OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
Chapter 29: The Old Promise
"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be."
- Dear John (Nicholas Sparks)
Angelie Marrianne Menova's POVMaagang natapos ang party, ngunit yung mga nalaman namin ay mukhang masyado ng late.
"Anak bakit ganyan ang mukha mo?" Pag-aalalang tanong sakin ng aking ina. "Nasan ba si Heather?" Magsasalita na sana ako pero bigla uli itong nagsalita. "Nag-away ba kayo?"
Umiling iling lang ako. Kasabay ng pagpatak ng luha na kanina ko pa pinipigilan. "Bakit anak? Ano ba naging problema?" Napansin ko na naging katabi ko na si kuya at agad akong niyakap nito. "Rian? Huwag ka na umiyak ano ba naging problema? Sabihin mo sa akin, ako bahala kay Heather." Pag-aalo nito sa akin.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at agad hinarap ang aking ina. "Ma, paano mo nagawa iyon?" Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa mga sinabi ko. "Saan anak?"
"Kayo ba ang dahilan ng aksidente ni Karl Veron Andromeda?" Paluha kong sambit. Bakas sa mukha ng aking ina ang pagkagulat. "An-ano ang ibig mong sabihin anak?"
"Ma ano ba ang totoo? Kayo nga ba?" Hagulgol kong sabi na ramdam ko na ang panghihina ng aking tuhod. Naramdaman ko na lang ang isa pang kamay na nakahawak sa aking likuran. "Shh." Pag-aalo ng lalaking nasa likuran ko.
"Oo totoo mga nalaman mo Rian." Sagot ng isang ginang na kakapasok lang sa pintuan. "Hindi lang magulang mo ang may kasalanan, pati kami." Pagpapatuloy ng ginang.
"Tita?"
"Ma?"
Magkasabay naming bigkas ni Heather. "Ano ang ibig niyong sabihin?" Pagtatakang tanong ni Heather. Marahang tumingin ang ina ni Heather sa aking ina at tumango ito.
"Paano niyo po nagawa iyon? Hindi naman kayo masasamang tao?" Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa aking mata. Naramdaman ko na binitawan na ako ni kuya sa kanyang pagkakahawak at hinayaan na lang kay Heather ako humawak bilang suporta.
Nang mahimasmasan ako sa aking pag-iyak ay agad hinawakan ni Tita Jen ang aking kamay. "Ikukuwento namin sa inyo ang lahat kung bakit namin nagawa ang lahat ng iyon."
"Hindi pa kayo pinapanganak ng panahong iyon. Magkakaibigan na kami ng mga magulang mo Rian. Magkakabata ba kumbaga. Napag-usapan namin na ang mga anak namin ay aming ipapakasal, pero iyon lamang ay aming plano dahil naniniwala kami na kung para ba sa isa't isa ang mga anak namin ay matatagpuan nila ang isa't isa. Hindi ako nagpapakita sa iyo Rian, dahil ayoko malaman mo na magkaibigan kami ng magulang mo. Ayaw ko ng conflict sa pagitan niyo ni Heather. Lagi lang kami nakasubaybay sa inyong dalawa." Natigilan sa pagkukuwento ang ina ni Heather upang dahilan naman na ang aking ina ang magpatuloy ng pagkukuwento.
"Natagpuan namin ang isang diary ng iyong lolo at ito ay aming binasa. Napag-alaman namin na nagkasundo pala ang lolo ni Karl at lolo mo na ipakasal ang kanilang mga apo. Dahil nga walang babae sa kanila at puro sila lalaki kaya ikaw lang ang pupuwedeng magpatuloy ng kasunduan. Hindi na namin iyon sinabi sa iyo anak Rian, para hindi na magulo pa ang relasyon niyo ni Heather. Alam ko kung gaano mo kamahal si Heather at ganoon din siya sa iyo." Hinawakan ng aking ina ang aking kamay bago nito pinagpatuloy ang pagkukuwento.
"Dumating dito ang magulang ni Veron noong minsan nasa paaralan ka. Gusto nila ituloy ang napagkasunduang kasal. Nagkataon na ang anak nila na si Veron ay may gusto din sa iyo kaya desidido ang mga ito na ipagtuloy ang kasal. Tutol kami ng iyong ama Rian dahil ayaw namin na ikasal ka sa isang lalaki na hindi mo naman mahal. Gusto namin na ipakasal ka lamang sa taong tinitibok ng iyong puso at naniniwala kami na si Heather lang iyon. Pinagbantaan kami ng magulang ni Veron na gagawa ito ng paraan upang maudlot lamang ang pag-iibigan niyo ni Heather." Humingang malalim ang aking ina at tila ba nalulungkot sa mga nangyare.
Nagulat kami ng biglang nagsalita ang ina ni Heather, "Oo mga anak, kami ang may kasalanan ng aksidente ni Veron pero siniguro namin na makakalabas ito ng sasakyan bago pa man sumabog ang sinasakyan nito."
