Qhim’s POV
Hayaan niyo na ako, wala akong magawa eh, kaya diretsong cafeteria ang drama ko.
Hmmm. May cake sila ngayon! *0*WAAAH! Ang saraaaap! Makabili nga.
“Uhm, ate, magkano po ba yang chocolate cake na yan?”
“P50 per slice.”
“Aaah. Pabili nga po, 2 slices. ^__^”
YIII! Ang saraaap talaga! Kapag gusto ko pa, bibili pa talaga ako. Matagal na kasi akong hindi na nakakakain ng cake eeh. You know, naparusahan ako nung summer so, kawawa ako. L
Habang nakain ako, sumulpot naman tong si Blake at…………
KINAINAN NIYA ANG CAKE KO?!
“BAKIT MO KINAINAN YAAN?! SINABI KO BANG KAINAN MO, HA?! Bilihan mo ko ulit!”
“Uhm, pwede umupo ka nga Qhim. Ang ingay mo.”
“Paki ko?! Basta, palitan mo yan ng bago!!”
“Tss. Oo nga po! Ate, pabili nga pong isang slice nung chocolate cake.”
“Sige po sir.”
“O Qhim, eto na ang cake mo.”
“Hmp!”
Habang tuwang tuwa akong kinakain ang cake ko, may isang malanding babae ang pumulupot kay Blake at naghalikan sila sa harapan ko. (-____-) BASTOS!
“Hey! Pervert people! Pwede bang doon kayo sa kabila?! Nakaka-ERRRGH kayo! Mga bastos! Nasa cafeteria po tayo, wala tayo sa MOTEL!”
“Duh! Huwag ka ngang makialam! Lumayas ka na nga lang. Here’s a piece of cake suited for you!”
At tinapunan ako ng cake ng walang hiyang babaeng yun! MAKIKITA MO!
“LOOK WHAT YOU DID TO MY DRESS UGLY EARTHLING! AKALA MO KUNG SINO KA, HA! F.Y.I, AKO AY ISA SA MAY-ARI NG SCHOOL NA’TO AT GAGANUNIN MO LANG AKO?! HALIKA NGA DITO KANG BABAE KA!”
Dahil sa galit ko, sinabunutan ko siya at kinaladkad palabas ng school. Kitang-kita siya ng lahat ng mga students na kaladkad-kaladkad ko siya. F*CK, ang mahal pa naman ng damit ko at nasayang ang cake ko! She deserves this!