Chapter 27: Confession (Part 1 ^///^)
Cholo POV
Linggo na ngayon at ngayon ang pinakahinihintay kung araw... Ngayon na.. Oo! Ngayon na ako magtatapat.. Alam kung weird to.. Pero di ko na kayang sayangin ang pagkakataon nato. Hindi ako papayag na pagkatapos lang nang isang bwan ganon ganon nalang kaming magkakalimutan?! No way! Di ko na sya papakawalan ano mang MANGYARI!!
Inagahan ko na ang pagpunta sa kanila para makasiguradong wala nang hahadlang.. Tsk! Subukan lang na may humdlang nito! I will break their nick!!
"Cholo? Ang aga mo naman atang naparito sa amin anak.." bungad sakin ni tatay. May dala dala syang bolo..
"Ahh... May lakad po kasi kami ni Anne.. Gising na po ba sya?"
"Naku! Iho naghihilik pa yon panigurado.. Di yon nakatulog ng maaga kagabi.. Tanong ng tanong sa nanay nya kung paano ba daw mag ayos ng sarili.. Tsss! Nagdadalaga na talaga ang anak ko." naiiling nalang si Tatay.
"ahh.. Ganon po ba? Haha.. Eh, saan po kayo papunta?"
"Mangunguha ako ng dahon ng niyog dyan sa silangan.. Madami na kasing lanta nang dahon.. Sayang, pwedi pa namang pagkakitaan."
"Talaga po?! Sana sa susunod makasama ako."
"Naku! Anak mahirap iyon."
"Kakayanin ko po.. Haha.. And I think it's a new adventure.. Haha.." napakamot nalang ako sa batok nang umiling iling si tatay. Gusto ko lang kasi talagang matutunan ang gawaing bukid.. Wala lang baka makatulong someday..
"Oh! Sya pumasok ka na muna't magkape roon."
"Sige po.."
"Oh sya. Mauna na ako rito at madami daming puno ng niyog ang aakyatin ko."
"Sige po. Mag ingat po kayo.." umalis na si tatay.
'Knock! Knock!' katok ko sa pinto.
"Tao po?" lumabas si nanay galing sa kusina.
"oh.. Cholo ang aga natin ah.. Ang alam ko mamayang hapon pa ang usapan niyo ni Anne? Napa aga ka naman ata masyado Iho?"
"Hehe... Pasinsya na po kayo. Di lang po talaga ako mapakali kung di pa po ako dito pupunta. Baka may humadlang nanaman eh.."
"Haha.. Ganon ba? Ikaw talagang bata ka oo! Dyan ka nalang muna sa upuan at ipagtitimpla kita.. Ano gusto mo--"
"Si Anne po
natutulog parin po ba? Pwedi ko po ba syang gisingin??"
"Ah? Ah, oo naman. Teka kagagaling mo lang dito kahapon. Gusto mo agad syang makita? Abay baka magkapalit na kayo ng mukha nyan? Hahaha..."
"K-kasi po.. Gusto ko na po sana syang 'ligawan. Pwedi po ba?"
O_O si Nanay,.
^///^ ako.."A-alam na ba nya Iho?"
"Ahm.. Ngayon ko palang po sanang balak sabihin.."
"Nasasainyo iyan. Basta ang akin lang basta masaya ang anak ko doon nadin ako.. Basta ipangako mong hinding hindi mo sasaktan ang anak ko.." napatayo ako sa saya at nayakap ko si nanay.
"Pangako ko po hinding hindi ko po sya sasaktan at ipagtatanggol ko sya kahit kanino.. Pangako ko po yan." tapos nagbitaw na ako nang pakiramdam ko di na makahinga si Nanay.
"Oh sya.. Kung may gusto kang inumin puntahan mo lang ako sa kusina at naruruon lang ako."
"Opo! Salamat po sa tiwalang binigay nyo sakin. Hinding hindi ko po kayo paasahin.. Salamat po talaga." at yayakapin ko sana si nanay-
"Oh! Oh! Tama na! Okey na para saking malamang di mo sasaktan ang anak ko.."
"Opo.. Salamat.." yayakapin ko sana sya kaso tumakbo na sya kaya napakamot nalang ako sa batok.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Anne.. Nandito na ako... BABY!
