What's up?"

"T-tapos kana?"

"Yes Im done.. Heheh! Sorry nahawa lang ako sa kadaldalan nung katapat naming unit dito.. Alam mo ba kapangalan mo sya and alam mo ba parihas kayo ng favorite color, ng ulam, pati pilipino din sya pero slang--"

"Okey, bye!" tsk! Grabe sya!! Nakahanap agad sya nang pamalit sakin? Tapos yong katulad ko pa? Tsk! I hate him..

Tinitigan ko ang cellphone ko bigla kasing nagvibrate.. Namatay pala.. Tsk! Hayae na yang! Unggoy nayan.. Pagkatapos akong pakiligin, paaasahin nanaman ako.. Tsk! Bahala sya sa buhay nya.. Tumingin ako sa bintana.. Mukhang maaraw naman..

Magpapahangin lang muna ako sandali sa may batis. Malayo layo din pagnilakad pero carry ko yan.. Lalo pa ngayong 'stress ang mind ko.. Tsk!

Naglalakad na ako papasok dito sa gubat.. Nasa gitanang parti kasi yon matatagpuan.. Gusto kung lumublob at wag nang lumutang pa. Tsk! Nu bayan.. Habang naglalakad ako pinuputol ko ang sangang kaya kung abutin, di naman kasi dito nakakatakot.. At kahit kailan wala pa akong nakikitang multo, nangangaso at mga dilikadong hayop dito. Sa katunayan nga parang pumasok ako sa loob ng gubat na puno ng hayop na magaganda at mababait.

Napalingon ako sa likod ko nang feeling ko may sumusunod sakin.. Pero di ko pinahalatang napansin ko sya.. Nakita ko syang mabilis na tumago sa likod ng punong kahoy.. Nakahood sya at nakalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng itim nyang jacket..

Kinabahan ako. Kaya nagtatakbo nalang ako paikot sa gubat para maligaw ko kung sino man yong sumusunod sakin.

Hingal na hingal akong humint sa ilalim nang malaking puno.. Malapit na ako dun sa batis. Hinihingal parin ako. Kaya nilakad ko nalang mukha naman kasing nailigaw ko na kung sino man yon.. Aish! Kinabahan ako dun ah..

Ito nandito na din ako sa wakas.. Tinignan ko muna ang buong paligid bago ko hinubad yong t-shirt ko. Naka sando naman ako eh kaya sinabit ko nalang iyon sa isang sanga.

Tatalon na sana ako sa tubig nang biglang may humawak sa balikat ko.

Kinakabahan ako.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Pinagpapawisan ako ng malamig na pawis.

Nanay! Tatay! Tulong po.. Mukhang kataposan ko na.. Dahan dahan kung tinignan ang kamay na nakapatong sa balikat ko. At-

At ito yong taong nakajacket ng itim kanina!

"Wahhhhh!! Tulongggg!" pero bigla nya akong hinila at tinakpan ang bibig ko. Napapikit ako ng madiin para di ko makita ang mukha nya baka kasi mumo sya!

'Wahhh! Tulungan nyo ko! Baka isa to sa mga taong galit sakin or may nag utos na ipapatay ako.. Wahh! Carlo! Help me!!'

Tapos bigla nalang nagdilim ang lahat...


------

Thanks for readings ^^V

                   <3---Vote---<3
              <3---Comment---<3
                 <3---Be A Fan--<3

---(*^_^*)V  "THANK YOU"  (*^_^*)V---

I'm your SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon