OOHDWH CHAPTER 31

821 68 21
                                    

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 31: Past Wounds

"Injuries heal so fast but heartaches don't heal so fast."
- Hi! School Love On (Korean Drama)

Kianna Andrea Altavedor's POV

Namulta si Rian sa nadinig na pangalan kaya agad itong niyakap ni Heather at sinabi na, "magiging ayos din ang lahat. Hindi ka niya magagalaw. I am willing to sacrifice even my life just for you." Iniabot ni Jester muli sa akin ang cellphone ko at sinabi na sagutin ko raw ito at iloudspeaker para madinig naming lahat kung ano ang nais nitong sabihin. Sinabi din nito na tutulungan niya ako sa kung ano ang dapat isagot sa mga sasabihin ni Veron.

Agad kong kinuha ang cellphone ko kay Jester, iniloudspeaker at saka ito sinagot.

"Hello" Simple kong sagot. "What took you to answer so long? Are you busy dating your boyfriend?"

Nagkatitigan lang kami ni Jester sa sinabi nito. "I am just kidding. Hindi ka na nagsalita diyan." Sabi ni Veron sa kabilang linya at tumawa din ito ng bahagya. "I have a plan paano natin mas mapapadali ang pagpapahiwalay kay Heather at Rian." Bumakas ang pagiging seryoso ni Veron sa kabilang linya.

"Ano naman iyon?" Tipid kong sagot. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan si Veron bago ito muling sumagot. "Papuntahin mo sila sa address na ibibigay ko sa iyo. Itetext ko sayo kung saan at anong oras. Palabasin mo na magkakaroon kayo ng get together. Masyado na akong naiinip. Ang tagal naman nila maghiwalay, matatapos na ang 100 days. Pagkatapos mo silang dalhin doon ay agad mo rin silang iwan at ako na ang bahala sa kanilang dalawa." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad nitong binaba ang tawag.

Nagkaroon ng konting katahimikan ang sala ng oras na iyon na tila ba nag-iisip ang lahat sa kung anong hakbang ang dapat gawin.

Kailangan ng matapos ang gulong ito. Kaso ano naman kaya ang dapat naming gawin? Kung hindi lang sana ako pumayag sa nais ni Veron at kung inalam ko muna sana ang totoong nangyare hindi na sana aabot pa sa ganito. Saad ng mga munting tinig sa utak ko.

Naramdaman ko ang pagtunong ng cellphone ko sabay ng pagsasalita ni Jayson. "May naisip na ako na dapat nating gawin--" Ngunit hindi nito natuloy ang nais sabihin dahil narinig nitong tumunog cellphone ko. Agad kong tinignan kung ano ang nilalaman ng text message na iyon. "Ano sabi ni Veron?" Agad na pagtatanong ni Heather.

"Tinext na ni Veron ang address at kung anong oras dapat makipagkita sa kanya. Sabi niya sa lugar kung saan daw dapat aamin noon si Veron kay Rian bandang 7:00 ng gabi mamaya. Ano na plano nating gawin?"

Hindi ba parang ang bilis naman? Mamaya agad? Papaano kami makakapag-isip ng plano. Sabi ng isipan ko.

"Ako na ang bahala sa anak ko." Sabi ng isang boses na kapapasok lang sa sala. "Ma. Ano po ginagawa niyo rito?" Gulat na pagtatanong ni Austin sa kanyang ina. "Gusto ko na matapos kung ano man ang balak ng anak ko. Gusto ko na maging maayos ang lahat. Tutulungan ko kayo."

Mukhang naging estatwa kami sa nadinig. Hindi namin malaman kung nagsasabi ba ng totoo ang ina ni Austin o sadyang may binabalak itong masama. Mukhang nahalata ng ina ni Austin ang mga naging itsura namin kaya agad itong lumapit kay Rian at hinawakan ang kamay nito. Bakas sa mukha ni Rian ang pagkagulat sa ginawa ng ginang. "Patawarin mo kami Rian kung naging masama man kami sa iyo noon. Gusto lang sana namin na maging masaya ang anak namin. Ganoon naman talaga diba kapag may anak ka? Gusto mo makitang masaya ang anak mo kaya kahit ano pa ang gusto nito ay agad mong ibibigay. Naging makasarili ako noon, mas inisip ko sariling kaligayahan ng anak ko. Hindi ko manlang inisip kung ano ang nararamdaman mo o kung sino ba talaga ang mahal mo. Oo, totoo nga ang kasunduang iyon na ikakasal ang mga magiging apo ng lolo ni Veron at apo ng lolo mo kaya naisip namin na ipagpatuloy ang kasunduan ngunit tutol ang mga magulang mo. Sinabi nila na hindi sila papayag na ikasal ka kay Veron dahil hindi mo naman iyon mahal at dahil doon sumama ang loob ko sa magulang mo. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Veron kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag hindi kita napapayag. Hanggang sa nalaman ko nga na naaksidente nga si Veron at magulang mo ang sinisi ko sa nangyare, matagal ko na ring alam na buhay si Veron at sa kung saan ito naglalagi. Simula noong araw na naaksidente ito at nakita na masaya ka sa piling ni Heather ay nag-iba na ang ugali nito. Ilang beses ko na rin itong pinipigilan sa kanyang mga balak pero hindi na ito nakikinig pa sa akin. Kaya ngayon, itatama ko na ang mga dapat itama na hindi ko nagawa noon. At kung tungkol naman sa aksidente ni Veron, hindi ako galit sa mga magulang mo. Naiinitindihan ko sila. Nagkausap na kami na aayusin na ang gulong ito."

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon