Jean's POV
Langya 'to si Qhim! Iniwanan ba naman ako!
Ang tanging sabi niya sakin .. MATAPOS MAKITA SINA KAREN AT BLAKE eh, pupunta muna daw siya sa Clinic.
Tse! Arte arte eh, di nalang umamin na NAGSESELOS siya. May pa sabi-sabi pang "Parang may mali dito sa puso ko, eh. Pa-check-up muna ako, ha."
SUUUS! Tokneneng talaga tong babaeng yun!
Habang naglalakad-lakad ako na animo'y LONER eh, nahagilap ng mga mata ko si Patrick at yung kuya niyang bading..
Mukha silang nagtatalo..
Lalapitan ko sana sila nang biglang tumakbo palayo yung Jasper ata then, nakayuko lang si Patrick..
After siguro ng mga 1 minute, tumakbo si Patrick na parang hinahabol niya yun si Jasper (wow ah! Libreng sine lang ang peg! Penge ngang popcorn.. :3)
Pero, nung nasa gitna na ng kalsada si Jasper....
*SCREEEEEEEEEECH*
Shemay! Nabangga siya!!Maluha-luhang lumapit si Patrick sa kanya at pinagkakaguluhan na sila ng mga tao doon.
Ako naman, sumiksik talaga ako para matulungan ko si Patrick.
"Oh! Gosh!"
Habang tinutulungan kong tumayo si Patrick, kinuha naman agad si Jasper ng mga nurse at sumakay na kami sa ambulance.
"Patrick.. Huminahon ka lang.. Gagaling siya, okay?"
"Kasalanan ko 'to Jean! Hindi dapat siya mababangga kung tinanggap ko nalang ang tunay niyang pagkatao. Wala akong kwentang kapatid!"
At nagpatuloy siyang humagulgol.
"Sssh. Its okay. Hindi mo kasalanan, okay? Everything will be fine. Karamay mo ko."
At niyakap ko nalang siya.
Nalulungkot ako para sa kanya. Alam kong si Jasper nalang ang natatanging kapamilya niya. Sana naman maging okay lang ang lahat.
Pagdating namin sa hospital, agad na pinasok siya sa Emergency Room. Hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Patrick.
Dumating na din sina Blake, Carll, at Aki. Si Qhim, ewan ko kung asan yun.
"Jean?! Anong nangyari?!"-Carll
"Kalma lang, okay. Nasagasaan si Jasper."
"Ano?! Patrick, ano ba talaga ang nanagyari?!"
"Can we just settle this all tomorrow?! Wala pa sa tamang huwisyo si Patrick!"- galit na tugon naman ni Aki.
Para malinawan kayo, Jasper was our friend way back our freshmen days.
Parang si Karen, naging ka-close namin si Jasper dahil lagi niya kaming tinutulungan ni Aki sa mga assignments namin. Naaalala ko lang yun nang ibigay na sakin ng Investigator ko ang informations na nakuha niya about kay Jasper at Patrick.
Matapos ang ilang oras na paghihintay, lumabas din ang doctor.
"Doc, ano na?"-tanong ko
"The patient is still in the critical situation. Masyadong napuruhan ang ulo niya dahil sa lakas ng pagkabangga niya. But, we'll do our very best to save her."
"Sh*t! Hindi sana siya nakahiga diyan ngayon! Dapat ako nandiyan! Kasalanan ko 'tong lahat!"
"Patrick! Don't blame yourself! Kahit na madalas kang mayabang at lagi tayong nag-aaway, huwag na huwag mong kalilimutan na nandito lang kami na dumadamay sayo! Sa tingin mo ba, sasamahan ka namin dito kung wala ka man lang halaga sa'min?! Stop blaming yourself 'cuz you're not helping!"
Inis na inis na ako. Nandito naman kami ah, kino-comfort na nga namin siya tapos ganun parin ang iaasta niya! Shemay lang! Sana di ko nalang siya dinamayan!
Nang huminahon na ang lahat, umalis muna sina Blake at Carll para bumili ng makakain, umuwi rin si Aki para kuhanan nalang kami ng gamit.
Heto, kami ngayon ni Patrick. Walang imik. AWKWARD MASYADO, ah!
"Sorry Jean, ah.. Sorry sa inasta ko. Hindi ko na kasi kayo naisip."
"Okay lang. Lagi mo kasing tandaan, na kahit laking maldita kami at palaban, kaya parin naman naming dumamay sa mga kaibigan namin. "
"Sorry talaga."
Niyakap ko nalang siya para kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya.Hindi ko lubos maisip, na kaya naman pala naming maging ganito ka-close.
Na hindi man lang nag-aaway o nagbabangayan.
Sana naman kasi Patrick..
Maisip mo rin...
NA KAIBIGAN MO AKO KAHIT PAPAANO.
---------------
Because of Jasper, nagka-close sila.. ^___^