OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 25: Second Chances
"I love you and not just for now, but always and I dream of the day that you'll take me in your arms again."
- Dear John
Kianna Andrea Altavedor's POV*Flashback*
"Si-sino si-si-la?" Napaawang na tanong ko kay Veron.
"Kilalang-kilala mo sila Kianna." Nabalot naman ng pagtataka ang isipan ko. Tinignan ko ito na tila ba nagtataka. Hindi ko na lang muna ito sinagot baka kasi magbigay pa ito ng clue kung sino tinutukoy neto.
"Si Heather Morone at Rian Menova." Seryosong sabi nito.
"An-ano?" Gulat kong sagot. "Pa-paano?!" Sumilay sa aking mukha ang labis na pagtataka.
"Ano naman ang kinalaman nila? Kilalang kilala ko sila." Pasintabi kong sagot. "Baka naman nagkakamali ka lang?" Pagpapatuloy ko.
"Hindi ako nagkakamali." Seryosong saad ni Veron. Umupo ito sa ilalim ng isang malapit na puno sa kinatatayuan neto at tinanggal ang itim na jacket na suot nito.
"Ano ba talaga ang nangyare at ganon na lang ang galit mo sa kanila?" Tinabihan ko ito sa may ilalim ng puno.
Isang malalim na bugtong hininga ang tanging sinagot nito.
[Author's Note: Refer to Chapter 23 for additional information]
Kinuwento niya sa akin kung ano ang naging kasunduan ni Heather na ito nga ay magiging mabait na kay Rian at tutulungan siyang pumorma dito pero ito ay may kaakibat na kapalit at ito ay ang hindi puwedeng mainlove si Heather kay Rian. Pero gaya nga ng ibang mga kuwento, the more you hate the more you love ang nangyare. Matagal ng alam ni Veron na may gusto si Rian kay Heather at pilit lang niya itong papalitan upang siya ang mahalin nito. Hindi iyon ang nangyare dahil si Heather parin ang pinili ni Rian hanggang sa bandang huli.
Nakuwento rin ni Veron sa akin kung paano niya nakita ang pag-amin ni Heather kay Rian noong gabi na dapat sana ay siya ang aamin kay Rian. Kitang kita niya ang labis na kasiyahan ni Rian na kahit minsan hindi niya nakita sa tuwing siya ang kasama ni Rian.
Noong gabi ding iyon ay siya itong nagpakalunod sa alak, tinawagan nga nito ang kanyang ina at sinabi kung gaano siya nasaktan ng isang babae na matagal na niyang minamahal.
Kinabuksan nga ay napabalita na ito ay namatay dulot ng pagsabog ng sinasakyang kotse.
Tahimik lang na nakikinig si Jester sa mga kinuwento ko na tila ba inuunawa ang bawat detalye na binibitawan ko.
"Oh ano naman ang masama kung mainlove si Heather kay Rian? Normal lang naman na mainlove ang isang tao diba?" Halata sa mukha ni Jester ang pagtataka, dahil sa isang simpleng bagay lamang ang pagiging unrequited nagkagulo ang lahat.
"Oo normal lang naman iyon. Iyon din ang pinagtataka ko noong una kung bakit para sa isang simpleng dahilan nagkagulo sila pero hindi lang iyon ang nangyare.." Pag-iiwas ko ng tingin.
"Ano pa ba ang nangyare?" Kunot noong pagtatanong ni Jester.
*Flashback*
"Hindi ba parang hindi naman reasonable kung magagalit ka sa kanila dahil lang isang simpleng bagay?" Medyo patawa kong tanong. Hindi kasi gawain ng isang matured na tao ang magalit sa karibal nito sa babaeng iniirog. Mukhang napansin nito na medyo natatawa ako sa kanyang inaasal. Binigyan ako nito ng isang tumahimik ka look kaya naisip ko na tigilan muna ang pang-iinsulto dahil baka may mga bagay pa akong hindi nalalaman sa mga nangyare.
Tumikhim ito at saka nagsalita. "Lingid sa kaalaman nila Heather at Rian ang totoong dahilan ng naging aksidente ko. Oo maaaring lasing ako noong gabing sumabog ang sasakyan ko. Pero imposibleng ito ay sumabog sa isang mahinang pagbangga sa poste. Nagkaroon ng foul play sa aksidente ko."
"Foul play?" Pagpuputol ko dito. "Ibig sabihin ba nito, planado ang aksidente mo?" Mabilis kong saad. Hindi nito sinagot ang tanong ko bagkus pinagpatuloy na lamang ang pagkukuwento.
"Nagddrive na ako noon pauwi sa amin ng mapansin na parang may nadinig akong tumutunog sa may likod ng sasakyan ko. Agad kong pinarada sa tabi ang sasakyan upang malaman kung ano iyong tumutunog na iyon. Nagulat ako sa aking nakita. Isang bomba at mga nasa 5 minuto na lang ay sasabog na ito. Labis ang pagtataka ko noong panahong iyon dahil sino ba naman ang gagawa noon diba? Doon ako nagkaron ng ideya na si Heather lang naman ang nakabanga ko ng araw na iyon dahil sa pang-agaw nito kay Rian. Napag-isip ko noong panahong iyon na kung gusto nila akong mamatay ay siya namang pagpapatuloy ko ng laro nila. Papalabasin ko na namatay na ako kahit ang totoo ay totoong binangga ko ang sasakyan sa isang poste ng malapit na sumabog ang bomba at dali-dali rin akong bumaba sa sasakyan at tumakbo sa malayo."
Titig na titig si Jester sa pakikinig sa aking kuwento at tila ba gulat na gulat sa mga nangyayare.
"Nakasiguro ba si Veron na talagang may kinalaman si Heather sa nangyare?"
Hindi ko na ito sinagot sa kanyang tanong at tumayo nalang ako. Itinaas ang aking mga kamay upang maramdaman ang simoy ng hangin.
Jester Kerovin Montevador's POV
Isinantabi ko muna panandalian ang mga natuklasan ko kay Kianna. I still love her. Is there still second chance for both of us?
Agad kong tinago ang recorder na nakausli sa may pantalon ko at agad akong tumayo para tabihan si Kianna.
Natatandaan ko noong araw na nakipaghiwalay ako sa kanya. Kitang kita ko sa kanyang mata ang kalungkutan.
*Flashback*
"Bakit di mo nalang sabihin sa kanya ang totoo kung bakit ka nakipaghiwalay?" Tanong ni Austin.
Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.Iniwan ko siya ng hindi siya binibigyan ng totoong rason bakit ako nakipaghiwalay. I was diagnosed with stage 2 cancer. Kinakailangan ko pumunta ng abroad para magpagamot.
"Maiintindihan naman ni Kianna kung sasabihin mo sa kanya ang totoo diba?" Seryosong saad ni Austin. Kanina pa ako nito inaalo dahil kahit anong gawin ko, ang sakit. Mas masakit iwan ang taong mahal mo kesa sa tunay na sakit na papatay lang sayo physically.
Nabalitaan ko din ng panahong iyon na unti-unti sumisilay na muli ang ngiti ni Kianna. Which is good I think? Para kung sakali na mawala man ako, hindi ko na siya iintindihin.
Ilang oras bago ako magtungo ng airport papuntang America. Dumaan ako sa kanila. Nakita ko na busy siya sa pagpapakain ng kanilang aso na si Eye. Ito yung aso na binigay ko sa kanya noong panahong kami pa. Nakakatuwa mang isipin na kung sakali man na mawala na ako ng tuluyan sa mundo ay may maiiwan akong alaala sa kanya at yun ay ang aso na iyon.
Mga ilang minuto ko rin tinititigan si Kianna mula sa malayo ng biglang nagsalita ang driver. "Aalis na po tayo baka malate pa tayo."
Kasabay ng unti-unti kong paglayo sa lugar na iyon ay siya ring pag-asa na sana kung dumating man ang araw mawala na ako sa mundo ay makahanap ito ng tunay na magmamahal sa kanya.
"Jester?" Pagtawag ni Kianna na siyang nagpabalik sa aking huwisyo. Ito ay aking binalingan ng lingon. "Kanina pa kita tinatawag. Ano ba iniisip mo?" Pagtatanong nito habang nakatitig lang sa akin.
"Kianna." Pagtawag ko dito. Patuloy lang ito sa pagtingin sa akin.
It is now or never saad ng munting isipan ko.
"Puwede pa ba ako humingi ng second chance?"
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomanceIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...