OOHDWH CHAPTER 17

979 100 8
                                    


OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 17: The Mystery Accident

"Patawarin mo ako. May mahal na akong iba. Hindi ko siya kayang ipagpalit."

- Angelie Marrianne Menova


Angelie Marrianne Menova POV

Everything seems to be back at one place, except for all of my memories. I could not still recall everything; I know there are pieces of it that I really need to remember, like how come we got an accident years ago?

All I could remember was, I was with a guy and we are are heading to somewhere and when I woke up I was in a hospital with lots of wounds around my body, my leg was even casted. As far as I could remember, Heather was not a reckless driver so how come? No matter how long it takes I need remember everything.

Hinawakan neto ang kamay ko at marahang pinisil at nagtanong, "Do you love me?" saad ng isang lalaki na medyo katangkaran at medyo kamukha neto si Austin.

Agad kong binawi ang aking kamay, "Patawarin mo ako. May mahal na akong iba. Hindi ko siya kayang ipagpalit."

Mabilis akong tumakbo sa naturang luga at iniwan ang isang lalaking sinaktan ko. Hindi ko siyang kayang lokohin dahil mahal ko siya at hindi ko siya ipagpapalit.

Ano ibig sabihin ng naalala ko? Sino siya?

Heather Alexander Morone POV

I called everyone and asked if they could come right now. I need to figure out some pieces of theory that was rushing into my mind—like the real identity of the caller?

I was pacing back and forth the living room when they suddenly arrived--Anxyl, Jayson, Kurt, Jester and Vince. Halatang nagtataka sila kung bakit ko sila pinapunta agad.

"Heather, bakit?" Saad ni Jayson at isa isa silang kumuha ng maiinom sa lamesa.

"Uy sarap naman pre. Kukuha ako ha." Saad ni Kurt habang kumukuha nakatingin sa nakahaing graham sa lamesa. Kumuha na rin sila Anxyl, Jester, and Vince. Ang kanina pang nakikiramdam na si Jayson kung kukuha ba o hindi ay kumuha na rin.

"Pre, may natanggap kasi akong tawag. Unknown number siya." Pagsisimula ko ng kuwento. Tila ba naestatwa ang mga ito at nagtinginan. "Kilala niyo ba yung tumawag?" Pagtatanong ko. "Hindi." saad ni Jayson at puro iling lang ang sinagot nila Kurt at pinagpatuloy ang pagkain. "Kuwento mo sa amin kung ano nangyare at ano ang sinabi niya sayo sa tawag." Seryosong sagot ni Anxyl.

Kinuwento ko ng buo kung ano ang nangyare sa tawag at kung ano ang sinabi neto. Matapos kong ikuwento ang buong pangayayare ay nabalot ng katahimikan.

"Alam niyo may naaalala ako." Binaba ko yung hawak kong baso at saka ko pinagpatuloy ang pagkukuwento. "May isang lalaki dati na may gusto kay Rian ang humahabol sa kanya. Ilang beses na niya itong pinagtutulakan pero ayaw parin niya lumayo. Base na rin sa kaing naalala may humahabol samin ni Rian bago kami maaksidente ilang taon na ang nakakalipas, kaso hindi ko ganoon naaalala kung sino ito at ano ang kanyang eksaktong itstura."

"Noong panahon bang naaksidente kami ni Rian kami lang ba ang nakita sa scene? Walang ibang tao o kotse ang nakita?" Pag-iiba ko ng usapan.

Kumuha ng maiinom si Jayson at saka ito ang sumagot, "Base sa naalala ko noong panahong naaksidente kayo ni Rian. Wala naman nakitang sumusunod sa inyong sasakyan, ang tanging kuwento lang ng nakakita ay matulin ang pagpapatakbo mo ng sasakyan at muntik niyo ng mabanga yung nasa kabilang linya pero dahil sa pilit mo itong iwasan at sa isang puno kayo nabangga."

"Wala ka bang naalala na kahit anong bakas kung sinong lalaki ang may gusto kay Rian dati?" Pagtatanong ni Jester.

"Hindi e, hindi ko maalala yung pangalan ng lalaki." Casual kong sagot.

