OOHDWH CHAPTER 28

726 69 23
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 28: He is Back

"I think she's the one. There's something different about her, something special."
- She's The One


Angelie Marrianne Menova's POV

Dumating kami sa party ng bandang 6:30 pm. Wala pa ganoong tao dahil mamaya pa ito magsisimula. Binati ko din ang iilang bisita na kilala ko na andoon na.

Kanina ko pa napapansin na hindi mapakali si Heather dito sa tabi ko at conscious na conscious sa itsura nito dahil madalas nitong inaayos ang suot suot nitong coat.

"Hub. Ano ba yang ginagawa mo?" Pagpupukaw ko ng atensyon nito. "Wala naman. Inaayos ko lang, parang nagugusot kasi." Sabi nito habang nakatingin sa coat nito at marahang inayos ng kaunti ito.

Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin ng biglang dumating narinig ko ang pagtawag sa akin ng isang lalaki sa di kalayuan. "Rian?"

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Heather at tila ba nagbabadya ang pagiging seloso nito. Lumapit sa amin ang lalaki at agad ako nitong niyakap at ginantihan ko rin ito ng yakap. "Ang ganda mo naman. Mabuti nalang pala at pinauwi ako ni mommy. Nga pala, muntik na pala kitang hindi nakilala--" Naputol ang sasabihin nito ng biglang tumikhim si Heather at nagbabagang na ang istura nito. Doon ko napagtanto na hindi pa nga pala nakikita ni Heather ang nag-iisa kong kapatid na ngayo'y pinagseselosan na niya.

Agad akong humawak sa braso ni Heather. "Hub, siya nga pala ang kuya ko, Alcano Jeron Menova." Pagpapakilala ko kay Heather. "Kuya siya nga pala si Heather Morone ang boyfriend ko." Pagpapakilala ko naman kay kuya. Agad iniabot ni kuya ang kamay nito kay Heather at ganon din si Heather. "Madalas ka nga pala kinukuwento ni Rian sa akin. Finally, nagkita rin tayo."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Heather sa narinig niyang iyon. "Talaga? Ano naman sinasabi niya?"

"Sinasabi niya na mahal na mahal ka raw niya. Alam mo ba lagi ka niyan iniistalk dati sa Facebook." Marahan na tumawa si kuya. "Kuya!" Pagsisita ko dito. "Oh talaga? So wifey stalker pala kita dati?" Pang-iinsulto nito. Ramdam ko na magkakasundo ang dalawa ng nagsimula nilang pag-usapan ang tungkol sa social issues na kinakaharap ng bansa lalo na ang Federalism. Si kuya ay nasa isang law school sa Manila at mdalang lang ito umuwi dahil gagraduate na ito ngayong taon at pagkatapos ay siya namang kukuha ng bar exam at kapag naipasa niya ito ay isa na itong ganap na abogado.

Ramdam na ramdam ko ang pagiging OP ko sa dalawang ito dahil hindi naman ako ganoong kahilig sa pinag-uusapan nila. Nagpaalam ako sa kanila na hahanapin ko na lang si mommy kesa mabato sa pinag-uusapan nila.

Naikot ko na ata ang buong bahay pero hindi ko pa rin nakikita kung nasaan ang kinaroroonan ni mommy. "Na, nakita mo ba si mommy?" Pagtatanong ko sa isang kasambahay namin. "Nasa kuwarto po siya. Nag-aayos."

Dali dali kong inakyat ang ikalawang palapag ng bahay namin. "Mommy!" Salubong ko dito. "Anak andito ka na pala." Agad akong binigyan ng yakap nito. Nang makawala ako sa bisig nito ay agad hinanap si Heather at kung nakita ko na nga raw si kuya. "Magkasama sila mommy. Nakalimutan ata nilang dalawa na nageexist ako kaya umalis nalang muna ako. KaOP sila, akala mo sila magkapatid." Pagbibiro ko. "You look dazzling tonight anak." Sabi ni mommy habang nakatingin ito sa akin. "Of course naman Ma! Kanino pa ba ako magmamana? Sa inyo lang naman ni daddy."

"Narinig ko ata pangalan ko?" Pagsasabi ni daddy na kakapasok lang ng pintuan ng kuwarto.

Nagsimula ang party ni mommy sa eksaktong 7:30pm ng gabi. Dumalo lahat ng mga naturang kaibigan nito sa negosyo at ilang mga kamag anak namin.

Labis ang gulat ni Heather ng nakita ang magulang nito sa party. "Ma! Andito kayo." Lumapit ang magulang ko mapansin ang presensya ng magulang ni Heather. Nakipagbeso beso ang dalawa sa isa't isa at nagkamayan naman ang mga asawa nitong lalaki sa isa't isa. "Mabuti naman at nakarating kayo." Nakangiting saad ni Mommy kay Tita Jen, ang mother ni Heather. "Oo naman kami pa ba. Balae."

