Chapter 38
Third person's POV
Sa Opisina ng Luna's group of Company.
"Mr. John Carlos Luna! Your here again huh? What's with you coz!!" tawag ng isang magandang babae kay John Carlo na kadadating lang sa companya ng daddy nyang si Miguel Luna.
"Cathy? Is that you?" nilapitan nya ang tinawag nyang Cathy.
"The one in only, Coz! Ang tagal na nating hindi nakikita." niyakap nya ito ng mahigpit. "Wait! Totoo ba ang sinabi sakin ni Tita Mellisa last week? Pero bakit parang di halatang nag agaw buhay ka this past few weeks? Is she kidding me or what ha? Nagalala ako sayo."
"Yes I am. I'm just a lucky one. Alam na. May misyon pa ako dito sa lupa sabi sakin nung mga nakilala ko dun. Haha..."
"Ows? Eh?" namilog ang mga mata nito at di makapaniwalang totoo nga. Halos 2 weeks in coma.. Then 1 week na gamotan ng magising sya at ito kaagad ang inaasikaso.
"Ayaw pa nga akong pabalikin ni Mommy. But I protest. Kaya ko na din naman."
"Pero still... Your weak. Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo! Umuwi ka na nga lang muna at magpahinga.. Tsk! Tsk! Baka mapano ka pa nyan sa katigasan ng ulo mo!" mababakas ang pag aalala nito sa mukha.
"In one condition Cat."
"Okey fine. Basta uuwi ka kaagad pagkatapos nito. Look. Tignan mo ang mukha mo nangangayayat ka pati look oh! Your skin looks pail... Tsk! Hardheaded guy!" hinawakan nito ang mukha nya at inikota mula kanan, kaliwa, taas at baba. Sinuring maagi kung anong pagbabago sa binata.
"Ayos lang ako..." inilayo nito ang sarili sa pinsan "I want you to do something."
"Okey. Pero bago kita sundin. You should rest till 1 or 2 weeks! Deal?" iniabot nito ang kamay para makipagdeal.
"B-but -- tsk! Okey, fine!" then nakipagshake hands sya kay Cathy. "Gusto kong gawin mong part si Annika Imperial sa magiging cover ng Luna's group of Company."
"Pero akala ko ako ang gagawing-- aist! Okey fine. Deal!" at ngumiti ng nakakaluko si Carlo.
"That's my Girl..." niyakap nya ito nang mahigpit at pagkatapos ay ginulo ang buhok.
"Waaaah! I hate you!! Yong buhok ko! Waaah---" napatigil sila sa pagkukulitan nang biglang may pumasok sa pinto na isang matipunong matangkad na lalaki. Kung titignan ay aakalaing may kakambal na si Carlo.
"Son! Akala ko nagpapahinga ka ngayon?! Tsk! Wala talagang kwenta yang Mellisang yan. Bakit ka nya pinayagang ---" nag iba ang exprisyon ng mukha ni Carlo. Bigla nalamang nangunot ang noo nito.
"Don't worry Dad. Aalis na din naman ako. Wag ka nang 'mag alala!" matigas pang tugon nito.
"Dapat lang." matigas ding tugon nito sa anak. "Dahil ikaw lang ang nag iisang anak KO na magmamana ng mga pinaghirapan ko." di nito alintana na ang anak ay kagagaling lamang sa masamang kalagayan.
"Okey po." yumuko nalamang sya at lalabas na sana ng pinto nang magsalita ulit ito.
"Magpagling ka, anak." napalingon muli sya sa ama ngunit pagtingin nya dito ay may hawak na itong dyaryo habang nakaupo sa shivel chair nito. Kaya mas pinili nala mang nyang umalis na nang tuluyan.
Anne POV
Isang linggo na ang nakalipas pero pinipilit ko pa din kontakin ang number na tumawag sakin nung nakaraan.. Haist! Di ako mapakali. Di ako pweding magkamali. Boses ni Carlo ang narinig ko.
Kung pwedi lang sanang buksan ko tong phone ko at silipin kong sino yun talagang matagal ko nang nagawa yun!
"Anne! Ito oh... Say ahh! Sige na!" aist! Isa pa to sa pinoproblema ko. "Bilis at baka nagugutom na si Buttercup!" grrh!
"Waaah! Nakakainis ka! Tigilan mo nga ang kakasabi nang buttercup!" isang linggo nadin nya akong binoblockmail sa kakatawag saking "ButterCup!" waaah! Kasalanan ko bang nakita nyang suot ko yun nang insidenting yon! Tsk!
"ButterCup! Say ahh..." waaaah! Nakakahiya...
"Nakakahiya!! Magtigil ka nga dyan! Baka may makarinig sayo dyan eh!" nandito kasi kami sa isang mall. Di na ako makatanggi kasi may alas sya. Tsk! Nakakairita!!!