Napag-isipan namin na tumawag ng isang taong eksperto sa mga tawag at pagttrack ng mga cellphone numbers. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ito bitbit ang mga gamit sa pagttrack. Mabilis kong ibinigay ang cellphone ko at ipinakita ang cellphone number ng lalaking tumawag.

Napag-alaman namin na ang lalaking iyon ay malapit sa kung nasaan kami ni Rian.

"Sir kapag po tumawag muli ang mystery caller ay agad niyo kaming tawagan upang mas malaman natin ang mga location ng caller." Saad ng isang Agent.

Jayson Matthew Esguerra POV

Kagagaling lang namin kela Heather at halatang bakas sa mga isipan namin kung sino ba talaga ang tumawag? May kinalaman nga kaya talaga ang magulang ni Kurt sa naturang aksidente nila?

"Ano ba pre, may balita na ba tayo doon sa investigator?" pagtatanong ni Jester.

"Ayun nga pre, makikipagkita ako sa kanya. Gusto niyo ba sumama?" Pag-aaya ko sa mga ito.

Nauna kaming dumating doon sa napagusapan na lokasyon. Makalipas ang isang minuto dumating na rin ang isa mga private investigator na kinuha namin upang alamin ang katotohanan. "Sir Jayson, eto na po ang aming mga napag-alamanan." Iniabot nito ang isang envelope at dali dali ko itong binuksan. Nakatingin ng mabuti sila Jester sa envelope.

Naglalaman into ng mga documents tungkol sa nasabing aksidente. Sila Heather at Rian ay nakasakay sa isang Toyota Vios na pagmamay-ari ni Heather at ito nga ang nagddrive, binabagtas nila ang kahabaan Dona Remedios Trinidad at nasa lagpas 100km/hr ang takbo ni Heather. Ayon sa naturang report, may sumusunod di umano sa kanila na isang itim na Toyota Vios din na ang plate number ay *******. "Ang report na iyan ay hango sa CCTV ng naturang kalsada." saad ni David Limuaco, isang private investigator.

"Nakuha mo ang kopya ng CCTV footage David?" pagtatanong ko rito.

"Oo nakuha ko." Nilabas ni David ang isang flashdrive at laptop sa kanyang bag at pinpanuod sa amin ang naturang footage. Bakas sa itsua namin ang kalituhan. Bakit hindi ito lumitaw ng imbestigasyon noong mga panahong iyon?

"Base sa aming napag-alamanan ang naturang sasakyang ginamit ng mga humahabol kela Heather Morone ay pagmamay-ari ng kaibigan ng pamilya ng mga Andromeda." Pagpapatuloy ng private investigator. Naglabas ng isang dokumento si David at iniabot ito sa amin.

Vehicle Registration ng naturang sasakyan—isang Anthony Seronio ang may-ari ng sasakyan na humahabol kela Heather.

"Napag-alamin din namin na si Karl Veron Andromeda ay hindi pa patay." Seryosong saad ni David.

"A-ano? Buhay pa ang kapatid ko?" Pagtatanong ni austin

"Oo buhay pa siya. Hindi pa siya patay." Pagsasagot ni David.

"Eh kung patay siya, sino yung namatay doon sa aksidente? Sasakyan iyon ng kuya ko. Nasaan ang kuya ko ngayon." Direchong pagtatanong ni Austin.

"Siya ng ang naturang nakasakay don sa sasakyan pero bago iyon sumabog ay siya itong nakatakas. Hindi pa namin alam kung nasaan sa ngayon si Veron."

"Base sa aming napag-alamanan, may nakuha kaming isang larawan doon sa sa headquarters ng naturang lugar." Inilabas ni David ang isang envelope at ito ay iniabot sa amin.

Ito ay larawan ni Heather at Rian at may nakasulat sa likod.

"If you think I am dead well, nagkakamali kayo. I am still alive and kicking." – Karl Veron

Kung buhay pa si Veron, maari kayang ito ang may kasalanan sa aksidente nila Heather? Ano naman kaya nag kinalaman ng magulang ni Austin sa nangyare? Angelie Marrianne Menova

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon