OOHDWH CHAPTER 12

1.6K 137 13
                                    


OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 12: Love Me Not

"In the name of love, risks are just nothing."

- Jayson Matthew Esguerra

Angelie Marrianne Menova's POV

"No! No! Please. Save him. Do everything you can just to save him. Please." Here I am standing in front of the operating room. Crying out loud.

"Everything will be okay, Rian. Heather will be okay. Huh?" Pag-aalo ng isang babae. Mas lalu pang bumilis ang tibok ng puso ko, sa bawat minuto at segundong lumilipas, mas lalung nananaig ang takot na baka hindi na siya tuluyan pang magising.

Hindi na ako mapakali at napagdesisyunan ko na umalis na lang muna doon at tumungo sa may kapilya dito sa may ospital para magdasal at humingi ng patnubay ng ating Panginoon.

"Lord, please. Wag niyo po munang kunin si Heather. Bata pa po siya, marami pa po kaming mga pangarap na siyang aming tutuparin na magkasama. Lord please gisingin niyo na po si Heather. Mahal na mahal ko po siya." Pagkara'ay mas lalung tumulo ang luha ko.

Pagkabalik ko sa may malapit sa operating room kung saan naghihintay ang magulang ni Heather, may lumabas na isang doktor mula sa loob.

"Sino po dito ang kamag-anak ni Mr. Heather Morone?" Pagtatanong ng doktor.

"Kami ho." Sagot ng mommy ni Heather.

"Misis, sorry to say this pero kelangan niyo iready ang inyong mga sarili at baka hindi na siya tuluyan pang magising. Maraming dugo ang nawala sa kanya at sa kasalukuyan ay kritikal ang lagay niya. Maraming galos din siya sa katawan gawa ng pagkakasalpok. Prepare yourselves. Aasahan niyo gagawin namin ang lahat para sa pasyente. Magdasal lang ho tayo."

Muling umagos ang iyakan sa hallway. Ang luha ko na simula kanina pa ay hindi nawala ay mas lalung tumulo.

"No. Heather. Please. Hold on. You can't leave me alone." Sambit ko.

Lumipas na ang mahigit tatlong oras ngunit wala pa rin kaming balita sa kung ano ang lagay ni Heather. Tuwing may lumalabas na doktor ay sinasabi nito na magdasal lang kami at manalig.

Halos di na ako mapakali sa kinaaupuan ko ng biglang lumabas ang isang doktor at lumapit sa amin. "Ano ho gusto niyo unang madinig, good news or bad news?" Pagtatanong ng doktor sa amin.

Nagkatinginan kami ng isang babae, "Good news ho muna dok." simpleng sagot ng mommy ni Heather at bakas pa rin ang pangamba sa itsura nito.

"Ligtas na ho ang pasyente, maaari niyo na siyang puntahan." Bumakas nag ngiti sa labi namin ng ibalita iyon ng doktor.

"Ano ho yung bad news?" Biglang napalitan ng mapapait na ngiti ang mga labi namin.

"He is comatose." Napasinghal ako sa nadinig ko. "A-ano ho?" Pagtatanong ko muli. Tama ba nadinig ko? Comatose?

"Pasensya na ho. Under comatose ho ang pasyente. Hindi namin alam kung kelan siya magigising. Patuloy lamang tayo magdasal para magising na siya." Pagkabalita ng doktor, muling gumuho ang mundo ko at napaupo sa upuan. "Asan ho siya?" Pagtatanong muli ng mommy niya. "Nasa Internal Care Unit (ICU)."

Kumaripas ako ng takbo papuntang Intensive Care Unit (ICU). Nakita ko si Heather nakahiga, may benda sa may ulo, nakabraces ang leeg at nakacast ang kanyang kanang braso. May mga galos din sa kaliwang braso neto. Mas lalu tuloy akong naiyak sa aking nakita.

Operation: 100 Days With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon