OOHDWH CHAPTER 3

3.7K 247 40
                                    


OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 3: The Memoirs of Yesterday

"Its been a long way my love. We'll be in each other's arms soon."

- Heather Alexander Morone


Heather Alexander Morone's POV

"Okay na po ang pasyente. Nahimatay lang siya sa pagod at puyat. Hayaan niyo na lang siya muna magpahinga at gigising din siya maya maya." Iyon lang nag sinabi nito at agad ding lumabas ang doktor sa kuwarto. Biglang pumasok ang kaibigan neto at halatang halata sa itsura neto na nag-aalala siya.

Rian bakit ba kasi masyado ka nagpuyat? Huwag mo masyado pagurin sarili mo, mamahalin pa kita.

Tinignan niya saglit si Rian, afterwards lumapit ito sa akin, "Ano ginawa mo sa kanya?" Nakakunot noong tanong ng kaibigan nito at para bang may ginawa akong masama sa kaibigan niya.

"Sinundo ko siya kanina sa condo niya. Papalabas na siya ng bigla siyang hinimatay. Mukhang puyat at pagod kakaaral. Ayos na naman daw siya sabi ng doktor. Magigising na din siya maya maya." Casual kong sagot at bumalik ulit ang pagkakatingin ko kay Rian. Kinuha ko ng isang upuan malapit sa kanyang kama at doon ako umupo habang ramdam ko ang pagtatakang tingin ni Kianna sa akin.

"Bakit mo naman siya sinundo?" Nakatingin pa rin ito sa akin.

"Girlfriend ko siya." Sinamaan ako ng tingin ng babaeng itong bigla siyang tumawa. "Ha Ha Ha Ha Ha Ha Ha Ha!!"

"Bakit ka naman tumatawa diyan? Ano nakakatawa?" Pagkatapos ko iyong sabihin ay agad tumawang muli si Kianna na tila ba nang-iinis. "At huwag ka nga maingay. Baka magising si Rian. Nagpapahinga yung tao oh!" Bakas ang inis sa tono ng aking boses dahilan upang tumayo ako bigla. "Doon ka nalang sa labas kung mag-iingay ka lang. Huwag ka dito." Pagdugtong kong sabi.

Binigyan niya ako ng sineryoso mo talaga huh look

"Wow! Concerned! Nakakatawa ka talaga! Di ba heartbreaker ka? Bakit may pakialam ka na ngayon sa bestfriend ko?" Sarkastikong tanong ni Kianna.

Tinignan ko siya ng malalim at saka sinagot ng "kasi gusto ko siya at wala akong nakikitang masama doon." at pagkatapos naman nun ay tuluyan na akong lumabas ng kuwarto.

-*-

"Get information about her! I need to know everything as soon as possible." Seryoso kong sabi sa private investigator na hinire ko.

Why? Bakit tuwing gabi lagi kitang napapaginipan? Sino ka ba? Ano ba kita? Bakit ba sa tuwing lagi kitang nakikita gusto kitang yakapin ng mahigpit at huwag ng pakawalan pa.

After 2 weeks

"Sir ito na po lahat ng impormasyon na gusto niyong malaman." At iniabot sa akin ang isang envelope na naglalaman ng mga larawan nito simula pagkabata at ang mga private information kasama na ang kanyang tirahan, sino mga magulang neto; mukhang familiar talaga pangalan ng parents niya, saan siya nag-aaral at sinu-sinong mga taong nakasalumuha nito, ngunit relationship status – none at the moment. Patuloy ko lang tinitignan ang mga impormasyon ng may nalaglag na lawaran sa sahig na siyng nakakuha ng atensyon ko, at agad pinulot ito bakit tila ikinasakit ng ulo ko ito.

Bakit ako andito? tanong ko sa sarili ko. Ako to hindi ba?

Ito'y isang lawaran ng dalawang tao, siya yung babae at ako naman yung lalaki. Nakaakbay ako sa kanya at tila ba ang saya saya namin sa larawan na iyon. Nakangiti kami na tila ba parang wala ng bukas.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon