Dedicated po ito sayo kasi you've voted for many chapters ng story na ito. Hope you've enjoyed reading. And thanks for supporting this story. :)
**********************
Akkira’s POV
K. Sabi ko naman kasi nung una na trip kong mag-janitress so, actually nasa mall ako ngayon. Imbis na mag-shopping, eh magtatrabaho ako at ang worst thing pa, eh ang pinaka-hate ko na place sa mall ang lilinisan ko which is the CR.
YUCK! Kaderder much, eeeeh!!!! NAMAAAN! But, of course, for the sake of myself, gagawin ko nalang. Haist!
Letche nga eh, pabalik-balik lang yung dumi kasi labas pasok rin naman yung mga tao… Nakakainis lang !! Kung pwede nga lang silang sigawan eh, nasigawan ko na sana kanina pa.
URRRRGH!! TOKWA talagaaaa!
Tapos may babaeng pumasok at di tumitingin kaya nadulas. HAAY! Tanga naman kasi eh, pakabait mode na nga lang muna…
“Naku! Miss! Sorry po, Di ko po sinasadya!”
“Ok lang. Ah, ano nga palang pangalan mo?”
“Akkira po. Sorry po talaga.”
“17 years old ka noh?”
“Ah. Opo.”
“Ooops! Magka-edad lang naman tayo so, wag ka nang mag-opo.”
“Sorry po ay! Este sorry Miss.”
“Ok lang. Ah, sige nagmamadali na kasi ako eh kaya, alis na ako. Sa susunod ah, mag-ingat ka na.”
“Sige Miss.”
NEK NEK MO! Ako pa pinag-sorry mo ah, eh ikaw naman yung ta-tanga tanga jan. ENGOT din. AKO, MAG-INGAT? Huh. Ako pa talaga, dapat siya pa nga yung mag-ingat kasi ang tanga niya.
Magaling na example yung babae sa pagiging TANGA! Alam niyo bang ang mga TANGA hindi marunong tumingin sa dinadaanan? Siya yun!
Kung wala lang talaga ako sa sitwasyon na’to, nakuuu! Na-pektusan ko na yun, eh.
Bait-baitan mode nalang tuloy ako ngayon. HMP!
Tapos, nabigla nalang ako nang bigla akong sugurin nina Jean at Qhim, mga pinsan ko ring may topak. As in haaa, hingal na hingal sila, para silang asong madungis.
“Oh? Problema niyong dalawa?”