Jean’s POV
Kung di ko man nasasabi sa inyo magaling ako sa sport na golf. Dahil balak kong mag-cool off, pupunta muna ako doon sa park kung saan pwede akong maglaro ng golf eh, pagpunta ko doon, nandun din pala si Carll. Tch! Naunahan ako nung ugok na yun. Naging kalaban ko rin kasi siya noon sa larong golf at natalo niya ako, kaya ngayon, papatunayan ko sa kanya na matatalo ko rin siya!! >:(
“Oh? No gawa mo dito?”
“Duh! Obvious bang maglalaro! Kung natalo mo ko noon, pwes di na ngayon!"
“Tss. Mga babae, kapag nagpapapansin, kahit ano ano nalang ginagawa. Umamin ka nga, may gusto ka sakin noh?!”
“HOOY! Ang feeling mo rin noh! NEVER akong magkakagusto sa’yo noh! Ugali mo palang! Sus! ANLAYO mo sa STANDARDS ng DREAM BOY KO! ASA KA!”
“Hahaha! Alam ko!”
“Mabuti naman.”
“Alam ko na nagmamaang-maangan ka lang! tch! Patunayan mo yan sakin. Kapag natalo mo ko, wala talaga pero kapag tinalo kita, edi-“
“Ba’t ba lagi mo ring iniinsist yung bagay na wala namang katotohanan?! Ikaw siguro yung may gusto sakin noh?!”
“ABA! Sa katulad mo?! NAMAN! Kahiya-hiya naman kung ikaw pa ang magustuhan ko, noh! EWW!”
“HA-HA-HA! Nakakatawa! Mas magugustuhan ko pa yung ugok mong barkadang si Patrick kesa naman sa’yo noh! FEELER! YYYUUUUCK!”
Aalis na sana ako nang hatakin niya ako. Problema netong taong ‘to?
“Hmp! Ngayon lang ako makikipag-usap ng matino at mahinahon sa isang babae kaya sa tingin ko ang swerte mo. So, payag ka ba sa deal ko? GOLF tayo maaaring manalo ka but if you quit, talo ka with consequence pa.”
“Huh! Ako pa ang hinamon mo! O ba! Kapag ako nanalo may consequence ka din. BELAAAT!”
“Huwag kang kampante Jeanelle, di mo alam ang mga techniques ko. Hm.”
“Oh ano! Simulan na natin?”
“Sige ba.”
At nagsimula na nga kaming maglaro, at sa unang game, ako yung highest pero sa pangalawa, siya na naman hanggang sa pangatlo, kailangan kong ipanalo ang pang-apat para wala akong consequence pero, wala eh, talo! Huhuhuhuhhuh!!!
“Oh, pano ba yan! Talo ka. Sabi ko naman sa’yo huwag kang makampante, eh. Pro tong kalaban mo."
“Tss. Nagyabang pa. Sige na, ano bang iuutos mo sakin?”
“Magiging slave kita ng isang linggo.”
“ANOOOO?! 0_0”
“Ayaw mo?”
“B-bakit naman ganyan pa ang mga gusto mong consequence, pwede namang iba nalang ah.”
“Wala kang magagawa, di mo ako natalo kaya, sorry ka nalang. Kaya simula bukas, SLAVE na kita. ^_^” (sinabi niya yan ng malapit sa mukha ko. Eng eng lang.)
“Saya saya mo pa noh! Huwag kang mag-aalala, magiging mabait akong slave! Makikita mo!”
“Sige! Sana nga magpakabait ka. (evil grin)”
Ano bang problema ng lalaking yun at napapagtripan ako? Nakakatakot siya aah. Parang me gagawin siyang masama. NAMAAAN! Ba’t ba kasi antapang ko masyado! HAIST!
Good luck nalang sakin bukas. :3
-------------
Good luck talaga sayo Jean.
Patrick Richmond Sarmiento Dizon on the media.