Chapter 34

4 0 0
                                    

Chapter 34

Cholo POV

"Anne??" ano naman kayang ginagawa ng babaeng to dito sa kalsada ng madaling araw.. Nakasandot naka short lang sya.. Di naman pweding nagjojogging.. Sa bagal ng lakad nya. Para syang zombie at nakalugaygay ang buhok nya na parang di nasuklayan ng ilang linggo..

"Anne--- wuhhh!! Anong nangyari sayo?" hinawakan ko sya sa balikat kaya sya humarap sakin. Magang maga ang mga mata nya na para bang di natulog at buong magdamag nag iiyak.

"Whats wrong?" nag alala ako nang bigla syang humikbi at umiyak.

"C-cholo... S-si Silvester iniwan ako.. Bigla syang tumakbo palayo.. Huhuhu... I-iniwan nya ako! P-palagi nalang akong iniiwan!! N-naiiwan! Waaaah! S-si Silvester--" tsk! Parang PUSA lang iniiyakan na kaagad.. The worst is magang maga ang mga mata nya.

"Tsk! Dont worry.. Ako nang maghahanap sa kanya.." tumango lang sya at tinatawag ang pusa nya.

"Silvester!! Please. Bumalik ka na sakin... Di kita sasaktan at AALAGAAN KITA nang di ka na mawala ulit sakin.. Please! Silvester!!" tsk! Ano ba talagang nangyayari sa babaeng to. Habang sya parang zombie nagsusumigaw sa pangalang ng pusa nya, ito ako naghahanap na din sa kabilang banda.. Haist! Malelate pa nga ata kami nito, ah!

"Meow! Meow! Ming! Ming! Silvester ni Anne!! Lumabas ka na dyan..." maya maya biglang gumalaw yong palayan.. Ahh! Baka ito na yong pusa.

"Silvester! Come to me... Ming! Ming! Silvester.." hinawi ko yong palay para makita ko ang pusa nya nang biglang..

"Aaarf!! Aaarf!! Arf! Arf!" may sumulpot na itim na mabalbong tuta!!

"Sho! Sho! Hindi ikaw ang hinahanap ko! Sho!" pagtataboy ko sa tutang may 'galit ata sakin. Nang magtama ang mga mata namin grabi syang makataas ng kilay sa galit.. Wuhhh! Sayang at mukhang maganda pa naman ang lahi.. Tsk!

"Aaaaaarf! Aaaarf! Aaarf!" aba't mukhang may galit talaga sya sakin oh...

"Sho! Hindi ikaw ang hinahanap ko.. Bat ikaw ang lumapit???" ano ba naman yan pati tuta inaaway ko na din... Nagtaka naman ako nang bigla nalang humangin ng malakas at bigla ring lumamig ang paligid ko.. Napatingin ako sa tuta nang biglang syang di mapakali tapos ang buntot nya ay iwinawagayway nya.. Napaatras ako nang akala ko sakin sya lalapit..

"Oh! Sorry..." pag kaatras ko ay may nakabunggo akong tao.. Kaya napaharap ako sa taong yon.

"Carlo!! A-akala ko umalis ka na?? Kailan ka nakabalik ha? Saan ang lakad natin ngayon at nakaporma tayo? Talagang naisipan mo pang mag all 'white ha.. Haha.. Ang badoy mo dude!" napatingin ako sa aso na nagpaikot ikot sa paanan nya.

"Sayo siguro yang tutang yan ano?? Kaya pala hindi ko makasundo eh.. Hahaha.." yumuko sya at binuhat ang tuta.. Tumingin sya sakin at ngumiti..

"Ingatan mo sila ha... Ikaw nang bahala sa kanya.. Sa oras na masaktan mo sya.. Babalikan kita! Aagawin ko sya sayo tandaan mo yan.." ano bang problema ng isang to? Kanina nakangiti tapos ngayon naman biglang sumiryoso.. At nakakatakot yong ihip ng hangin.. Pano ba naman, umiihip ng malakas pag nagsasalita sya.

"Wag mo syang pababayaan... Mahalin mo sya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Wag mong iparamdam sakanya ang mga bagay na alam mong masasaktan sya.." yumuko ulit sya at ibinaba ang tuta.. Hinimas nya ang ulo nito at kinausap. "Puntahan mo na sya.. Bantayan mo sya ng mabuti ha.. Silvester..." pagkabitaw nya sa ulo nito ay agad itong tumakbo pabalik sa palayan kung saan ko sya nakita kanina.. Sinundan ko sya nang tingin.. S-silvester?

"Bakit parang ang wierd ng hangin dito? Kasing wierd mo pati nung name ng aso---" paglingon ko sa kaninang kinatatayuan ni Carlo ay--

Wala na sya ruon.. Isang puting paru- paro na lang ang nakita kung lumilipad lipad kasabay ng malamig na hanging humahaplos sa balat ko-- sandali?

