OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 34: Last Date With You"I don't care that I don't have you right now, because I have a whole faith tjat we are meant to be together."
- Anonymous
Heather Alexander Morone's POV100th day. Sa tuwing iniisip ko iyon, kurot sa aking puso nararamdaman ko pero hindi dapat iyon ang manaig. Hindi ko dapat sayangin ang huking araw na ito upang makapiling si Rian. I need to save the best for last sabi nga.
Siniguro ko na maaga ako magigising ngayon kaya eksaktong 6:00 palang ng umaga ay gising na ako. Napansin ni mommy na ang aga kong nagising dahil nagulat pa ito ng nakita ako na papalabas na ako ng kuwarto ng nakagayak ng nakasalubong ko ito, marahil ay gigisingin ako nito. "Saan naman ang punta mo anak? Wala pang alas siete ng umaga at gayak na gayak ka?" Direktang pagtatanong nito habang nakatingin sa suot ko na blue na long sleeves na tinernohan ng itim na slacks at sapatos. "Magkikita kami ni Rian ngayon."
"Ngayon?" Pag-uulit nito. "Opo ma." Nakangiting saad ko dito. "Hindi ko aakalain na iisa lang pala taste niyo ng kuya mo sa babae. Alam mo naman nagustuhan siya ni Heather ng nabubuhay pa ito." Umiling iling na lang ako sa nadinig. "Ay mali pala. Ikaw nga pala si Heather ngayon. Pasensya na anak. Osha kumain ka na andon na ang pagkain sa lamesa, tatawagin ko na lang Papa mo dahil gising ka na." Sabi nito saka nagpunta sa silid nila.
Hindi nga pala alam ni mommy na may limit ang oras ko sa katawan ni Diether dahil napagkasunduan namin ni Diether na huwag ng sabihin na 100 araw lang ako sa katawang ito. Ang alam kasi nila, hinihiram ko ang katawan ni Diether sa tuwing nakikipagkita ako kay Rian.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Nagtaka pa ang mga ito dahil niyakap ko sila na hindi ko naman palaging ginagawa. Ito na ang huling beses na mayayakap ko kayo. Mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko ginawa. "Wala lang gusto ko lang." Casual ko lang na sagot at nginitian ang mga ito at saka ako tuluyan ng umalis ng bahay dala dala ang sasakyan.
Bandang alas otso ng umaga ay dumating na ako sa kanila dala dala ang isang bouquet ng rosas. Agad akong pinapasok ng kasambahay nila ng nakita ako nitong bumaba ng sasakyan marahil ay kilala na ako ng mga ito. "Tatawagin ko lang si Ma'am. Maghintay lang po kayo saglit." Inayos ayos ko ang itsura ko saka ako umupo sa may sala habang ang kasambahay naman nila ay agad na umakyat upang tawagin si Rian. Ilang minuto ang lumipas ng bumaba muli ang kasambahay at may dala dala itong papel. "Wala po si Ma'am Rian sa silid nito pero may nakita akong sulat sa may kama nito at nakapangalan po sa inyo." Sabay abot nito ng papel.
Ramdam ko ang kaba ng oras na iyon dahil ito na ang huling araw ko sa mundo tapos mawawala pa ng biglaan si Rian.
Agad kong binuksan ang sulat na iniabot ni manang.
Dear Heather Alexander Morone,
Hi! I may sound irrational at the moment pero sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginawa at sana basahin mo muna maigi ang sulat na ito.
Una sa lahat, kanina pa ako umalis ng bahay. Alam ko na susunduin mo ako ng eksaktong alas otso ng umaga kaya naisipan ko na umalis ng mas maaga. Sinabihan ko na si manang na papasukin ka sa oras na matanaw ka na nito sa labas ng bahay at bago ka pa man din magdoorbell. Alam din ni manang na umalis ako kanina pa, sinabihan ko ito sa kung ano ang dapat nitong sabihin sa iyo at binilin ko na rin na iabot niya sa iyo ang sulat na ito. Sana ay huwag kang magalit kay manang sa ginawa ko.
Pangalawa, alam ko na ito na ang huling araw na magkasama tayo sa mundong ito bilang ang totoong ikaw pero hindi ako payag na basta basta ka na lang umalis ng ganoon lang. Narealize ko na ang suwerte ko pala sa iyo dahil ikaw iyong tipo ng lalaki na lahat ng katangiang hinahanap ng babae ay nasasaiyo. Alam ko nagdududa ka na kung bakit ako sumulat sa iyo ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/72528085-288-k222012.jpg)
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
RomanceIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...