OOHDWH CHAPTER 6

2.5K 217 23
                                        


OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 6: The Dinner

"What if I want to be your real boyfriend?"

- Heather Alexander Morone


Heather Alexander Morone's POV

Ginawa kong candlelight dinner, hindi ko alam kung magagalit ba siya or magugustuhan. Plano ko sana siyang isurpise. Mabuti na lang at lagi akong handa at may naitabing candle doon sa kotse. Ayoko naman kasing magtanong sa kanya kung may candle ba siya dito sa kanila. Inayos ko yun lamesa sa paraang parang may date na magaganap. Inayos ko na din yung ulam na adobo sa hapag, pusit at menudo. Naglagay na din ako ng wine sa lamesa. Actually, nagpadala na lang ako ng menudo, pusit, pizza at ice cream. Mabuti na lang at umakyat ulit si Rian sa taas kaya hindi niya napansin. Puro paborito niya lahat ng hinanda ko. Mabuti na lang at hanggang ngayon ito pa rin ang paborito niya.

Lumabas muna ako saglit para kumuha ng damit sa kotse at mabilis na tinugo ang cr para magbihis ng hindi niya manlang masabing amoy ulam ako.

This will be a great start. Sabi ng isipan ko.

Inayos kong maigi ang sarili ko at ng napansin kong gwapo pa rin ako. Napagdesisyunan ko ng lumabas ng cr. Laking gulat ko ng biglang dumaan si Rian.

"Rian." Tawag ko.

Biglang humarap ito sakin at sabing "Ay sorry. Andyan ka pala. Hinahanap kasi kita. Akala ko umalis ka na kaya lalabas sana ako para hanapin ka. Sorry."

Hindi kita iiwan. Kung nagkahiwalay man tayo noon. Hindi na ako makakapayag pa na magkahiwalay ulit tayo ngayon.

Mga salitang gusto ko sanang sambitin. I was lost for words.

I cannot shock her yet, it is not the right time.

"Hindi. Kumuha lang ako ng damit sa kotse tapos nagbihis na din ako dito sa cr. I hope you won't mind na I used your cr." Simple kong sagot.

Mukhang napansin na ito ang pagpapalit ko ng damit dahil pasimple niya itong tinignan. "Ah. I see. No problem. By the way, sino pala nag-ayos nung lamesa? Woah. Dinner looks great." Pag-iiba neto ng usapan at tuluyan ng nilapitan ang lamesa.

"Ako. Tumingin ka sa paligid, may ibang tao pa ba dito?" Pang-aasar kong sagot.

Halata sa mukha niya ang inis. Binara ko kasi. Haha. Siya naman kasi magtatanong na lang. Haha. Just kidding. She looks cute pag naasar. It looks like dapat lagi ko pala siyang iniinis.

Hindi na siya sumagot pa. Dumirecho na siya sa dining table. Halatang gutom na talaga siya.

"Let's eat." Pag-aaya neto.

"Sure."

Mukhang nagustuhan nito yung niluto kong adobo. Napansin yata niya yung pusit at menudo na nasa lamesa.

"Ipinadala ko lang yan. Baka kasi hindi mo magustuhan yung luto ko kaya nagpadagdag ako. May pizza at ice cream din diyan."

"Hindi. Masarap nga luto mo. Salamat ha. Actually, paborito ko tong lahat. Salamat ha." Nakangiti nitong saad.

"Kumain ka lang diyan mabuti. Wag kasi puro aral ang inaatupag. Balansehin mo lahat para di ka nahihirapan."

Hindi ito sumagot at nakatingin lang ito sa akin ng matagal. Tila minememorize niya ang itsura ko.

Pagpuputol ko ng katahimikan. "May dumi ba ako sa mukha? Why are you staring at me? Siguro type mo ko noh." Pagbibiro kong saad. Ipinapatuloy ko ang pagkain.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon