Chapter 1-Meet the Mafia Girls

33.6K 429 40
                                    

Akkira’s POV

               

HAAAAAAY!! Putik na buhay naman oh! Hanggang kailan pa ba ako maninirahan sa lintik na squatter’s area na to?! Urgh! Ba’t ba kasi mas matigas pa ang ulo ng papa ko kesa sakin?!

May bahay naman kami, hindi basta bahay kundi mansion pero, bakit dito pa sa isang pipityuging bahay sa squatter’s area ako pinatira ng mahal kong papa?! Nababaliw na ata siya! Oh well, baliw naman kasi talaga siya. (-_-)

Miss ko na ang kama ko, mga closet ko, lahat ng kagamitan ko! Kailan pa ba matatapos tong pagdurusa ko?! Alam naman ata ni papa na kahit kailan di talaga ako matututo kahit pang 100th pa to na pagparusa niya sakin! Haaay! Masyado na akong kawawa. Sayang ang ganda ko, dati ang kinis kinis ko pero ngayon, naging kakulay ko na yung mga pulubi sa kanto. Letcheng parusa naman to oh!

Well, kung ang kundisyon rin naman ni papa ay makita niyang nagbago na ako at makakabalik nako sa bahay, edi magpapakabait nalang kunyari ako at kunyari nagsisipag-sipagan. Sa ngayon, trip kong maging janitress sa mall. Pansin ko rin naman kasi na palaging nakasunod sakin yung SPY ni papa. Tsss! Nagbigay ng SPY yung OBVIOUS pa! 2 months na akong ganito. Kawawa! Mabuti nga at summer pa, May pa ngayon pero, malapit na ang pasukan! Hindi ba nagiging INSANE ang papa ko?!

Kung napapansin niyo nga, kanina pa ako nagdadrama. Masyado kasing COMPLICATED ang BUKO, as in buhay ko!

Well, by the way, I’m Akkira Shanelle Collins Roquefort, anak ako ng baliw kong ama na MAFIA. Gets niyo naman siguro yung ibig sabihin ng MAFIA diba?? Kung asan ang mama ko, nandun lang naman sa opisina, nagtatrabaho, parang tanga. Psh! Kung andito kasi sana yung REAL mama ko di siguro ako mahahawa sa papa kong baliw. Tss! Yah! Roquefort nga pala apilyedo ko, ibig sabihin anak ako ng baliw kong ama na may-ari ng skwelahang walang kwenta.

BITTER ko noh? ‘di pa kasi ako kumakain, eh. Hindi naman ako marunong magluto, so, maglalakad muna ako at maghahanap ng karinderya at magtiyatiyaga sa walang kalasa-lasa nilang pagkain.

Mabait naman ako, eh! HONEST! Pero, sa mga pinsan, close friends ko lang. . HATE ko talaga ang papa ko, SUPER! Next century ko na ikukwento sa inyo. Basta, bahala na lang si author.

NBSB ako. Gusto kong mag-stay na Single kasi problema lang yang mga lalaki. Kapag siguro magkakaroon ako ng boyfriend, baka mahawa na naman sa papa ko, maging baliw. Maraming nagtatangkang manligaw sakin pero, BUSTED lahat, walang dala-dalawang isip. Naging manhater rin ata ako.

Sige, tama na muna tong kaka-story telling ko, kakain muna ako at baka mas uminit pa lalo ulo ko…

Jean’s POV

Hi sa inyo!! I’m Jeanelle Kristin Roquefort Magbanua. Jean’s my nickname, pero OTHERS, (yung mga others,sila yung FC, idol ako, Hate ako, at iba pang chever eclavush) used to call me Queen Elle.

Pinsan ko ang napaka-maldita na si Aki. Akkira name niya but, msaydong mukhang angelic so, Aki nalang, me ibig sabihin naman ako doon, A-ang K-kamalditang I-incredible. Cute noh? Ayoko naman sanang mag-aral sa school nila well, partly ours narin kasi, ang pangit! Pero, nung nasanay na ko, naging ok naman.

Clash of Mafias (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon