Carll’s POV
Wala kaming pasok kaya, ang sarap gumala ngayon. Pumunta akong mall ngayon para makapag-relax, nakakainip kasi sa bahay, eh. Mas mabuting sa mall na lang rin ako tumambay.
Hindi parin ako makaget-over sa nagawa kong pagsagip kay Kira. SHEMAY LANG!
Sa kanya ko nakuha ang first KISS ko, sa babaeng matagal ko nang ............
GUSTO!
Oo, aaminin ko talagang gusto ko siya. Sa ugali niyang pang-amazona, sa ganda niyang mukhang anghel, siyempre, obvious na naman na gusto ko siya.
Kung sino mang lalaki ang posibleng nagbabasa nito, hindi mo talaga maiiwasang magkagusto sa kanya, noh! Kahit isipin niyong malabo akong magkagusto sa kanya kasi parati nalang kaming nag-aaway, SIGURO, MAY POSIBILIDAD TALAGA NA “THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE”....
Geeezz!!
Ayokong maging CORNY! Kadiri lang!
Diba, pogi naman ako?
Diba, wala namang problema sakin maliban nalang sa ugali ko.
Ewan ko ba kung bakit ngayon, maldito na ako. Baka isipin niyo naman jan na nagkakaroon ako, ha! HINDI!
Noon namang bata pa ako, mabait naman ako, masunurin pero nung nag 13 years old na ako, simula nung napasok si papa sa Roquefort Company, parang naging iba na ang ugali ko.
Nawawalan na kasi siya ng panahon sa amin. Madalang nalang kaming mamasyal, si mama naman, busy rin sa business namin.
Namana ko na rin ata ang pagiging palabang maldito, snob at walang paki sa mundo doon sa engot kong kuya.
Kilala niyo naman siya diba, si Kuya Harvey. Nakakairita lang yung kuya ko kasi, napaka-isip bata! Mas mature pa ako kung mag-isip kesa sa kanya.
Habang nagmumuni-muni ako, nag-vibrate naman ang cellphone ko.
~From: B_Pareng Blake
Oi! Wala akong ibang trip ngayon. Ano kaya kung mag-CONTEST tayo ng PAPOGIAN! Okay ba? Reply lang mga Bro.
PSH! Wala talaga siyang ibang trip! CONTEST NG PAPOGIAN?! Malamang PANALO NA AKO, noh! Engot din nitong si Blake... (-__-)
Habang naglalakad ako, nakita kong may cute na stuff toy na bear doon sa may Shop.
Tutal, gusto kong bigyan ng gift si Aki para pang remembrance lang, eto nalang...
HAAAAY! Paano ko ba ‘to ibibigay? At timing naman na nahagip ng magaganda kong mata si Patrick.
*TING*
BRIGHT IDEA!
“Bro! Saan ka ngayon?”
“Ah, pauwi na rin. Bumili lang ako ng shake, ang init, eh! PAMPA-COOL SA LALAKING COOL!”-siya
Binatukan ko nga! Masyadong topakin, eh.
“Aray! Ang sakit, ah! Bakit ba?!”
“Ibigay mo ‘to kay Akkira at huwag mong sabihing sakin yan galing. Kung hindi mo mabibigay ngayon, bukas sira na ang mukha mo! Ikaw na bahalang magpalusot basta huwag na huwag mong sasabihin na galing yan sa’kin!”
“Yiiii! May gusto ka sa kanya noh?! Torpe rin tong lalaking ‘to! Ikaw na magbigay noh!”
“TORPE NA KUNG TORPE! PERO, SA ORAS NA HINDI MO YAN MABIGAY, MAGHANDA KA NA NG PERA PARA SA PAGPAPAAYOS NG MUKHA MONG BUBUGBUGIN KO!”