Nagulat ako sa nadinig ko at mukhang napansin nila ito. "Mukhang nagulat ata si Rian. Too soon pa naman. Huwag kayo mag-alala." Agad namang hinawakan ni Heather ang aking kamay. "Yes po matagal pa po, pagkagraduate po namin saka kami magpapakasal." Abot tengamg ngiting tugon ni Heather.

"Gusto mo ba ng maiinom?" Simpleng pagtatanong ni Heather ng lumipat ng puwesto ang magulang nito. "Uh sige."

Agad itong tumayo upang kumuha ng maiinom at pagkaraa'ay bumalik dala dala ang dalawang cocktail juice.

Mula sa kalayuan ay napansin ko ang rebulto ng isang lalaki at mukhang kanina pa kami nito pinapanuod at sa tuwing tinitignan ko ito sa kanyang direksyon ay agad naman itong mawawala.

Imposible namang namalalik mata lang ako.

Nagpaalam lang ako kay Heather na pupunta lang ako ng washroom saglit pero titignan ko kung sino yung tao na kanina pa nakamasid sa amin.

Ilang hakbang na lang ang layo ko rito ng napansin ko na may kausap ito sa cellphone at agad nitong binaba ng napansin ang presensya ko sa kanyang likuran. Nakasuot ito ng itim na hoodie at naka fit na pants at puting sapatos.

Agad ako nitong nilingon at kanyang sinambit, "Kamusta Rian. Ang tagal din nating hindi nagkita. Long time no see din Heather."

Agad akong napatakip ng aking bibig sa aking nakita. Paano siya napunta rito. Agad pumunta si Heather sa aking harapan at ako ay kanyang tinatago sa kanyang likod. "Ano ang kailangan mo sa amin? Ano ba kasalanan ko sayo?" Matigas na pagkakasabi ni Heather.

Ngumiti ang naturang lalaki na nasa harapan namin at kanyang sinambit, "Gusto ko maghiganti sa inyo."

Karl Veron Andromeda's POV

Kanina ko pa sila pinapanuod mula sa malayo. Paano ko nalaman na may party na magaganap ngayong gabi?

Kanina pa nagriring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. "May magaganap na party mamaya sa mansyon ng mga Menova. Baka gusto mo pumunta. Pupunta ang pamilya ni Heather doon."

"Anong oras ba iyong party?"

"Mga 7:30 pm iyon magsisimula."

"Sige. Pupunta ako."

"Siguraduhin mo na wala kang gagawing masama."

"Oo naman. Huwag ka mag-alala." Agad ko binaba ang tawag. May ilang oras pa ako bago ang party. See you Rian and Heather in hell.

Napansin ko na kanina pa tumitingin si Rian dito sa aking kinatatayuan. Agad kong tinawagan ang mga kasabwat ko para ipakita mamaya sa screen kung paano nila ako pinatay na sila ang may dahilan ng aking aksidente ilang taon na ang nakakalipas.

Napansin ko na may tao sa likuran ko kaya agad kong binaba ang cellphone ko at ito ay aking nilingon. What a pleasant surprise Rian.

"Kamusta Rian. Ang tagal din nating hindi nagkita. Long time no see din Heather." Nakngiti kong bati dito. Kitang kita sa mukha nito na nagulat ito sa nakikita at si Heather ay nasa likuran na rin ito at mukhang sinundan ito.

Agad pumunta si Heather sa harapan ni Rian at ito ay kanyang tinatago sa kanyang likuran. Wow ang sweet naman.

"Ano ang kailangan mo sa amin? Ano ba kasalanan ko sayo?" Matigas na pagkakasabi ni Heather.

Nginitian ko ang dalawang iyon at sinabi, "Gusto ko maghiganti sa inyo."

Naglakad ako papaikot sa kanilang dalawa habang sinasambit ko, "baka nakakalimutan niyo may kasalanan kayo sa akin. Lalo ka na Heather. Pinagkatiwalaan kita pero inagaw mo siya sakin at ang mas malala kayo ang dahilan ng naging aksidente ko."

Bakas sa mukha ng dalawa ng kalituhan sa mga sinasabi ko. "Aksidente?"

"Wala naman kaming kinalaman don." Sigaw ni Rian.

"Talaga bang wala? Ano ibig sabihin nito?" Sinenyasan ko ang isa kong kasama at agad nito pinakita kay Heather at Rian ang footage ng naturang aksidente ko.

"Ano naniniwala na kayo?"

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon