Qhim’s POV
Matapos ang araw ng pagmulat ko ng aking mga mata na totoo pala talaga ang nangyari, eh, aaminin kong mas naging close kami ni Blake.
Palagi rin lang kasi kaming dalawa naiiwan sa bahay. Si Jean at Aki, nagkasundo na, gamit ang INSTRUMENT ng LIBRENG SHOPPING kaya nung Thursday to Friday na walang pasok, gumora na sila.
Si Carll, mahilig mag-isa eh, sabi niya doon lang daw siya sa may garden at magsa-sound trip. Si Patrick naman, may aasikasuhin lang daw siya, as if I care naman kung ano yun!
Eh ako, mas trip kong dito lang sa bahay at manuod ng SpongeBob, ankyooot kasi, eh! *0*
Si Blake naman, hindi na muna raw siya mambababae kasi baka raw kung anong isipin ng ibang people. O.A niya!
Nang natapos na ang palabas ni SpongeBob, tss, si Dora the Negrang Gala na naman pala. Ayokong manuod niyan, nilipat ko sa channel 3 at saktong-sakto, favorite ko ang palabas!!
SA NGALAN NG KAPANGYARIHAN NG BUWAN, PARURUSAHAN KITA!
~Sailormoon ^_^
Nakakatuwa pa naman yun panoorin tapos, akmang gagayahin ko na sana si sailormoon nang sumingit ulit si Blake. -____-
“Oi! Para kang tanga jan! Halika nga dito at pagkakasunduan natin yung tungkol sa relationship natin.”
“DUH! Kailangan pa ba niyan! Anong silbi niyan?!”
“DUUH ka din! Nabasa ko rin kasi na madalas na gumagawa ng contract yung mga taong napilitan lang, yung tulad satin na KUNWARI lang na may relasyon.”
“Tssss. NABASA MO?? Teka nga, saan ka ba natututo niyang mga ganyan. You look stupid.”
“Palibhasa kasi, hindi ka nagbabasa.”
“And for what? Anong saysay niyan sa buhay ko. Pwede namang hindi na natin gawin yang contract na yan, don’t worry, sasabihin ko sa lahat ng students next Monday na BREAK NA TAYO. Simple as that.”
“Ang Engot mo talaga!!”
“HA-HA-HA!! Engot your face! Kung ENGOT ako, ang EPAL mo! Epal mo sa life ko, actually namin! Dami mo kasing scene na EPAL ka, most of it nakiki-EPAL ka talaga!”
“Alam ko naman kasing EPAL ako, Enthustiastic na Pogi at Angelic na Lalaki! Gets mo yun?”
“Tch! Are you kidding me?”