Chapter 36

2 1 0
                                    


Chapter 36

Cholo PoV

"Anne... Calm down." kanina ko syang pinapatahan pero parang di nauubusan ng luha ang babaeng to.. "Oh... Inum ka pa nang tubig baka madehydrate ka pa nyan eh.." mahal kita kaya dapat di ka mapaano.

"C-cholo... S-si Carlo kasi... G-gusto ko syang makita..." sa mga paghikbi nya nasasaktan din ako.

"Tumahan ka na kasi baka mapaano ka pa dyan kakaiyak mo. Dont worry gagawa ako ng paraan. Okey? Please tumahan ka na..." hinahagod ko ang likuran nya para tumahan na sya.

"O-okey." nakaupo kami dito sa kama nya.. Wala pala dito sina tatay at nanay. Pumunta ng probensya nagprisintang magpaiwan ang isang to tapos ganito ang maabutan ko? Nagpagala gala syang parang baliw. Tsk! Kung hindi lang talaga sya ang mahal ko eh. Nalintikan na.

"Here..." inoffer ko ang lap ko nung hihiga na sya... Nung una tinitigan nya lang ako pero humiga din sya kalaunan. Nakapikit lang sya kaya tinanggal ko ang salamin na suot nya at nilagay yon sa side table.

Habang nakapikit sya sinusuklay ko ng daliri ang buhok nyang nakalugay nga gulo gulo naman.. Tsk! Halata pa sa kanya na hindi pa sya natutulog dahil sa mga mata nyang nangitim at sa eyebag nyang malaki na kakaiyak...

Bakit ba nito iniiyakan si Carlo? Eh, ang sabi nga nung mukong babawiin ka nya sakin. Akala naman nya naging sakanya ka.. Haist! Nakakainis lang isipin na may kaagaw ka sa taong gusto ay mali mahal mo. Ang sakit lang sa puso.. Kahit sa pagtulog na hikbi sya.. Nakakaawa naman ang itsura nito..

Nang makuntinto ako kakasuklay sa buhok nya dahan dahan kong inilipat ang ulo nya sa unan.

Magluto kaya ako ngayon? Pero di ako marunong magluto eh. Paano ba magsaing? Ay wait... Mag go-google nalang ako. Haha... Ilang pindot pindot at ayon!! Binasa ko iyon at ayon tapos na. Ang dali lang pala magsaing.

Ulam naman... Binuksan ko ang ref nila. Puro gulay lang at frozen ang pagkain. Ay! Ito nalang. Mukhang madali lang naman magprito nang hotdog at itlog ito nalang.

"Anong ginagawa mo?" nagulat ako nang bigla syang magsalita sa likod ko kaya nabitawan ko ang shell ng itlog kaya nasama sya sa niluluto ko. Balak ko sana gawin scramble. Kaso pano?

"Bakit ka tumayo? Matulog ka na muna dun." pinatay ko munang sandali at hinarap sya. Pero pagharap ko nasa likod ko lang pala sya.

"Hindi ako makatulog. Mamaya nalang. Ano ba yang niluluto mo?" sabay sinilip nya ang ginagawa ko. "Bakit sinama mo yong shell? Di naman masarap yan... Akin na." lalapitan nya sana ang niluluto ko pagkatapos nyang silipin pero dahil nasa harapan nya ako binuhat ko sya na parang bata..

"Oops... Dun ka lang sa kwarto mo at matulog ka dun." bulong ko sa tinga nya nang makarga ko nga sya.. Nakaharap sya sakin at binuhat. Ang gaan naman ng babaeng to. Kumakain ba talaga to?

"Waaaah!! Ibaba mo nga ako! Di ako bata pati... ang laswa ng posisyon natin. Ibaba mo nga ako." nagwawala sya kaya binilisan ko ang paglakad at pumasok sa kwarto nya. Kamuntik na syang malaglag kaya tuloy parang naihagis ko sya sa higaan nya.

"Aray!!"

"Ikaw kasi ang likot mo. Kamuntik na tayong madapa. Di ko pa naman makita ang daan."

"Sino ba kasi nagsabing buhatin mo ako papasok sa kwarto at ihagis ako dito pahiga?! Ang sakit tuloy ng likod ko.." yan. Sya na ulit yong Anne na mataray. Di na sya nagngangawa sa kakaiyak. Nagngangawa nanaman sya ngayon sa galit. Tsk! Ang labo talaga ng babaeng to.

"Tsk!" lumabas nalang ulit ako at sinara ang pinto ng kwarto nya.

"Oy! Bakit mo sinara? Galit ka ba? Ang daya... Dapat ako ang galit--" binuksan ko ulit ang pinto at pumasok pero di ko naman sinasadya at di ko alam na nasa likod sya nun.. Kaya napaatras sya sa higaan nya at natumba ulit habang ako nakahawak ang buong pwersa sa pinto nang bigla yong magbukas papasok.

Pagkamulat ng mga mata ko nakasubsub ako sa mga hita nya.

>/////< parihas kaming namula nang magtama ang mga mata namin nung umupo sya.. Still ganon padin ang posisyon ko.

"Waaaah! Alis! Alis!" bigla ba naman syang tumayo sa harap ko.. Eh nakapalda sya kaya saktong pumasok ang ulo ko dun.. "Waaaah! Bastos! Bastos!" tumayo kaagad ako at tumakbo pabalik sa kusina.

"Hindi ko naman sinasadya..." naiiling nalang ako.. "Haist! Ano bang nangyayari sakin... Bakit ba ang daming umiikot sa loob ng tyan???" bulong ko pa din sa sarili ko.

Anne POV

Waaaah! Nakakahiya.. >///<

Bakit ba ako tumayo nilipad tuloy ang palda ko sa mukha nya tapos biglang pumasok sa loob nun ang ulo nya.

Waaaah! May nakita kaya sya? Grrrh! Nakakaiyak tuloy!

Okey inhale.. exhale..

Lumabas ako para tulungan nalang syang magluto. Lakasan mo ang loob mo Anne. Wag kang ganyan. Gusto mo bang kumain nang itlog na may halong shell? Tsk!

"Okey! Kaya mo yan Anne. Kunyari walang nangyari..." wuhh!!

One step..

Two step..

Three step..

Four step..

Five step..

Ito na. Tatabihan mo lang sya. Tapos ikaw nang bahalang magluto.. Yon! Yon nayon!

"Ahem! Ah.. Eh.. A-anong niluluto mo? A-ako nalang ang magluluto--"

'Kring! kring! Kring!'

Tsk! Ano ba yan!?

"Hello?"

"Anne --- toot.. Toot.. Toot.."

"Hello? C-carlo?? Hello?" bat di na sya nagsasalita..

"Aist!! Dead Bat!!! Waaaaah! S-si C-Carlo! Waaah! Tinawagan ako nung multo nya.. Waaah!"

"Hoy! Tumahimik ka nga dyan!! Anong multo?! Walang multo!! Tumigil ka nga!" bigla akong nahilo... Kaya napahawak ako sa noo ko.

"Anne? Ayos ka lang?"

"Nanlalabo paningin ko.. Nahihilo ako---"

"Anne!!!! Wake Up! --" nagdilim ang lahat sa paligid ko.

-----
GodBlessUs!

I'm your SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon