OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 26: Love Me
"Love is fragile. And we are not always its best caretakers."
- The Last SongKianna Andrea Altavedor's POV
"A-ano s-sabi mo?" Utal utal kong sagot. Jester easy naman huwag mo naman ako gulatin.
"Puwede pa ba ako humingi ng second chance?" Nakabulsang kamay nitong tanong. Halatang medyo kinakabahan ito dahil hindi ako matingan habang sinasabi niya iyon.
Natawa ako narinig kong iyon, akala ko nagkakamali ako ng nadinig pero hindi iyon nga talaga ang nadinig ko.
Sinamaan ako ng tingin nito dahil siguro sa pagtawa ko. Malay ko ba kung seryoso siya or joke time lang ito. "Bakit ka naman tumatawa diyan?" Inis nitong pagtatanong.
Patuloy lang ako sa pagtawa ng mas napansin ko na naktitig lang ito sa akin at ang sama parin ng tingin. "Ah wala. Malay ko ba kung joke time ngayon. Puro kasi biro iyang sinasabi mo." Patawa kong sagot. Tumalikod na ako at unti unti naglakad papalayo ng hindi ko napansin na may nakaharang na bato sa harap ko dahilan upang matapilok ako. Ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay ang pagkasalo ni Jester sa akin.
"Okay ka lang?" Pagtatanong nito habang nakadantay ang braso nito sakin dahil sinalo ako nito.
"Uh-uh oo okay lang." Agad agad akong kumawala sa bisig nito at agad inayos ang buhok kong medyo nagulo na.
"Mag-iingat ka kasi. Paano kung wala ako diba? Walang sasalo sa iyo." Seryoso nitong sagot at nauna ng naglakad.
Bakit noong panahong iniwan mo ako nasaktan ako noon diba bakit di mo manlang ako sinalo? Hinayaan mo lang na masaktan ako. Pabulong kong sagot. Ikinibit balikat ko nalang na ito at saka ako naglakad papalayo upang sundan ito.
Angelie Marrianne Menova's POVNapagdesiyunan ko na puntahan si Heather sa bahay nito upang ayain sana na kumain sa labas ngunit ng papasok na ako ng bahay nito napansin ko na kotse sa labas ng bahay nito.
Sino kaya may-ari ng sasakyan na iyon at ano ang ginagawa niya rito?
Kakatok na sana ako sa gate nila Heather ng napansin ko na nakabukas ito. Minabuti ko nalang na pumasok na agad dahil baka kung sino iyong nakapark na iyon na nasa bahay nila ngayon.
Nakita ko si Heather ay seryosong seryoso na nakaupo sa may sala nila. Sa harap nito ay nakaupo na isang lalaki at halatang may pinag-uusapan ito.
Dulot ng labis na pagtataka sa kung ano ang pinag-uusapan nila ay agad akong humanap ng lugar na puwedeng pagtaguan na malapit sa kanilang dalawa upang marinig kung ano ang pinag-uusapan nito.
Nakalong sleeves na puti ang lalaking kausap nito at tinernohan ng dark blue na neck tie at mukhang hindi ito common na tao kung titignan dahil sa tindig at postura nito habang nakaupo. Patuloy lang ito sa pagsusulat ng bigla itong nagsalita.
"Sir iyon lang po ba gusto niyong malaman?" Pagtatanong ng lalaking kausap nito.
Mukhang nag-iisip si Heather ng isasagot dito dahil hindi agad ito nakasagot.
"Ah oo iyon lang. Alamin mong maigi kung ano ang eksaktong lugar na pinagtataguan ni Veron at balitaan mo ako agad. I need a response as soon as possible." Seryosong sagot nito sa kausap.
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomanceIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...