OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 19: The Talks of Love
"Ikaw. Isa ka sa mga pangarap ko. I love you Heather."
- Angelie Marrianne Menova
Kianna Andrea Altavedor's POV
Ang tagal tagal naman ng babaeng iyon. Magsisimula na iyong event wala parin siya. Hindi ko naman macontact yung phone niya at nakapatay.
Foundation Day ng Cole International University ngayon kaya masaya mga students, wala kasing klase pero required naman umattend ng events.
Sa tagal ni Rian, napagdesisyunan ko na pumunta muna malapit sa auditorium kung saan may kasalukuyang nagaganap na dance competition ng bawat colleges.
"Mag-isa ka ata ngayon." Pagsasabi ng isang lalaking nasa may likuran ko.
"Oh ano naman ngayon sa iyo iyon?" Masungit kong sagot saka pinagpatuloy ang paglalakad papalayo.
Hinablot nito ang kanang braso ko saka sinabi, "Easy. Wala naman akong gagawing masama sa iyo para naman wala tayong pinagsamahan."
He is Jester Montevador, my ex-boyfriend at bestfriend nila Heather. I am just so lucky at hindi ako naakwardan everytime na may get together ang buong barkada.
Bakit kami naghiwalay?
*Flahback*
Three years ago. Makalipas ang aksidente nila Rian at Heather, napansin ko na nagbabago na si Jester. Kung dati palagi niya ako kinakamusta at dinadalaw pero ngayon, minsan na lang. Sa tuwing tinatanong ko naman siya kung ano ba ang problema at kung may nagawa man akong kasalanan lagi lang niyang sinasagot ay wala naman itong problema at pagod lang daw siya.
Simula ng pag-uusap naming iyon ay napansin ko na rin na madalang nalang si Jester na pumasok. Naging madalas na rin ang pag absent neto. Sa tuwing tinatanong ko sila Jayson kung ano ba ang nangyayare kay Jester ay sinasabi lang nila na "Intindihin mo na lang. Marami lang siguro inaasikaso iyon."
Dumating sa point na nawalan na ako ng gana sa kanya, gana na ako pa mismo ang gagawa ng paraan para makausap siya pero pinagtatabuyan lang ako neto. Pumupunta ako sa kanila pero lagi sinasabi ng katulong na, tulog na eto. Pakiramdam ko hindi na ako importante sa kanya at wla na rin saysay ang relasyon namin. Kahit ganon pa man ang nararamdaman ko, lagi sinasabi ng puso ko na mahal ko siya at hindi ko siya iiwan.
Kung may 100 dahilan upang iwan siya, maghahanap ako ng isang dahilan upang manatili at iyon ay dahil mahal ko siya.
Napag-isip ko noon na baka nga pagod lang ito o baka gusto lang niya mapag-isa kaya binigyan ko siya ng oras para mapag-isa.
Hanggang sa isang araw. Nagtext eto na magkita raw kami.
Akala ko magiging maayos na ang lahat ng araw na iyon pero iyon na pala ang araw na gigimbal sa akin.
"Babe. May sasabihin sana ako." Panimula ni Jester. Halata sa itsura niya ang matinding kalungkutan at medyo pumayat din ito.
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomanceIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...