"Hanggang ngayon ba meron ka pa din? Ang tagal naman atang mawala nyan. Galit ka nanaman kasi eh!"
"Waaah! Isa pa Cholo at makakatikim ka na sakin!!" nagulat naman ako nang biglang namilog ang mga mata nya.
"Talaga? Papatikimin mo na ako?? Wow ang bilis naman?!" mukhang manghang mangha pasya.
"A-ano bang pinagsasabi mo dyan? Tsk! --"
"Akala ko ipapatikim mo na sakin yan." sabay ngumuso sya. Napatingin naman ako sa tinuro nya.
"Waaah! ang bastos mo!" niyakap ko nalang yung sarili ko.
"Ha? ang ibig kung sabihin yang kinakain mong burger... Tsk! Ano bang pinag iisip mo dyan?" ay! Oo nga noh! Hawak hawak ko nga pala to kaya akala ko sa dibdib ko sya nakatingin. Tsk! Ang bobo mo Anne!!
"Galit ka parin ba Anne?" napatingin ako sa kanya.
"H-ha? H-hindi naman... Bakit ako magagalit?"
"Ang init kasi nang ulo mo this past few days. Siguro meron ka padin no? Like nung nakaraan? Nakita ko kasing may leak ka? Diba yun yon?"
T^T waaaah! Nakakaihiya! Nakakaiyak! Nakakainis! Ilang beses na nya saking inulit ulit yan. Waaah! Nakakainis na talaga sya.
"Hey! Okey ka lang?" aist! Gusto kung umalis muna baka mamaya masaktan ko pa sya pag di ako nakapagpigil.
"Excuse me." tumayo na ako.
"Wait? Aalis ka na?"
"No."
"Samahan na kita."
"Sasamahan mo ako sa loob ng CR?"
"Ahhh... Di mo naman agad sinabi eh. Hihintayin nalang kita dito..." umupo ulit sya. Aalis na sana ako nang bigla nanaman nya akong tawagin. "Anne! Hihintayin ko kayo dito ni ButterCup ha..."
Arrrgh! Alam kung namumula na ako ngayon! Hindi sa kilig kundi sa inis ko sa kanya... Tsk! Biscuet!! Waaah!
Papunta na ako sa Cr nang biglang may lumapit saking mga taong may dalang camera.. Luh? May nagawa ba akong mali? Kaya bago sila tuluyang makalapit sakin tumakbo na ako papasok sa cr pero biglang nawala sa posisyon yong contac na suot ko kaya dali dali ko yon tinanggal dalawa.
Di na ako nasasaktan. Para bang sanay na ako. Pagkatapos ko yon tanggalin kinuha ko kaagad ang salamin ko at pumasok sa isang cubicle..
"Woahhh! Bakit nila ako hinahabol?"
Maya maya may narinig akong bumukas sa kabilang cubicle at parang naghugas sya nang kamay at maya maya lumabas na sa CR kaya sinilip ko muna bago ako tuluyang lumabas sa cubicle.
"Yes! Wala nang tao." pero sa labas may naririg parin akong flash ng camera at yong iba may tinatanong.
"Ms. Annika ano pong masasabi nyo sa---" sumilip ako sa pinto pero papaalis na silang lahat nung sumilip ako.
Wait? Annika? P-parang - oo nga sya yon.
Kaya nagtatakbo ako papalabas kaya lang napahinto din ako ng makita ko ang sarili sa di kalayuan. Madaming nakapalibot sakin at nakangiti ako sa kanilang lahat--
"Nandito ka lang pala. Ang tagal mo namang magCR? Ano? Okey ka na ba ha??" napabaling ang tingin ko kay Cholo na bigla akong kinulbit.
"Tignan mo yon..." sabay tinuro ko yong nakita ko kanina.
"Ha? Saan?" tsk! Bulag ata to eh.
"Ayon oh-- b-bakit nawala?? Nasan na yon? Nasan na sila?" nagtatakbo ako papunta kung saan ko nakita yung kamukha ko.
"Nakita ko yon eh! Pero nasan nayon?" paikot ikot ako para hanapin yon.
"Hey! Sino bang hinahanap mo? Tsk! Tara na ngang umuwi baka pagod ka na."
"Okey..." laglag ang balikat ko syang sinundan. Pero totoo yong nakita ko. Di ako pwedeng magkamali. Nakita ko ang sarili ko- ay mali. May kamukha ako.
BINABASA MO ANG
I'm your Slave
Teen FictionPano kung ang isang nerd na babae ay magkaroon ng slave? Hindi lang basta basta na slave... Dahil ang Slave na ito ang tanging nasusunod. ^_^ -++-++-++- ^_^ Be a Fan! Vote Comment naman pag nagustuhan.. haha ^^V THANKS in ADVANCE