Blake’s POV
HAAAAAY! Ang boring naman dito sa bahay! Wala akong magawa! Ma-text nga si Qhim.
~To: E_Arteng Qhim (E means ENEMY)
Hoy! Asan ka?
SENT!
Ilang saglit lang nag-reply na siya..
From: E_Arteng Qhim
Paki mo kung nasan ako?! DUH! Bahala ka nga jan, mauubos lang ang load ko sayo! DON’T REPLY BACK!
Huwag na raw replyan eh, bahala siya... Alam ko kung anong naka-phonebook na name ko sa cp niya.. “P*Blake Abno” pinakita niya sakin, eh. Ibig raw sabihin nun, PANGIT BLAKE ABNO! -________-
Ma-text nga si Akkira.
~To: E_Malds Aki (Malds kasi maldita siya)
Wud? Aki?
SENT!
At ilang segundo lang nag-reply na siya.
From: E_Malds Aki
?
Yan lang ang reply niya, ISANG QUESTION MARK! Adik din tong babaeng to! Ang naka-phonebook rin na name ko ay “P>>SHUNGA BLAKE” -____- ganun parin ang meaning ng P. Pinakialaman ko kasi ang cp niya nung nakatulog siya sa sofa.
Si Jean nga ma-try..
~To: E_Tapang Jean (siya kasi yung mabait pero matapang)
Oi?
SENT!
At nagreply na siya.
From: E_Tapang Jean
Bakit?
To: E_Tapang Jean
Pwede text? Ang boring, eh.
From: E_Tapang Jean
Busy ako kasi nagstu-study pa ako. Tsaka kung gusto mong ka-text maghanap ka ng kalahi mong PANGIT at BABAERO! Hindi ako tambayan, noh!
P.S
HUWAG KA NANG MAG-TEXT! MASISIRA KUKO KO!