Anne's POV
"N-n-Nathalie!" mautal utal kong sabi. Palapit sya ng palapit samin habang pumapalak pak.
"Wow.. Anong meron at nagdadramahan kayong dalwa dyan? Wait.. bakit kayo magkasama. Don't tell me kayo na?" tumingin sya kay Cholo na kanina pang nakakunot ang nuo simula ng dumating sya. "Don't ruin our plan. Okey!" lumapit sya sakin at tinitigan ako sa mata. Yumoko ako para maiwasan ko ang mga mata nyang satingen ko ano mang oras ngayon ay tutunawin ako. Lumapit pa sya ng kaunti at hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha ko at at at... Pumikit na ako. Ready to catch her SLAP!
But into my surprice! Dinaanan nya lang pala ako. Tss akala ko mapapano nako. May pahawak hawak pa kasi e!
"Fffft! Hahahaha.. Anong mukha yan?" t-talagang t-tinatawanan pa ako nito! "Akala ko ba matapang ka?! Kung makapag taray ka sakin parang katapusan ko na, tapos si Nathalie na dadaan lang nanginginig na tuhod mo. Fffft! Hahahaha nakakatawa ka talaga!" pigilan nyo ko at masasakal ko to ngayon. Pigilan nyo ko!! Kaso... Akmang sasakalin ko na sya saka lumabas si Mrs. Simpson the librarian.. Tss
"Mr. Villaroel and ow.. Ms. Samtin anong ginagawa nyo dito!?" tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko.
"ah.. eh.. Aalis na po ako. Ewan ko nalang dyan sa isang yan?" tapos lumabas na ko. Yehey! Now Im Free.. Tumakbo ako papunta sa Field..
Okey, wow! Ang bilis ko talagang tumakbo.. Ngayon tanaw ko na ang nagbabang open field na bilad na bilad sa ilalim na tirik na tirik na araw. Wahhhhh.. Ang init babalik nalang nga ako sa librar-- oops kailan pa nagkaroon ng wall sa likod ko. E kanina lang--- "Humay gulay! Ba't nandito ka nanaman?! Kailan mo ba ako titigilan ha?"
Di ko alam kasunod ko lang pala itong taong to. Tss ano po bang naging kasalanan ko't lagi akong sinusundan ng 'ohSoPogingSlave daw? Di naman siguro nya ko papatayin no? Ahhh! Naiinis nako..
"Tara hatid na kita."
"Saan? Teka may klase pa at wala akong balak mag pahatid sayo, malaman mo pa bahay ko e. At tyaka pwedi mo naman akong iwan e. Oh, sige alis na." tinutulak ko pa sya nyan.. "Sige na alis na! Alis!"
"Ano tingen mo sakin langaw? Na pwedi mong bugawin.. Excuse me, dapat kung nasan ang tae nandon ang langaw kaya di mo ko mapapaalis sa tabi mo." ano daw? Ako tae? Tae daw ako o! Hahaha.. tae daw! T-tae d-daw ako?!!! Ako?!!!
"Ako tae?! Pwes kung tae ako pwedi ka nang umalis maghahanap ako ng ibang langaw na bubugawin tyak ako madami naman dyang iba.. Che!" kapal ng mukha.. Di naman porket gwapo sya pwedi na nya kong lait laitin. At wala syang karapatang na asarin ako SLAVE lang sya. "tandaan mo SLAVE LANG KITA KAYA WALA KANG KARAPATANG ASARIN AKO!"
inhale...
exhale...
Oops! Nabanggit ko ba na nasa open field kami kung saan maraming estudyante ang nakatambay sa kadahilanang walang klase.
Nanliit ako bigla.. Ang daming matang nakatingin sakin sa amin.. Nagbubulungan sila.. Yong iba gusto na akong sakalin... Huhuhu! Ang tanga ko naman kasi bakit sa dinami rami ng lugar dito pa ako sumigaw at gumawa ng eskandalo.. Huhuhu!
"Tara na." habang nakayuko ako hinihila na nya ako paalis dun. Hayyy... Ito nga yong ayaw ko e. Pinagbubulungan.
"Bakit nya sinisigawan si Prince Cholo?"
"Feeling close sya ha. Ang landi!"
"Girls ano yong sinabi nya kanina? Slave? Sino sa tingen nyo yong sinabhan nya!"
"Ang kapal ng mukha! Kasing kapal ng salamin nya. Hahaha. Di naman maganda."
Nasan na yong dating tawag nila saking "Oh nandito na yong 'Prinsisa ng mga palaka.. Kokak!"
Ngayon naman "Malandi pala sya. Naniniwala na talaga ako sa sinabi ni Nathalie.. Nagpapanggap lang syang tahimik pero nasa loob ang kati. Tss!" Nathalie nanaman! Kailan nya ba ako titigilan?! Elementary pa lang kami ganyan na sya e, wala naman akong ginagawa sa kanya. Umaaboso na talaga sya, di porke di ako nalaban sa kanya gaganyanin nya na lang ako! Pwess magiiba na ngayon.. Abangan nya lang!
------
Thanks for readings ^^V
<3---Vote---<3
<3---Comment---<3
<3---Be A Fan--<3---(*^_^*)V "THANK YOU" (*^_^*)V---
BINABASA MO ANG
I'm your Slave
Novela JuvenilPano kung ang isang nerd na babae ay magkaroon ng slave? Hindi lang basta basta na slave... Dahil ang Slave na ito ang tanging nasusunod. ^_^ -++-++-++- ^_^ Be a Fan! Vote Comment naman pag nagustuhan.. haha ^^V THANKS in ADVANCE