OOHDWH CHAPTER 8

2.1K 179 8
                                    


OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 8: The Hidden Feelings

"I love you at the worst of times, and I will always love you."

- Anxyl Vrinx Montecarpio

3 years ago

Anyxl Vrinx Montecarpio POV

Andito ako sa may tambayan namin. Nasasaktan ako kasi mahal ko siya pero mahal din siya ng kaibigan ko. Nakatingin sa kawalan habang umminom ng isang bote ng alak. Sana paggising ko bukas, mawala kahit konti ang sakit na nararamdaman ko.

"Pre, ano ginagawa mo dito? Mag-isa ka yata?" Sabi ni Jayson na siyang papalapit sa akin.

"Wala lang pre, umiinom lang." Sabay inom sa alak na nasa shot glass ko.

Pinatong ni Jayson yung dala niyang coat sa may katabi kong upuan. Kumuha ito ng isa pang shot glass at nilagyan ng alak. "Samahan kita pre. Alam ko, mahal mo siya kaso mahal din siya ni Heather. May gusto din naman ako sa kanya kaso kailangan magparaya."

"Isipin mo ang dami natin nagkakagusto sa kanya pero kung saktan siya noon ni Heather akala mo hindi tao si Rian."

"Noon yun pre, hindi na ngayon. Kita mo naman kung paano siya alagaan ni Heather ngayon. Alam ko naman matagal ng gusto ni Heather si Rian hindi lang niya ito maamin sa sarili niya."

Humagulgol na ako ng iyak, "Pero bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako? Sa dinami-dami ng lalaki na puwde niyang mahalin, bakit kaibigan ko pa? Sobrang sakit."

"Iinom mo na lang yan pre. Makakalimutan mo rin siya. Hindi lang ikaw ang nasasaktan pati ako, gusto ko din si Rian pero kailangan tanggapin na si Heather ang gusto niya at hindi ako."

Kumuha pa si Jayson ng alak mula sa case at iniabot sa akin. "Pre iinom mo na lang yan. Eto oh bote."

"Cheers pre." dagdag neto.

Schoolmates kami ni Rian simula noong elementary pa kami. Lagi kami magkasama, at laging sinusuportahan ang desisyon ng bawat isa. Nagkaroon ako ng pangarap dahil sa kanya. Isa akong easy-go-lucky na tao, pumapasok para lang sa baon at hindi alam kung ano ang gustong gawin sa buhay pero simula ng dumating siya unti-unti yon nagbago. Ang dating puso kong bato naging mamon dahil sa kanya. Masipag mag-aral si Rian, lagi siyang nagtotop sa klase, active din na student leader at lagi siyang pinanlalaban ng school namin sa mga outside school competitions. Ako ang naging tagasuporta niya. Ako ang naging bestfriend niya and ang never the heard guy na nagmamahal sa kanya. Tuwing nakikita ko siyang nahihirapan lagi ako andiyan para tulungan siya, at kapag nakikita ko siyang masaya, masaya na rin ako para sa kanya. Every recognition niya ako ang isa sa mga tao na laging nasa likuran niya. Simula noong nag high school kami, doon ko na nakilala ang iba pa naming naging kabarkada na sila Heather, Kurt, Jester, Anxyl and Vince. Nakita ko kung paano siya pinagtritripan ni Heather at kung ilang beses na nakita kong umiyak si Rian. She's still the fragile girl I used to know at kahit gaano pa siya mukhang katapang, may emotional side parin ito. Ilang beses na rin akong nagtangka na umamin sa kanya pero lagi ako inuunahan ng takot—takot na baka umiwas na lang siya sa akin.

Simula noong nabalitaan ko na nagdadate na sila ni Heather for real, binalaan ko si Heather na huwag niya itong sasaktan kung hindi ako mismo ang kanyang makakalaban kahit pa masira ang aming pagkakaibigan, huwag lang niya sasaktan ang babaeng pinapangarap ko.

"Pre lasing ka na ba?" pagtawag ni Jayson na siyang nabalik sa aking huwisyo.

"Hindi pre, may iniisip lang ako." Sabay inom ng alak.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon