Chapter 42
Anne POV
Pagkapasok ko palang sa gate napansin ko yong bullitine board. Ang dami naman atang picture. Matignan nga.. Ano to? Inayos ko ang salamin ko.
Picture ng isang lalaking nakajacket at nakahood. Di makita ang mukha kasi madilim masyado.
Yong isang picture naman nakaupo sa isang bench. May hawak syang phone. Di makita ang mukha kasi nakayuko.
Yung isa naman. Nakatayo na yung lalaki pero dahil sa madilim di parin makita ang mukha.
Dun sa isa pang picture kita na yung isang side nang mukha pero malabo padin. Mukhang nagsasalita ata to kasi blurd ung bibig nya.
Ang bobo naman nang nagtake nang picture nito. Di sya pwedeng kuhanin bilang photograper ang pangit nya kumuha ng photo.
At yong isang picture may kahalikan na yong guy. Pero dahil sa natatakpan ang mukha nya di din makita yung kiss. Tsk!
Grabe naman makatalon ang babaeng to. Kapit na kapit sa ulo nung guy oh! Tsk! Buti nalang good boy si Cholo. Mukhang may surprice pa nga sya sakin eh.
Tinitigan ko pa ulit ung mga picture. Bakit ba kasi nila pinapayagan ang mga ganitong klase ng paguugali pati private photo? Eshenishare. Tsk!
Napatingin ako sa buong paligid. Nakadikit lahat ang katulad nang mga picture nito sa lahat ng pader. Tsk! Tsk!
Lumapit ako sa isang malaking puno. Tinanggal ko yong isang malaking tarpauline na nakayakap dun. Tsk! Pati ba naman ang mga puno! Hay! Ang mga kerindot talaga nila!
Hinila ko na nang tuluyan yong tarpauline nang biglang masama ako sa paghila ko nun kaya ito. Natumba lang naman ako at sa napaka gandang pagkakataon. Natanggal yong salamin ko.
"Edi Wow!" gumapang ako na parang aso. Kinapa ko nang kinapa ang damuhan. Para mahanap ko na yong salamin kung pafall..
Sa paghahanap ko may natanaw akong papalapit sakin. Pero di ko pinansin yon. Malay ko ba? Diba?
"Got it!" nahanap ko din. Narinig ko kasing parang may naglagay nito sa harap ko. Pero pagsuot ko nun, wala naman. Tsk!
Tatayo na sana ako. Pero may nakita akong isang papel na may picture. Sa unang picture na nakakalat. Yong mukha ni nathalie.
Napakunot ang nuo ko sa kasunod nun. Kahit na blurd alam ko kung sino tong naka black na jacket eh.
Alam kung sya talaga to. S-si Cholo to.
I-ibig sabihin si N-nathalie yong nasa picture na kahalikan nya? How could he do this to me. Akala ko ba hindi nya mahal si Nathalie pero bakit? Bakit may picture silang naghahalikan?! Huh?
Pinipigil kung umiyak. Baka kasi matagal nato. Kaya pwede pang kalimutan. Pero hindi eh! May date na nalagay sa picture! Kahapon lang to nang gabi. 10:45 pm to be exact.
Akala ko ito na ang pinaka masayang araw na magaganap ngayon sa buong buhay ko. Akala ko mahal nya ko. Akala ko di na nya mahal si Nathalie, pero ano to?
Tulo nang tulo ang mga luha ko pero wala akong paki alam. Gusto kong tumakbo. Nakakainis lang! Di ko makita ang daan sa kaiiyak. Mabato pa naman dito malapit sa malaking field. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa nalaglag ang salamin ko sa kapupunas nang luha at kasabay nang paglaglag ng salamin ko. Naramdaman ko nalang ang sakit ng ulo ko at nakita ko si Carlo na nagsisigaw at alalang alala kahit na blurd yong paningin ko alam kung sya yon.
"Anne!! Anne!!" niyogyog nya ako.
"Aray..." nahawakan nya ang ulo kong masakit kaya kahit nanghihina napa aray ako.
"D-dugo---" di ko na kaya. Napapikit nalang ako nang mata. Pakiramdam ko lumulutang ako.
-----
"Anne! Hold on!" di ko alam kung nasaan ako basta nakikita ko nalang tulak tulak nang maraming tao ang hinihigaan ko. Nararamdaman ko din yong sakit nang ulo ko. Mamamatay na ba ako? Tulala lang ako. Di ko alam pero habang tinatakbo nila ako kung saan may nakita din akong babae na kamukha ko.. Nakitakbo nadin sya. Hanggang ipasok na nila ako sa isang kwarto.
"Hanggang dito nalang po muna kayo Ms. Imperial. Kami na pong bahala sa pasyente---" kasabay nun ay nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
I'm your Slave
Novela JuvenilPano kung ang isang nerd na babae ay magkaroon ng slave? Hindi lang basta basta na slave... Dahil ang Slave na ito ang tanging nasusunod. ^_^ -++-++-++- ^_^ Be a Fan! Vote Comment naman pag nagustuhan.. haha ^^V THANKS in ADVANCE