Blake’s POV
“Hi there sweet cheeks! Hello my dear! Hi Sexy! Oh! Hello Red lips!”
“Hi Baby!”
“Hello Babe!”
“Hi! Darling!”
“Hello! Wanna have fun? RAWR!”
Ang pinaka-gwapo sa balat ng universe! I’m Blake, Blake Anthony Davis Richardson. Anak ng isang Mafia. Sikat na playboy sa iba’t ibang bar at skwelahan. Tatak ASTIG, POGI, COOL, MACHO, MATALINO, MAYAMAN, at HABULIN NG MGA BABAE. Yan ako, masunurin naman akong bata eh, hindi na nga ako kailangang pilitin ng papa ko na mag-aral sa Roquefort High, Mabuti na nga lang at kasama ko ang dalawa ko pang kabarkada na sina Carll at Patrick. Sila nang bahalang magpakilala sa mga life nila, basta ako, kilala niyo na.
Ako yung tipong ISANG SALITA lang. Kapag sinabi kong AYOKO, ayoko talaga, walang makakapalag. PLAYBOY ako, pero hindi ako nag-aaya ng s*x, kiss lang, di ko na kasalanan kung di ko type yung mga mukha nila, FIRST LOVE ko, ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa love. Para sakin ginagaawa ka lang ng love na TANGA!
Bait ko noh, choosy kasi ako, mabait ang mom ko but, partly si dad, nahawa lang kasi talaga ako sa mga barkada kong maging playboy. Hmm.
Ang papa ko, masyadong busy sa negosyo pero lahat ng gusto ko binibigay niya, lahat ng uso meron ako, kaso di naman yun ang hinahanap ko eh, ang O.A lang kung sasabihin ko pa by WORD noh! Si mama naman, nabuntis siya sa kasamahan niya sa trabaho kaya busy sa pag-aalaga sa half-brother ko, hindi yun alam ni papa pero ang nasa isip ni papa anak niya parin yun kaya ok lang din.
Hindi naman masyadong MAGULO ang buhay ko kasi mabait naman akong anak, di ko yun ipagkakaila. Masaya na ako sa buhay ko pero, parating may kulang, kulang ako ng babaeng masasabi kong first and last girl na mamahalin ko, CHEESY syado noh. Sige, it’s Carll’s turn.
Carll’s POV
“BLAH. BLAH. BLAH. BLAH. BLAH. BLAH. BLAH. BLAH!!SHASJWSDMCJDHDWHVCHHVJUFEBFJHSBVCHCVDDFUV!”
“P*TA!!! Ba’t ang ingay ingay niyo?!! Para kayong nasa sabungan!! Pwede bang tumahimik kayo?! Tss.”
Tumahimik sandali pero, kahit mahina lang, marami namang nagsasalita na mas lalong nakakairitang pakinggan.
“Kahit mahina lang yang mga boses niyo, nakakairita paring pakinggan! Mga walang modo! Lumabas nga kayo sa kwarto ko!! May mga kwarto naman kayo! Doon kayo mag-ingay! Bwisit!”
Nasa kwarto ko kasi silang lahat. Yung dalwa kong mga nakakabatang kapatid, ate at kuya ko na may kaniya-kaniyang kausap sa telepono nila. Letche lang kasi eh, may mga kwarto naman sila, dito pa sila sa kwarto ko nagsiksikan.
May bisita kasi sina mama, para sa negosyo nila, nandun sila sa sala kaya nandito kaming lahat sa taas. Eh, sa ingay ba naman nila, tiyak na maririnig parin. Bakit sila nasa kwarto ko? Aba! Malay ko! May mga topak lang sila, nagandahan sa kwarto ko.