"Ano ho ibig niyong sabihin?" Sabay at litong lito na pagtatanong namin ni Heather.
"Noong gabi na nagtapat sa iyo si Heather, may binabalak na masama ang magulang ni Veron sa iyo Rian. Kung hindi ka daw mapapasakamay ng anak nila mas mabuti pa raw na mawala ka nalang sa mundo. Kaya napagdesisyunan namin na unahan nalang sila. Nagpalagay kami ng pekeng bomba na may totoong timer na nakakabit doon at isang totoong bomba sa may gilid ng backseat pero ito ay sasabog lamang sa oras na mapindot ang remote nito. May nakasunod na lalako sa bawat kilos ni Veron upang masiguro sa oras na mapindot ang remote ng bomba ay hindi ito mamamatay. Naisipan namin na gawing fake ang pagkakamatay nito upang takutin ang mga magulang ni Veron na kung kaya niya kayong saktan ay mas kaya namin silang unahan. Matagal na rin naming alam na buhay talaga si Veron at lagi lang ito nakamasid sa inyo. Kumukuha lang ito ng tamang tiyempo upang makalapit at makapaghiganti. Alam din namin na ang magulang nito ay labis ang galit sa amin matapos ng aksidente. Kaya ang nakita niyong recorder ay totoo ang pag-uusap na iyon."
Biglang sumagi sa isipan ko ang recorder na kung saan nakarecord ang pag-uusap ng aking ina at ina ni Heather na kung saan sila ang sinisi nito sa naging aksidente ni Veron.
"Mahal na mahal kita anak. Alam mo iyan. Lahat gagawin ko upang maging maligaya ka lang. Hindi ako papayag na may hahadlang ng pag-iibigan niyo ni Heather. Oo, hindi talaga namin kayo pinagtagpo matapos ang naging aksidente niyo dahil naniniwala kami na kung kayo nga ang nakatadhana ay muli kayong pagtatapuin upang ang naudlot niyong pag-iibigan ay madugtungan." Agad kong kinalong ang aking sarili sa isang mahigpit na yakap ng aking ina. Nararamdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Anak umiiyak ka ba?" Pagbibiro ng nito. Marahang hinahagod nito ang aking likuran upang dahilan na lalo akong mapaiyak. "Ma naman!" Pagsisita ko dito. Agad akong kumalas sa bisig nito at pinunasan ang aking luha.
"Galit ba kayo sa amin mga anak?" Pagtatanong ni Tita Jen, ang ina ni Heather. "Siguro po sa parte lang na gusto niyong takutin ang pamilya nila Veron pero naiintindihan na po namin kayo. Ganyan niyo lang po siguro kami kamahal kaya lahat gagawin niyo para sa amin ni Heather." Agad kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Heather at kanya naman itong pinisil pisil.
"Paano na po ang gagawin natin ngayon? Nagpaparamdam na muli si Veron." Pag-aalalang tanong ni Heather. "Kailangan lang natin itama ang lahat ng naging mali ng nakaraan." Simpleng sagot ni Tita Jen.
"Paano Ma?" Pagtatanong ni Heather at bakas ang pagkunot noo nito.
"Hulihin natin ito kapag nagpakita muli ito sa inyo. Sisiguraduhin natin na sa oras na bigla itong magpapakita sa inyo at may nakabantay sa inyo para mas mapadali ang paghuhuli natin dito."
Biglang sumulpot sa aking mga alaala ang 100 days na dare ko kay Kianna.
"Hub?"
"Hmm?"
"Naalala mo iyong 100 days na dare na pinag-usapa natin dati na ikaw ang nag-utos kay Kianna?"
"Oo bakit wifey?" Simpleng sagot nito habang nilalagay ang mga buhok sa likod ng aking tainga na nakaharang sa aking mukha.
"Diba hindi na iyon tuloy? Tapos na iyon?"
Tumango lang ito. Tanda ng pagsang-ayon nito. "Bakit sabi ni Kianna tuloy parin iyon? Sinabi rin niya na hindi ako pupuwedeng mainlove sa iyo at hindi daw tayo ang nababagay sa isa't isa?"
"Ano pa ba ang sinabi niya sa iyo?"
"Wala na iyon lang. Ang base sa aking naalala nasa 10 araw na lang ang mayroon ako upang ipahpatuloy ang nasabing dare."
Labis ang naging pagtataka ko sa mga kinikilos ni Kianna. Ano kaya ang dahilan kung bakit ako pilit na nilalayo nito kay Heather? Ano ang nalalaman mo Kianna na hindi namin nalalaman? Ano ba ang iyong tinatago?
BINABASA MO ANG
Operation: 100 Days With Him
Storie d'amoreIsang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila ngunit mayroon lamang na isang daang araw upang magkasama. Magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? o sadyang pinagtagpo pero hindi iti...