OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 16: The Recording of Truth
"Hindi ako papayag na magkahiwalay ulit tayo, mahal kita. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang."
- Heather Alexander Morone
Vince Austin Andromeda POV
Naglilibot ako sa may sala ng bahay namin ng mapansin ko ang isang brown envelope sa may ilalim ng newspaper rack na nakaaddress sa mga magulang ko. Nagtataka ako sa kung anong laman meron ito. Nilibot ko ng tingin ang sala namin saka ko napagdesisyunan na dalhin ang naturang envelope sa kuwarto ko. Sinigurado kong nakalock ang kuwarto ko saka ko binuksan ang envelope.
Naglalaman ito ng mg larawan na hango sa pinagyarihan ng aksidente nila Heather at Rian at may isang flashdrive na nakasama. Ikinabit ko iyon sa kaing laptop, at nagulat ako sa mga nialalaman nito—ang footage ng aksidente nila Rian at Heather. Binuksan ko ang video at nakita ko na umuulan ng araw na iyon at sinusundan pala sila kaya nagpaharurot ng takbo si Heather at si di kalayuan ay paparating na truck, iniwasan nila Heather iyon pero sa di inaasahang pangyayare bumanga ito sa may isang puno. Ano ibig sabihin neto? Mali ang nakarating sa amin na balita na kaya sila naaksidente dahil nadulas ang sasakyan neto at bumanga sa isang puno?
Ang isang file naman ay naglalman ng audio, medyo mahaba rin iyon nasa mahigit 1 minuto. dala na rin ng sobrang pagtataka kaya binuksan ko ang audio file at kinabit ko ang earphones para ako lang makarinig, "Tigilan mo na kami parang awa mo na, wala naman kasalanan anak ko sa inyo. Bakit mo pa nilalapitan ang anak ko?"Boses iyon ng nanay ni Rian, si Tita Cecille. "Walang kasalanan ang anak mo sa akin pero kayo ng asawa mo mayron." Sagot iyon ni mommy. Ano ang kasalanan nila Tita kay mommy? Ano ibig sabihin nito? Sila mommy ba ang may kasalanan ng aksidente? "Hindi niyo alam gano kasakit mawalan ng anak? Kung hindi dahil sa kapabayaan niyo buhay pa sana ang anak ko."
Anak? Ano ibig sabihin nito—sila ang may kasalanan kung bakit namatay si Kuya?
"Wala kaming kasalanan kung bakit namatay ang anak mo, ayaw sa kanya ni Rian. Hindi naman namin puwde na ipilit sa anak namin kung sino ang kanyang mamahalin." Pagpapatuloy ni Tita Cecille. Minahal ni Kuya si Rian pero nireject siya nito?
May kakambal ako—Karl Veron Andromeda, namatay siya tatlong taon na ang nakakalipas dahil sa isang aksidente. Lasing si kuya non, at nagdrive papauwi pero dahil sa hindi inaasahang pangyayare, sumalpok ang sinasakyan netong kotse sa isang poste at nagliyad. Dahil upang masunog ang buong katawan ni Kuya.
"Wala kaming kasalanan kung namatay man ang anak niyo. Aksidente ang nangyare." Saad ni Tita Cecille. "Hindi maglalasing ang anak ko at maaksidente kung sinagot siya ni Rian." Galit na saad ng mommy ko.
Tinignan ko pa kung ano laman ng flasdrive pero wala na ako nakita pang iba. Gumawa ako ng panibagong kopya neto sa iba kong flashdrive, iniscan ko rin ang mga larawan ng askidente nila Rian at niligpit ang envelope, binalik ko ito sa kinalalagyan neto sa sala.
Napuno ng pagtataka ang bumalot sa isipan ko. May gusto dati si kuya kay rian pero nireject lamang siya neto? Ano naman meron don sa aksidente nila Rian at Heather, sila mommy ba ang may kasalanan upang gumanti?
Matapos ang nalaman kong iyon, agad kong tinawagan sila Jayson at ang iba pa namaing kabarkada upang makagawa kami ng paraan malaman ang katotohanan.
Pinarinig ko sa kanila ang audio file ng pag-uusap nila Tita Cecille at ng mommy ko, pinanuod ko rin sa kanila ang footage ng aksidente nila Rian at pinakita ko rin ang mga larawan na nakita ko. Bakas sa mukha nila nag pagtataka.
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomanceIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...