Fin

7.1K 127 16
                                    

Dahil likas na tamad po ako, ginawa ko na pong ending agad. Epilogue pa po sana ito kaso, wala na akong ibang maisip na ilagay sa Chapter 40. Kaya sana, maging okay lang. Maraming salamat sa nagbabasa nito at yung chapters na walang dedics, saka ko na lalagyan kapag na-review ko na yung mga may nakaka overwhelm na comments at yung binaha na ng votes yung notif ko dahil dito. Thank you so much sa support at yeeeey!!! Umabot sa 20k reads bago pa siya mag-ending. Sobrang laking achievement ko na po yun. And lastly, mage-edit naman po ako ng iilang chaps if ever magka-oras ako. So yun lang. :D

P.S Dedicated nga pala sayo kasi nag post ka pa sa message board ko na bilib ka sa storya ko. Char! Sobrang saya ko dahil don. Salamat! :D

-----

Akkira's POV

Makalipas ang Limang taon.

Oo, limang taon na ang nakalilipas simula ng mawala si Carll. Ang tagal na din pala. Akala ko, hindi siya bibitiw. Akala ko lang pala yun.

Malungkot man pero, hindi lang rin naman ako yung naiwanan. Kasi maging si Jean, iniwan rin ng lalaking mahal niya. Pareho kaming umasa na hindi nila kami iiwanan, na ipagpapatuloy pa namin yung dapat na pinaplano namin, pero wala eh. Kinuha na sila.

Si Qhim, kahit na buhay naman si Blake, hindi parin sila nagtagal. Hindi nila nakayanan ang LDR o Long Distance Relationship. Sa Taiwan na kasi nag-aral si Blake ng college. Wala pa kaming balita sa kanya, ang alam lang namin, grumaduate na siya at siya na ang namamalakad sa isa nilang kumpanya.

Kaming tatlong mag-pipinsan. Hindi TRES MARIAS, kundi TRES MALDITAS, ay pawang umaasa na magkakaroon kami ng HAPPY ENDING. Kahit naman mga maldita kami, umaasa parin naman kami na makakahanap kami ng lalaking makakasama namin habambuhay. Paano naman kami magkakaroon ng Happy Ending, eh kami ni Jean, wala na. Walang pag-asa. Si Qhim naman, paano siya makakahanap ng Happy Ending, eh wala nga siyang balita sa taong mahal niya.

Sa ngayon, sobrang relieved ako kasi medyo naayos na din yung problema ko. Ifa-flashback ko nalang kasi maganda ako. Hmp!

F L A S H B A C K

Nasa loob ako ng ospital at iniintay kong matapos ang kung ano mang ginagawa sa loob ng ER kay Carll. Grabeng kaba ang nararamdaman ko nung nabaril siya. Ang sakit sakit makitang duguan ang lalaking mahal ko.

Si Jean, nasa kabilang ER din, nasaksak kasi si Patrick. Pareho kami. Pareho kaming halos atakihin na sa puso dahil sa sobrang kaba at takot na argh! Mixed emotions! Hindi ko na mapigilang umiyak. Sobrang tindi, eh.

Si Blake at Qhim naman, ayos lang sila. Bumili muna sila ng makakain namin dahil kanina lang rin kami naghihintay.

Hindi lang si Carll ang inaalala ko. Pati narin yung pamilya niya. Alam kong kahit na may pagka masungit at nakakairita yun, mahal na mahal parin siya ng mga magulang niya. Pati narin ng mga kapatid niya. Sigurado akong sisisihin nila ako sa nangyari kay Carll. Kasalanan ko ang lahat. Kung bakit ko pa kasi siya tinawag, eh. Nabubwisit ako lalo sa sarili ko. Dapat ako nalang yung nandon sa loob. Dapat..

Clash of Mafias (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon