OOHDWH CHAPTER 24

690 74 10
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 24: The Simple Talks

"I've never been inlove with anyone before you came along, not in real love anyway.. not like this."
-The Vow


Jester Kerovin Montevador's POV

Matapos ibaba ni Kianna ang cellphone nito ay lalabas na ito ng silid kaya napag-isipan ko na magpakita dito upang komprontahin sa kung ano man ang nadinig ko sa tawag.

Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko at hinablot ko ang kanang braso nito. "Ano ba!" Sigaw nito. Halatang gular na gulat ito ng biglang nakita na ako ang humatak dito. "Jester? An-ano-ng g--gi-na-g-awa m-mo d-dito?" Utal utal nitong sagot. Hindi ko ito sinagot bagkus mas hinikpitan ko ang pagkakahawak ko dito. Nagpupumiglas ito upang makawala sa pagkakahawak ko. "An-ano ba! Na-ss-sak-tan ak-o!" Pagsisigaw nito. Hindi ko pa rin ito binibitawan at naglakad na lang ako papalabas ng silid na iyon habang hawak parin ang kamay niya kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang at patuloy parin ito sa pagtanggal ng pagkakahawak ko sa kanyang kanang braso. "San mo ba ako dadalhin ha?!" Inis na pagtatanong nito. "Tumahimik ka nalang." Inis ko ring sagot.

Paano mo nagawa iyon? Bakit mo kailangan paglaruan si Heather at Rian? Mga tanong na naglalaro sa isipan ko at kailangan ko matanong dito.

Dinala ko ito sa sasakyan ko at agad itong pinasakay. "Ano ba!" Sigaw nito. Pagkasakay na pagkasakay ko sa driver's seat ay agad itong sumigaw. Hindi ko lang ito pinansin, pinaandar ko ang makina at ang aircon. "Ano ba kailangan mo ha? Ano ginagawa mo don kanina?" Bakit mo ba ako ginaganito?" Tuloy tuloy nitong pagtatanong. "Bababa na ako kung hindi ka sasagot. Sinasayang mo lang oras ko, marami pa akong kailangang gawin." Bubuksan na nito ang pintuan ng sasakyan ng bigla akong nagsalita na siya na siyang dahilan upang mapatingin ito sa akin.

"Bakit mo nagawa iyon?" Saad ko habang kinakabit ang seatbelt.

"Ang alin?" Pagtatakang tanong nito.

"Huwag kang magmaang maangan pa. Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Diredirecho kong saad habang nakatingin lang sa manobela ng sasakyan. Hindi ito sumagot sa tanong ko. "Nadinig ko iyong mga sinabi mo. Sino iyong kausap mo? Bakit mo ginaganito sila Heather at Rian? Kaibigan mo sila!" Pasigaw kong saad. Hindi pa rin ito umiimik. Makalipas ang ilang minutong katahimikan at bigla itong nagsalita. "Masama si Heather! Sasaktan lang niya si Rian!" Sigaw nitong sagot.

Agad akong napalingon sa sinabi nito. "An-anong masama si Heather? Ano ibig mong sabihin?"

"Mas mabuti ng hindi mo alam dahil hindi ka rin naman maniniwala sa akin." Agad nitong hinuksan ang pintuan ng sasakyan at akmang bababa na ng bigla ko hinatak ang ang braso nito. "Ano ba binatawan mo ako!" Sigaw nito.

"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng maintindihan ko." Kalmado kong sagot.

Kianna Andrea Altavedor's POV

Kitang kita ko sa mata ni Jester ang kaguluhan sa kung ano ba talaga ang katotohanan.

Sabihin mo sa kanya ang nalalaman mo ng makita niya ano ang ginawa ng kaibigan nito kay Veron.
Huwag mong sabihin, hadlang lang iyan sa plano niyo.
Saad ng dalawang maliliit na boses sa aking isipan.

Halatang naghihintay ito sa kung ano man ang sasabihin ko. Agad kong sinarado ang pintuan ng kotse niya at agad nitong pinaharurot ang sasakyan papalabas ng campus.

"San tayo pupunta?" Seryoso kong pagtatanong. "Mag-uusap tayo. Dun tayo sa tahimik na lugar."
Hindi na lang ako nagsalita at tanging katahimikan lang ang bumabalot sa aming dalawa.

Makalipas ang ilang minuto napansin ko na pinatay na ni Jester ang makina ng sasakyan nito, hudyat na nakarating na kami sa dapat naming puntahan. Agad itong bumaba sa sasakyan at agad ko naman itong sinundan.

T-teka asan nga ba kami? Palinga linga ang mata ko sa paligid. Parang ito yung lugar na lagi namin pinupuntahan ni Jester noong panahong kami pa? Bakit dito niya naisipan na mag-usap kami.

Agad ko na lang isinantabi ang mga naiisip ko at agad hinanap kung nasaan na pumunta si Jester. Mula sa di kalayuan nakita ko na umupo si Jester sa isang bench kaya agad ko itong sinundan.

Agad ko itong tinabihan at tanging tingin lang ang binato sa akin saka nito binalik ang tingin mula sa malayo. Bakas ang katahimikan sa aming dalawa kaya napagpasyahan ko na ako na ang unang magsalita.

"Jester." Tawag ko dito. Hindi ito lumingon or umimik manlang. "Nakakausap ko si Veron at hindi siya patay. Buhay siya." Hindi manlang ito nagulat sa narinig dahil alam ko na alam niyang patay na ito.

"Alam naming hindi pa patay si Veron." Tipid nitong sagot.

A-alam niya? K-kelan pa?

"Tuloy mo kuwento mo." Bakas sa boses nito ang pagkainis.

Agad kong kinuwento kay Jester na nakita ko si Veron ng araw ng libing nito. "Bakit hindi mo manlang sinabi sa amin!" Inis nitong tugon.

"May mangyayare ba ha? Kung ikukuwento ko sa inyo na buhay siya? Ni hindi niyo nga ito pinapansin nung nabubuhay pa ito." Pasigaw kong sagot.

"Siya ba ang pinalit mo sa akin?"

Bakas sa boses nito ang sakit sa kanyang sagot.

"An-ano?" Tila ba nabingi ako sa kanyang tanong. Ipinalit ko si Veron kay Jester? Ganon ba gusto nitong palabasin?

"Tinatanong kita! Siya ba ang pinalit mo sa akin?"

"Hindi! Hindi ko magagawa iyon!" Pasigaw kong sagot.

"Bakit mo nagawa na kumampi sa kanya?" Kalmado na nitong tanong.

"Nagawa ko iyon kasi ayoko saktan ni Heather si Rian." Napalingon ito sa sinabi ko. "Bakit alam mo ba kung ano ang ginawa ni Heather kay Veron para lang makuha si Rian?"

Heather Alexander Morone's POV

"Alam ko may nagawa akong kasalanan kay Veron pero bakit nito kailangan umabot pa sa ganito?" Pagtatanong ko kela Austin, Jayson at Kurt.

Nandito kami ngayon sa tamabayan, pinag-uusapan kung ano ang nararapat na gawin at habkang para maayos na ang gulong ito.

"Hindi ko rin alam, kilala ko si kuya. Hindi siya nagtatago ng sama ng loob pero hindi ko alam bakit siya nagkaganito." Malungkot na saad ni Austin.

"Oo inaamin ko naman na pumayag ako sa usapan naming iyon pero ano magagawa ko? Naiinlove na ako sa kanya ng panahong iyon."

"Kailangan natin makausap agad si Veron sa madaling panahon ng magkalinawan na kung ano ba talaga ang tunay na nangyare." Simpleng sagot ni Jayson.

"Teka asan pala si Jester? Bakit wala siya rito?" Pagtatakang tanong ni Kurt.

"Ayun may lakad daw kasama si Kianna." Pakantiyaw na sagot ni Jayson.

"Iyong dalawa na iyon halata namang inlove parin sa isa't isa. Eto naman kasing si Jester bakit hindi pa aminin ang totoong dahilan bakit kailangan niya ibreak si Kianna." Pasimpleng sagot ni Austin.

"Lahat naman pare complicated sa mundo. Wala pa naman akong naririnig na love story na madali diba Heather?" Pagpaparinig ni Jayson kay Heather.

Babatuhin ko na sana ito ng sapatos ng bigla nagsalita ulit si Jayson. "Joke lang pare, hindi ka naman mabiro. Ikaw naman talaga ang may pinakacomplicated na love story." Biglang tumawa sila Austin, Jayson at Kurt at siya na ring dahilan upang matawa ako.

"Seryoso naman kasi mga pre, ano ba dapat kong gawin?" Pagbabalik ko sa usapan.

"Kausapin mo si kuya at doon lang natin malalaman bakit gusto parin niya maghiganti." Seryosong saad ni Austin. Agad siya nitong inabutan ng beer.

Agad kumuha ng tig-iisang beer ang mga kaibigan ko.

"Iinom muna natin yan. Magiging maayos din ang lahat." Saad ni Jayson.

"Magiging maayos din yan magtiwala ka lang." Nakangiting saad ni Anxyl.

Kung ano man ang kailangan mo Veron, malalaman at malalaman ko rin iyan. Hindi ako papayag na saktan mo ang babaeng pinakamamahal ko. Magkakamatayan muna tayo Veron bago mapasakamay mo siya.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon