OOHDWH CHAPTER 33

805 68 17
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 33: Camping, Good Times

"I am curious of what it means to be happy, what it means to hurt and what it means to love."
- Hi! School Love On (Korean Drama)


Angelie Marrianne Menova's POV

Noong bata ako pangarap ko magkaroon ng isang tao na mamahalin ako ng sobra pa sa pagmamahal ko sa kanya. Natupad na iyon ngayon, ngunit hindi ko aakalain na handa nitong itaya ang buhay niya para sa akin.

Noong oras na nabasa ko ang sulat na ginawa nito sa akin hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, umasa ako na sana hindi totoo ang lahat ng iyon at sana panaginip na lamang ito na kapag gusto ko ng magising ay magagawa ko. Gusto kong magalit kay Heather kaso hindi ko magawa, ngayon alam ko na ang salitang sakripisyo para sa taong mahal mo.

Hindi ko alam kung ano pa ang naghihintay sa akin sa oras na mawala muli ito sa buhay ko pero isa lang ang sigurado ako at iyon ay mabuhay pa ng matagal. Hindi ko hahayaan na sayangin ang buhay na ibinigay niya sa akin.

Maaaring magmahal muli ako ng iba pero hindi ko kayang magmahal muli kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

"Ano na naman iniisip mo?" Nakakunot noong tanong ni Heather at ipinagpatuloy nito ang paglalaro sa aking mga daliri. "Wala. Iniisip lang kita."

Bahagya itong ngumiti sa mga nadinig. "Hindi mo na ako kailangan pang isipin, andito naman ako sa tabi mo. Alam ko naman na guwapong guwapo ka sa akin." Biglang pagmamayabang nito.

"Kapal mo. Huwag ka nga assumero diyan." Sabi ko dito sabay tayo sa kinauupuan namin.

Ngayong araw ay napagdesisyunan namin ni Heather na magcamping ng kaming dalawa lang. Alam namin ni Heather na ilang oras na lang ay lulubog na ang araw kaya inayos ko agad ang tent kung saan kami natutulog at habang ito naman ay naghahanap ng mga kahoy upang sindihan mamaya.

Mula sa malayo ay naririnig ko ang ingy ng mga lalaki na nag-aasaran marahil magcacamping din ang mga iyon dito. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit namin ni Heather ng biglang may tumulak sa akin mula sa aking likuran dahilan upang matumba ako. Agad akong tumayo sa pagkakatumba at agad na nagsalita. "Ano ba?!--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magulat ako sa nakita ko. "Surprise!" Saad nila ng sabay sabay. "Ano ginagawa niyo rito?" Agad namang umakbay si Jayson sa akin saka ito nagsalita. "Nabalitaan kasi namin kay Heather na magcacamping nga raw kayo kaya ayun naisipan namin na sumama para the more the merrier."

"Hoy huwag mo akbayan girlfriend ko!" Sigaw ni Heather na paparating na sa amin dala dala ang mga kahoy na nakuha nito. "Chill lang pare." Habang nagpepeace sign ito kay Heather. Agad namang binaba ni Heather ang dala nitong kahoy at saka hinabol si Jayson na biglang nawala sa kinatatayuan nito.

"Para talaga silang bata." Patawang sabi ni Kianna. Naghahabulan parin si Heather at Jayson sa may dalampasigan. "Swerte mo Rian kay Heather, napakaseloso." Saad ni Jester at saka inakbayan si Kianna. "Aba bakit hindi ka ba magseselos kapag may umakbay sa aking iba?" Sabay simangot ni Kianna kay Jester. "Hindi. Bakit naman ako magseselos?" Sinamaan lang ng tingin ni Kianna si Jester at bigla nitong tinaggal ang pagkakaakbay nito sa kanya. Maya maya ay napansin ko na naglakad na papalayo si Kianna na siya namang hinabol ni Jester. Ang cute ng couple na iyon. Nakangiti ako habang inisiip ko iyon.

Mula sa malayo natanaw ko na nakisali na rin pala ang ibang barkada nila Heather sa paghahabulan nila. Mukha tuloy silang elementary students sa pinaggagawa nila.

Maya maya tumigil na ang mga ito sa paghahabulan at tinulungan kami ni Kianna sa pag-aayos ng mga tent at ng mga kakainin para sa gabihan. Ang mga ito na ang nagprisinta na sila na ang mag-iihaw ng mga barbecue, hotdogs at isda. Kami ni Kianna ang natira dito sa may harap ng campfire na ginawa naman ni Jester at Heather.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon