OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 30: Confrontation
"I love you and I will tell you everyday.
Everyday until you forget the things that hurt.
I hate the things that make you hurt.
And how I wish I could take them away.
If only it could be done I'd do it for sure."
- Walang Forever
Angelie Marrianne Menova's POVPatuloy lang sa pagkain sila Heather doon sa may hapag kainan ng biglang dumating si Kianna at si Jester na kanina pa namin hinhintay.
Napansin ko na magkahawak kamay ang dalawa na agad din naman na nagbitaw ito.
"Kanina pa kayo?" Pambungad na tanong nito ng napansin na nakatingin lang ako dito.
Mukhang nadinig nila Heather nung nagsalita ito kaya agad sila pumunta sa sala. "Oh andiyan na pala kayo. Ang tagal niyo kaya kumain na muna kami. Ayaw pa kasi kumain ng wifey ko."
Lumalandi ka na naman Heather. Saad ng isipan ko. Inirapan ko ito biglang sagot.
"Kay aga aga ang sweet niyo na naman." Pang-iinsulto ni Jayson.
"Bakit niyo pala ako pinapunta dito? Ano ba ang meron?" Kitang kita sa mukha ni Kianna ang pagtataka.
Pinaupo ko ito sa upuan na malapit sa akin. Nagpaalam si Heather na tatapusin lang muna niya ang pagkain at ito ay babalik din agad. Titingin tingin lang si Jester sa aming dalawa ni Kianna dahil hindi siya sigurado sa kung ano ba ang dapat nitong gawin--kung uupo ba ito sa tabi ni Kianna o pupuntahan ang mga kaibigan para saluhan sa pagkain.
Maya maya nagpaalam na ito na pupuntahan na lang muna sila Heather sa hapag-kainan. Naiwan kami ni Kianna sa sala at katahimikan lang ang bumabalot sa amin.
"Bes, kayo na ba ni Jester?" Pagbabasag ko ng katahimikan. Mukhang nagulat ito sa tinanong ko at tila ba hindi niya ineexpect ang sasabihin ko.
Tumingin ito sa kabilang dako saka ako nito sinagot. "Oo bes. Kami na."
Napansin ko na nahiya itong umamin kaya hindi ako matignan. Hinawakan ko ang kamay nito at nilingon ako. "Its okay. I know naman na mahal mo parin siya hanggang ngayon. I would not ask anymore questions. Huwag mo kakalimutan na masaya ako para sa inyong dalawa." Agad ako nitong niyakap matapos niya marinig lahat ng sinabi ko.
Agad din itong bumitaw sa pagkakayakap at sinabi, "alam ko na hindi mo ako pinapunta dito para lang itanong kung kami na ba ulit ni Jester. Spill the beans."
Napansin namin na pumasok na ng sala sila Heather at mga naupo ito. "Kianna, bakit mo kami gusto paghiwalayin ni Heather?"
Napatayo ito sa narinig at bago pa ito tuluyan maglakad papalayo ay agad nagsalita si Jester. "Napag-usapan na natin ito. Sabihin mo na sa kanila kung ano ba talaga ang totoo. Please? Kaibigan mo rin sila."
Mukhang natigilan ito sa nadinig at nilingon si Jester. Umupo ulit ito at nakatingin lang sa kawalan. "Patawarin niyo ako Heather at Rian. Hindi ko naman ito ginustong gawin ng walang dahilan." Tumigil ito ng ilang saglit saka ako nilingon at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Ginawa ko ito dahil masamang tao si Heather para sayo Rian!" Bakas sa boses nito ang galit.
"Ano ibig mong sabihin?" Pagtatakang tanong ko dito. Agad namang nilagay ni Heather ang braso nito sa balikat ko.
Kianna Andrea Altavedor's POV
Alam ko darating din ang araw na ito, araw kung saan dapat na nila malaman kung ano ang totoo.
Huminga ako ng malalim saka ko tinignan si Rian sa kanyang mga mata. "Itinuturo ni Veron na si Heather ang may kasalanan ng aksidente nito." Nagkatinginan si Heather at si Rian sa nadinig at bakas sa mga mukha ng mga kaibigan ni Heather ang labis na pagtataka.
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomantikIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...