OOHDWH CHAPTER 23

793 79 7
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 23: The Truth

"So it's not gonna be easy, it's gonna be really hard. And we're gonna have to work at this everyday, but I wanna do that because I want you. I want all of you, forever. You and me. Everyday."
- The Notebook

Heather Alexander Morone's POV

"Oh pare, nagawi ka ata ngayon?" Saad ko ng makita kong papasok si Jayson sa pintuan. Nakita ko na parang may bumabagabag dito. "Oo bakit bawal ba? May tinatago ka sigurong babae?" Pabirong sagot nito.
Nakita kong diredirecho ito sa may kusina at kumuha ng maiinom. "Feel at home lang ba? Bahay mo?" Sarkastiko kong pagtatanong. "Nauunahaw na ako pre." Sabay lagok sa isang basong tubig. Halatang halata dito pagkauhaw dahil halos maubos na ang isang pitsel ng tubig. "San ka ba kasi nanggaling ha? Bakit uhaw na uhaw ka?"

Matapos nitong uminom ay may iniaabot itong isang brown envelope. "Oh ano yan?" Pagtatanong ko. "Kunin mo ng malaman mo."

Kinuha ko iyong envelope na iniabot nito. Naglalaman ito ng litrato ng pagkaaksidente namin ni Rian, dalawang flashdrive, isang car registration, larawan namin ni Rian na may nakasulat sa likod at may nakasulat na "If you think I am dead well, nagkakamali kayo. I am still alive and kicking." – Karl Veron

Dali-dali kong binuksan ang laptop ko agad isinaksak ang flashdrive, pinanuod kong maigi ang laman ng dalawang flashdrive na iyon. Nanatili itong nakatayo at pinapanuod lamang ako na tila ba halatang naghihintay ito ng kung ano man ang sasabihin ko sa mga nakita ko.

"May ilang araw na rin ng simula namin malaman iyan." Pagbasag nito ng katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Hindi pa namin matukoy kung ano ang totoong dahilan kung bakit gustong maghiganti sa inyo ni Veron. Kaya ako nandito ngayon, bilang kaibigan mo gusto ko malaman kung ano ba talaga ang nangyare noong mga panahong iyon? Ano ba ginawa mo kay Veron?" Hinatak nito ang isang upuan at doon ito naupo.

Lumipas pa ang ilang minutong katahimikan ng mag umpisa akong magsalita.

*Flashback*

Few years ago..

Ito yung panahon kung saan palagi kong pinagtritripan si Rian. Palagi kaming nagkakasakitan pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ito ay naaksidente dulot ng pantitrip ko dito.
Nilapitan ako noon ni Veron, "pre, puwde ba tayong mag-usap?" Isang tingin lamang ang ginawad ko dito.

[Author's Note: Taken from Chapter 17]

"Pre napansin ko na lagi mong sinasaktan si Rian. Babae yon." Direchong saad ni Veron.

"Alam ko." Maikli kong sagot. "Puwde ba na tigilan mo na ang pananakit sa kanya?" Natigilan ako sa pagtatanong niyang iyon. Kitang kita dito ang pagiging seryoso na kalimitan ko lang nakikita. Likas kay Veron ag pagiging tahimik sa klase.

"Bakit ko naman iyon gagawin?" Masungit kong sagot.

"Mahal ko siya pre. Liligawan ko siya kaya puwde ba maging mabait ka nalang sa kanya at tulungan mo na alng ako pumorma. Tutal kabisado mo na naman ugali niya."

"At bakit naman kita tutulungan?" Pang-uyam kong sagot.

Hindi ito sumagot sa tanong ko kaya ginawaran ko ito ng sarkastikong ngiti at umiling iling ako. Akmang lalakad na ako ng bigla akong hinawakan nito sa braso. Nilingon ko ito at sinabi ko na "bitawan mo ako, kung ayaw mo ng gulo." Hindi ako nito binitawan kaya mas lalo nag-init ang ulo ko. "Ano ba gusto mo gulo? O baka gusto mo, ikaw naman pagtripan ko? Mas ayos yon."

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon