Chapter 39- The Real Clash

5.9K 102 4
                                    

Dinedicate ko sayo kasi naging friend narin kita and I like your story TALKDTT :) Yii! Haha!

--

Carll's POV

"Dude? Chill. Di ka namin maintindihan. Huninahon ka nga muna." ito kasing si Blake, bigla nalang kaming inistorbo. Taena! Nagrerelax pa nga kami ni Patrick kasi tumulong kami kala Kira para sa Christmas Party. 

"Chill?! Chill, ha?! O sige, dederetsuhin ko na. Sina Qhim, Akkira at Jean, na-kidnap. Hindi ko alam kung sino ang may pakana nito pero, ang tanging masasabi ko, kailangan natin silang puntahan at sugurin ang mga lintek na dumukot sa kanila!"

"Ano?!" sabay kaming napasigaw ni Patrick sa sinabi ni Blake. What the F! Na-kidnap sila?! Putcha! Dapat kasi hindi ko na siya hinahayaang mag-isa! Argh!

"Oo! Kailangan na nating tawagan sina Mr. Roquefort."

"Sige."

At mabilis naman na tinawagan ni Patrick si Mr. Roquefort. Nag-usap sila saglit at nang matapos na sila sa pag-uusap. Biglang nagbago ang kaninang nag-aalalang mukha ni Patrick.

 "Nasan daw sila?"  tanong ni Blake, na halatang hindi talaga mapakali.

"Bullsh*t!" biglang mura ni Patrick.

"Ano ba Patrick! Asan na sina Qhim?! Ha?! Sagutin mo ako!" Bwisit! Hindi ko na ma-gets tong dalawa. Imbis na mag-alala ako kay Kira, naiirita pa ako sa dalawang to. Tss. Ang iingay. Peste!

"Bwisit! Na kala Mr. Roquefort sila."  Mas lalo tuloy naging magulo ang sitwasyon. Paano nangyari yun? At teka, ba't yung sarili ko lang ang tinatanong ko? Argh! Tss.

"P-paanong ? Eh, nakita mismo ng dalawa kong mga mata! Dinukot sila nung mga letcheng mukhang unggoy na ewan at ipinasok sa van! Kung sina Mr. Roquefort yun, dapat mas maayos naman ang pagmumukha nung dumukot!" Pagdedepensa naman ni Blake. Sabagay, tama naman siya.

"Sabi nang na kala Mr. Roquefort sila, eh!"

"Takte! So, anong pinapalabas mo ngayon, ha?! AMALAYER?! AMALAYER?! The eff! Ba't nahawa ako dun sa Amalayer Girl na pina-MMK? Letche, ang bading! Putcha!"

Nagkatinginan kami ni Patrick at pareho kaming napahagalpak ng tawa. Putcha lang talaga, oh! AMALAYER daw? What the! Hahahahaha!!!

Clash of Mafias (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon