OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 18: The Diary
"Mahal ko si Rian at hindi ko siya ibibigay kahit kanino."
- Heather Alexander Morone
Heather Alexander Morone POV
Halata sa itsura ni Rian na hindi siya komportable. Napagpasiyahan ko kasi na ipakilala na siya kay mommy bilang official girlfriend ko. "Love, what's bothering you?" Pagtatanong ko dito. Hindi ito sumagot at nanatli na lamang na tahimik. Hinawakan ko ang kamay neto at saka sinabi, "Wag ka mag-alala mommy will still love you like the old times. I am pretty sure of it. I know she likes you as a daughter-in-law." Bahagya ako neto nilingon at hinalikan ko ng marahan ang kamay neto bago ibalik ang tingin ko sa kalsada sa pagddrive.
"Magandang umaga ho sir Heather and Ma'am Rian" pagbati ng isang kasambahay. "Tawagin ko lang ang mommy niyo sir" pagpapatuloy ng kasambahay saka ito tuluyang umalis. "Wag na lang kaya ngayon? Parang hindi pa kasi ako handa." Kabadong saad ni Rian. Hinawakan ko ang kamay neto at hinalikan ang noo. I will assure her that everything's gonna be okay.
Makalipas pa ang ilang saglit, dumating na si mommy kasunod ang kasambahay na may dalang mga miryenda. "Ma, girlfriend ko. Si Rian." Taas noong pagpapakilala ko kay Rian. Binaling ni mommy and atensyon neto kay Rian at ito ay kanyang niyakap. "It has been a while. Mabuti naman pala at kayo na. Kamusta ka na iha?" Nakangiting pagtatanong ni mommy kay Rian.
"Okay lang naman po ako tita. Kayo po kamusta na po?"
"Okay lang naman ako. I am so glad to see you again."
Inaya kami ni mommy na kumain na muna at don ipagpatuloy ang kuwentuhan. Napag-alaman namin na matapos ang aksidente ay may connection pa rin ang mga magulang namin. Kinakamusta nila kami sa pamamagitan ng mga magulang namin.
Hinawakan ni mommy ang kamay ni Rian, "Rian, pasensya ka na. Kami kasi ng magulang mo ang nagdecide na huwag muna kayo pagkitain after ng aksidente. Naniniwala kasi kami na kung kayo talaga ang para sa isa't isa, magkikita at magkikita muli kayo; katulad ng nangyare ngayon, muli kayong nagkita at nagkabalikan. Masyado pa kasi kayong bata noon, Sana mapatawad mo kami." Hinawakan ni Rian ang kamay ni mommy gamit ang isa pa niting kamay at ngitian. "Tita huwag po kayong mag-alala, hindi po ako magtatago ng sama ng loob sa inyo. Naiintindihan ko naman po ang mga naging desisyon niyo."
"Sana alagaan mo maigi ang anak ko, alam mo naman yan napagkamalang bading." Pagbibiro ni mommy. "Huwag po kayo mag-alala tita ako bahala sa anak niyo. sa sobrang pagmamahal niyan sakin hindi niya nagawang maghanap pa ng iba."
"Ay conceited." Sagot ko dito.
Someone's POV
"Tama na, tigilan mo na ito. Hindi ka ba natatakot sa puwdeng mangyare sa iyo? Ano gagawin mo kung ikaw na mismo ang mapahamak sa mga pinagagagawa mo?" Pagtatanong ng isang babae.
"Hindi ako titigilan. Sinaktan nila ako, niloko ako ni Heather. Kung hindi man mapapa-saakin si Rian ay puwes papatayin ko na lang sila." Sinunog neto ang isang larawan ng babae at lalaki na magkaakbay.
Karl Veron Adromeda's POV
Hindi pa patay si kuya, kung hindi siya patay nasaan siya?Bakit niya kaming nagwang lokohin na patay na siya? Ano binabalak mo kuya. Pagtatanong ng isipan ko.
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomansaIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...