Anne POV
Lalabas na sana ako ng pinto ng narinig kung may naguusap sa labas. Binuksan ko nang kaunti at dahan dahan para makita't marinig ko sila. Pagkasilip na pagkasilip ko napatakip ako sa bibig..
Bakit ang aga nya? Sabi nya dinner Date.. Ano? Nabago ang schedule?
"K-kasi po.. Gusto ko na po sana syang 'ligawan. Pwedi po ba?"
O///what?///O
H-ha? Tama bang pagkakarinig ko? Luh? Baka kulang lang ako sa tulog. Makatulog na nga lang ulit!
"K-kasi po.. Gusto ko na po sana syang 'ligawan. Pwedi po ba?"
"Gusto ko na po sana syang 'ligawan."
"Gusto ko syang 'ligawan"
Wahhh!! Bakit nag eecho sa isip ko yon? Hindi naman kasi, diba pwedi yon? K-kasi may F-fiancee na sya? Tapos ano ako third party ganon? AYOKO nun! T___T gusto ko.. Yong akin! Akin lang talaga! Ayoko magshare!! Huhuhu!
Nagtalokbong nalang ako nang kumot at niyakap ko ang 'hotdog pillow ko. Mahilig kasi akong dumantay.. Hahaha.. Naalala ko dati, nakitabi sakin si Carlo matulog nung natulog kami maayos pa. Pero gulat ko nalang namin pag gising baliktaran na kami at nakadantay sa mukha ng isat isa.. Partida pang parihas kaming walang kamalay malay na sa sahig na pala kami natulog.. Sa twing naaalala ko ang mga time nayon, how I wish na sana maulit yong time nayon.. Hahaha.. Tawa nalang kami ng tawa pagkagising namin tapos di nya binitawan ang paa kung nakalagay sa mukha nya.. Kiniliti nya ako ng kiniliti.. Hayyy! Di ko mapigilang di mapangiti pagnaaalala ko yon--
Biglang lumagitgit ang pinto pabukas at sinara ulit.. Luh? A-ano to? M-may mangnanakaw? Or yong kumidnap nanaman sakin?
"Wahhhh---" bigla nya akong dinaganan at kinapa ang bibig ko at tinakpan gamit yong kamay nya.. "Uhhhhmmm!!!!" pagkatapos ko yung gawin NoEffect! Mas malakas sya kahit itulak ko pa! Ako lang yong nanghihina..
Naaamoy ko yong pamilyar na pabango nya.. Kahit natatabunan ako ng kumot alam kung pabango nya yon.. Kaya buong lakas akong bumangon...
O////////////O
Wahhhhhh!! Yong second Kiss ko! Wala na!!
Magkadikit padin ang mga labi namin.. Ayaw nyang umalis! Pwes di din ako aalis..
'tik tak tik tak tik tak--'
Nakakaakit ang mga mata nyang asul.. Para syang nangungusap na di ko maintindihan. Tapos nakakaduling pa yong matangos nyang ilong.. Tapos yong--
'Kring! Kring! Kring!'
"Oy! 7 oclock na!" patay malisya kung kinuha ang alarm clock na sagabal! Tsk! Tapos tumayo at umalis na ako sa harap nya.. But still.. Siya? Ganon padin ang pwesto at di kumukurap.. Anong nangyari dun?
Mabaho ba ang hininga ko?
'Hah! Hah!' hindi naman ah! Haist! Bahala ka nga dyan!
Lumabas na ako't lahat sya nandun padin sa higaan ko.. Yong totoo? Anong nangyari? Tsk! Nabato na ata! Tsk!
------
Follow me in Wattpad!
Maegan1431 «<«<« Yan po ang UserName ko!! Salamat!
Sana po kung gaano nyo to sinupurtahan dito.. Ganoon din po sa wattpad! Ganern!! SOLOMOT PO!!
Thanks for readings ^^V
<3---Vote---<3
<3---Comment---<3
<3---Be A Fan--<3---(*^_^*)V "THANK YOU" (*^_^*)V---
BINABASA MO ANG
I'm your Slave
Novela JuvenilPano kung ang isang nerd na babae ay magkaroon ng slave? Hindi lang basta basta na slave... Dahil ang Slave na ito ang tanging nasusunod. ^_^ -++-++-++- ^_^ Be a Fan! Vote Comment naman pag nagustuhan.. haha ^^V THANKS in ADVANCE