Chapter 41
Anne POV
Ngayon ang TWO MONTHS na sinasabi ni Cholo at ngayon ko na din sya sasagutin. Tutal seryoso naman sya diba? Pati di ko na din naman kaya kung sakaling lalayuan nya nga ako pagkatapos ng two months na usapan. Sa mga panahong akala ko di na ako magiging ganito kasaya nang biglang dumating si Cholo para pasayahin ako kahit na minsan napaka moody nya. Okey lang...
Nakaready na ang outfit ko. Ang sabi kasi nya sakin magkita daw kami sa may school ground. Malay ko ba kung uulitin nya yong surprice nya sakin dati. Talagang ngayon di na ako magiging party crusher. Di na mauulit yong tatakbuhan ko na lang sya bigla dahil ngayon alam ko na ang gagawin ko. At alam na alam na ng puso ko na Mahal ko si Cholo.
Nakasimple royal blue dress lang ako. Sandals. Nakalugay ang buhok ko. Pero ngayon di ko feel ang magcontac baka di ko makita ng maayos ang mga kaganapan kung sakaling maiyak ako sa tuwa..
Tuwang tuwa ako nung malaman kung buhay pa si Carlo. Tinawagan kasi ako ni Aunt Mellisa pero nung tatanungin ko na sana sya kung nasaan o kung kamusta na si Carlo bigla nalang naputol yung tawag.
"Baby tara na. Tama na yang kakatitig sa salamin at maganda ka naman talaga."
"Eh! Nambola pa si Kuya! Sori wala akong barya dito."
"Haha. Nagsasabi lang nang totoo baby. Tara na nga at baka malate nadin ako."
"Sus! Makikipagdate ka lang din naman.. Haha.. Go kuya! Boto ako kay Ate Justine! Bagay kayo." lumabas na ako nang bahay at sasakay na sa motor bike nya.
"Ikaw talaga.." nakangiti lang si kuya ng umalis na kami sa bahay. "Baby pag pinaiyak ka ni Cholo ha.. Sabihin mo lang kay kuya reresbakan agad natin."
"Luh! Di pa nga kami kuya eh. At saka kung sakaling papaiyakin nya ako. Ako ang unang taong susuntok sa kanya." subukan lang nya.
"Hahaha.. Kawang Cholo magkakaroon pa ata nang mas barako pa sakanyang gf."
"Di kaya.." yumukod nalang ako sa likod ni kuya at pumikit habang nakayak sa kanya. Ang sarap nang hanging sumasalubong sa buhok ko. Kahit na di ako maganda parang feel ko ngayong magmaganda. Haha. Ang labo!
"Baby nandito na tayo. Bumaba kana." aist! Ang bilis naman.
"Bye kuya." kumiss na ako sa kanya pagkababa ko.
"Okey baby. Ingat ka ha. Wag magpapagabi ng mag isa."
"Opo kuya." tumalikod na ako at papasok na sana.
"Baby!" humarap ako kay kuya. "I love you!" sigaw nya. Haha. Ang sweet corn talaga ng kuya ko. Tumingin muna ako sa paligid tapos sumigaw din nang-
"Love you too, Kuya! Hehe.. Babye!" nagwave pa ako nang kamay nung umalis na sya.
Tumingin tingin muna ako sa paligid. May nakita akong isang pula na Van tapos sa likod nun may motor. Parang pamilyar sakin ang motor bike na yon ah? Parang kay Carlo? Ay, ewan. Imposibleng kanya yan. Baka nga nagpapagaling parin yon ngayon nuh!
Papasok na sana ako sa malaking gate nang biglang may nagparada ulit nang itim na Van. Di ko nalang pinansin. Ang mas importante ngayon ay makaratin na ako sa school ground baka naiinip na sa kaaantay si Cholo dun.
Carlo POV
Nandito ako ngayon sa Imperial state University. Kung saan napasok si Anne. Gusto ko sanang magtransfer dito. Pero bago yan. Kanina pagkarating ko dito. May nakita akong dalawang babae. At narinig ko ang usapan nila malapit dito sa opisina. Kaya bago pumasok, sinundan ko sila at nagtago sa likod malaking puno.
BINABASA MO ANG
I'm your Slave
Novela JuvenilPano kung ang isang nerd na babae ay magkaroon ng slave? Hindi lang basta basta na slave... Dahil ang Slave na ito ang tanging nasusunod. ^_^ -++-++-++- ^_^ Be a Fan! Vote Comment naman pag nagustuhan.. haha ^^V THANKS in ADVANCE