Bakit ako nilalamig at bakit ramdam na ramdam ko ang hangin kung naka leather jacket ako?? Ang weird?

"Carlo? Silvester? Tsk! Mag amo talaga kayo.. Mahilig magtago.. Tsk!" makabalik na nga lang kay Anne. Baka umuwin na si Silvester-- wait? Diba tinawag ni Carlo na Silvester ang tuta nya? Di kaya- iisa lang yong aso?? Baka hindi!! Pusa kaya si Silvester! Ang wierd talaga ng Carlong yon.. Ipangalan ba naman sa aso nya ang pangalan ng pusa?? Tsk! Tsk! Hay! Makabalik na nga lang!!

"Anne... Di ko makita yong Pusa mo. Ang hirap namang hagilapin yon.." dito ako pumunta sa may tabi ng duyan nya nang matanaw ko sya dito mula dun sa malayo..

"Di ka ba nilalamig? Nakasando ka lang oh.." hinubad ko kaagad ang jacket na suot suot ko at binalot ko kaagad sa katawan nya. Mukhang nagulat pa sya.. Kaya napaangat ang tingin nya sakin.

"Bakit kaba umiiyak? Dahil ba dun sa pusa mo? Wag kang mag alala uuwi din yon.." pagpapatahan ko sakanya. Maya maya lumapit yong tuta ni Carlo kay Anne.

"P-pusa? Wala akong pusa.. Dito ka nga Silvester.. Uwi na tayo, ha. Aalagaan kita." namamaga at halos mapiyok na halatang buong magdamag syang umiiyak.

"A-akala ko ang Silvester na tinutukoy mo ay isang pusa.. P-pero bakit yang tuta ni carlo ang tinawag mong-- wag mong sabihin na iisa lang ang Silvester--"

"C-carlo?? A-alam mong si C-carlo ang nagbigay sakin kay Silvester? P-paano mo nalaman?" nang mabanggit ko ang pangalan ni carlo ng iba ang aura nya..

"O-oo. Nagkita kami dun kanina sa daan nung hinahanap ko yong pusa-- I mean tuta mo.. Akala ko sakanya kaya di ko nalang--" bigla nanaman syang humikbi at agad agad pumatak ang mga luha sa mata nya.

"N-nagkita? N-nakita m-mo siya? S-saan? D-dapat t-tinawag mo ko.." sa pag iyak nya di ko malaman ang gagawin ko kaya nilapitan ko sya at niyakap.. Tumabi ako sakanya at iniharap sakin..

"Tahan na... Ano bang problema at nagkakaganyan ka ha? Wag na kaya muna tayong pumasok ngayon total late nadin naman tayo.." between of her subs ay hinihimas ko ang likod nya dahil nahihirapan na syang huminga..

"S-si-- s-si C-ca-carlo..."

"Bakit?! Anong ginawa nya sayo ha?! Binastos ka ba nya---" huminga sya ng malalim at namutla ako ng marinig ko ang mga salitang sinabi nya...

"Si C-carlo.. W-wala na sya.. K-kahapon l-lang.. C-cholo... G-gusto ko syang makita.. C-cholo gusto kung puntahan ang bestfriend ko.. Cholo bakit nya ako iniiwan.. Cholo bakit di nya sinabi sakin may Leukemia sya edi sana naalagaan ko sya kahit na isang beses.. Bakit di nya sinabi ha?! Bakit? Bakit! Sabihin mo!!" Imposible! Na-nakita ko panga sya kaninang nakaporma.. Tsk! Ano bang pinagsasabi nito..

"Imposible naman ata yang sinasabi mo Anne... Kinausap panga nya ako kanina.. At ang wierd nya pang magsalita.. Kaya napaka imposible naman ng sinasabi mo.."

"T-to-totoo C-cholo... T-totoo.. I-iniwan nya na ako..."

"Ssssh! Your dreaming.. Just wake up!!"

"Hindi! Hindi ako nagbibiro... Wala na sya.." tsk! Ang kulit! Sabing hindi eh!

"Okey then. Just lean on me and cry all your tears okey..." all this crazy things not real!! Tsk!

------

hahabol ako! Hahabol ako! Wala pa namang twelve midnight kaya pasok pa ako sa pinangako ko sa sarili kung 'one chapter update per day.

Waaaah... Andaming umiyak! Siguro ganon talaga lalo na kapag napamahal na sayo ang isang bagay pag nawala na sya di mo na kakayanin... Hahaha... Good news... May forever noh!! Maniwala kayo kay Cholo.. Positive thinking ang kailangan... End.

{[(fucking joke!)]}

GodBlessUs.. <3<3<3

I'm your SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon